Chapter 18

68 13 24
                                    

Talk



Ngayon ang last day ng marketing week at ang araw na ito ay para sa mini-pageant for Mr. and Ms. Marketing at ang awarding ceremony para sa lahat ng nanalo sa nagdaang apat na araw.

Nakaupo kami nila Lora sa court at naghihintay para sa pagsisimula ng program. Dahil hindi pa naman nagis-start ay binuksan ko na lang muna ang phone ko para maglibang sa social media.

Nagis-scroll ako sa instagram nang may makitang bagong post mula kay Ivan. Picture yun mula sa inuman nila, halata ang party sa background kahit na mukhang sa loob lang naman ng bahay iyon ginanap. Present silang lahat magkakaibigan at may caption pa na "Happy Birthday Shey!" Hindi ko na kailangan pang hulaan na yung babae na nasa gitna nila at naka-party hat ang may birthday.

Recent lang ba ito? Oh baka naman matagal na at ngayon lang na-post?

Tinignan ko ang IG story ni Ivan at nakita ko ang short clip ng kasiyahan nila. Nahagip pa ng mata ko si Paolo na busy kasama nila Jerik at iba pa na nagkukwentuhan habang may hawak na bote ng alak.

Busy huh? Hindi kayang mag-reply sa akin pero kayang uminom? Sinungaling!

Nainis ako dahil sa nakita ko. Pilit akong nagiging understanding at supportive para sa kaniya, tapos malalaman ko na hindi naman pala siya busy? 'Asan na yung busy para sa debate?

Buong program tuloy ay bad mood ako. Naiirita ako sa sarili ko dahil kahit na obvious naman na, na ayaw niya lang ako reply-an, na mi-miss ko pa rin siya. Ano ba 'yan Chao!

Ang saya-saya ng crowd na mag-cheer para sa mga candidates pero lutang talaga ako at hindi magawang maki-saya.

'Asan na yung sinasabi mo na hindi mo iwawala ang sarili mo para lang makapasok sa mundo ng ibang tao, ha Chanilene?

Tama! Fine. Kung ayaw niya ako kausap, edi 'wag! Hindi dapat ako masyadong magpapa-apekto dahil lang 'dun. Sayang ang free time na dapat masaya ako. I don't want to spoil the moment.

Kaya naman nang magsimula na ang awarding ceremony para sa lahat ng nanalo sa buong week ay 'dun na ako nag-focus.

"Okay ka na? Badtrip ka kanina ah?" bulong sa akin ni Monica.

They know me very well, dahil sobrang transparent ko. Halatang-halata sa mukha ko ang mood na mayroon ako. Kaya kapag napansin nila na badtrip ako, hindi muna nila ako kukulitin at hahayaan na mag-cool down mag-isa.

"Hmm Okay na!" medyo energetic kong sagot.

Tsaka lang napangiti si Monica dahil sa sagot ko. But I can still see the worry on her face.

Tuwang-tuwa kami ng in-announce ang pagka panalo ni Lora bilang 2nd runner up. Halos naubos ang boses namin ni Monica dahil sa pag-cheer. Kaya kahit hindi nag-overall champion ang section namin, marami naman kaming napanalunan. Hindi na rin masama.

"Celebrate raw tayo kila Tiffany guys! Free ang bahay nila," aya ni Zoe pagkatapos niyang i-congrats si Lora sa pagkapanalo.

"Ngayon na raw ba? Sino mga kasama?" tanong naman ni Lora.

"Oo nga raw since linggo naman bukas. Halos lahat ng kaklase natin na umattend ngayon mukhang sasama," ani Zoe.

Hindi naman kasi lahat ng kaklase namin ay umattend. Hindi naman sapilitan ang pag-attend ngayong araw dahil wala namang attendance. Siguro mga nasa trenta lang kaming lahat na umattend.

"Tara Chao! Maaga pa naman," sabi ni Monica.

Wala talaga ako sa mood uminom ngayong araw, at hindi 'yun dahil sa nalaman ko kanina. May time naman na marunong akong tumanggi sa alak ano!

Season of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon