Chapter 11

67 12 32
                                    

Again



Naging busy na nga ako dahil sa finals kaya hindi na ako nakabalik sa Manila. Maraming pinahabol ang mga prof namin na paper works bago mag-christmas break kaya naging abala ako sa pag-asikaso ng mga 'yun.

Mabuti na lang at naisingit ko ang pagpunta namin ni Ria sa mall nung isang araw. Dahil hindi ako sigurado kung makakapunta pa ako sa PUP Main binigay ko na kay Ria ang mga regalo nila para siya na lang ang mag-abot kila Jerik.

I kinda miss him, hindi ko naman inexpect na bubuhusan kami ng sobrang daming work loads after ng Final exam.

Sabi nga nila hindi mo namamalayan ang araw kapag marami kang ginagawa, true enough dahil sa isang araw na ang last day ng pasok namin sa taon na ito.

I'm looking forward sa simbang gabi ngayong taon. Bukod sa dalawang linggo ko na siyang hindi nakikita, hindi niya pa rin ina-accept ang mga follow request ko. Nakakatampo talaga yun.

Friends ko na sa facebook lahat ng kaibigan niya pero siya hindi ko pa rin friend. Kaya umaasa na lang ako sa myday or Ig story ni Ivan para sa update sa kaniya. Pero wala naman bago, kadalasan nasa library lang sila or coffee shop para mag-aral.

Mabuti na rin siguro na naging busy ako, para hindi ko siya maistorbo.

Nag-inat ako pagkatapos ng ilang oras na pagkakayuko para tapusin ang Thought paper na tina-type ko sa laptop.

"Ah!! Nakakangawit!" reklamo ko habang inuunat ang braso at iniikot ang ulo.

Gosh ang sakit na ng mata ko, kanina pa nakababad sa harap ng laptop.

"Please gimik tayo once na mag-start ang Christmas break," aya ni Monica.

Nandito sila sa bahay namin ngayon, dito kami sa kwarto ko gumagawa ng school requirements. Hindi na kasi kami nakakapag-hangout dahil sa sobrang busy kaya nagsama-sama kami para naman magka-time pa rin raw kami sa isa't isa.

Nagtampo kasi sa akin itong dalawa dahil sa dalawang linggong pagtambay ko sa Manila. Hindi na raw nila ako nakakasama after class at may bago na raw akong squad.

"G ako basta bawal na once mag December 16," sagot ko.

Kinuha ko ang tasa na may lamang kape. Ilang araw na ako puyat, gusto ko na magbakasyon.

"Okay after ng last day natin sa pasukan go na agad!" plano ni Monica.

"Saan tayo?" pag-angat na tingin ni Lora mula sa laptop niya.

"Kahit Chill top lang. Libre ko na since alam kong kuripot kayo," sabi ni Monica.

"Hindi sa kuripot, naubos lang talaga yung ipon ko dahil sa two weeks na pag tambay ko sa Main," reason out ko.

"Kaninong kasalanan kaya 'yon?" irap ni Lora. Hindi pa rin siya maka-get over sa myday na picture namin ni Ria. Sabi niya may bago na raw akong bff, ang selosa. Hahaha

Iyon na nga ang ni-look forward ko sa nagdaan na dalawang araw. Na-excite ako sa planong paggimik namin nila Lora. Sa totoo lang kahit na magkakasama naman kami sa iisang room na-miss ko pa rin sila. Masyadong seryoso ang atmosphere 'pag nasa school kaya stress kaming tatlo.

"Finally!!" sigaw ni Monica after lumabas ang last prof namin para sa araw na ito. Walang naging planong Christmas party ang section namin dahil nagkaroon ng kanya-kanyang plano ang bawat grupo.

My dad didn't let me drive our car kahit anong pangungumbinsi ko, sabi niya inuman raw ang pupuntahan ko kaya humanap raw ako ng ibang sasakyan na mababanga. Wala siyang tiwala sa driving skills ko kapag may amats ako. Kaya ang sasakyan nila Monica ang gamit namin ngayon.

Season of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon