Chapter 19

67 11 37
                                    

Missed



"Let's talk Chanilene" aniya

Hindi ko siya nilingon at dire-diretso lang ako bumalik sa upuan ko. Gusto ko man na makausap siya ngayon, ayoko naman magmukhang patay na patay ako sa kaniya. Kahit papaano ay may pride pa rin naman ako.

Ipinakilala ko kila Lora at Monica si Ria at Jerik. Mabuti na lang at parehong friendly ang apat na iyon kaya naman hindi naging awkward ang pag-share namin ng table. Well, maliban sa aming dalawa ni Paolo na hindi nagpapansinan.

Ginawa ko talaga ang lahat para hindi ko siya mabigyan ng pansin. Sila Jerik lang ang kinakausap ko sa buong pagkain namin. Mabuti na lang at mukhang hindi naman napansin nila Ria ang cold treatment ko kay Paolo. Siguro nasanay rin siya na hindi naman talaga kami nagpapansinan.

"Hindi mo talaga lalapitan? Kanina pa nakatingin sa'yo," sabi ni Lora.

Napatingin tuloy ako sa lamesa para kumpirmahin ang sinabi ng kaibigan. Nandun nga siya at pinapanuod ako habang naglalakad sa may pintuan.

Palabas na kami ng Jollibee at pauwi na. Si Monica ay humiwalay na sa amin dahil may pupuntahan pa raw siya. Malamang makikipag kita nanaman 'yon sa 'Friend' niya na ayaw niyang ipakilala sa amin ni Lora.

"Bahala siya diyan," sabi ko at tuloy-tuloy nang lumakad palabas.

Miss na miss ko na siya, pero magtiis siya diyan. Ganyan kaya yung palagi niyang ginagawa sa akin nuon. Iparanas ko naman sa kaniya kung ano yung feeling ng hindi ka binibigyan ng pansin.

Nang makasakay sa UV staka ko lang nabuksan ang phone ko. Nakita ko na may dalawang message dun si Paolo. Yung una ay yung oras na umalis kami sa Jollibee.

"Busy ka ba? Kahit 5 minutes lang Chao," sabi niya.

Tapos yung pangalawang message naman ay halos kaka-send niya lang ngayon.

"Okay maybe next time," sabi niya.

Mas lalo tuloy ako nainis dahil sa pangalawang message niya kaya hindi ko na nireply-an.

Really? 'Yun na 'yon Paolo? Hindi mo man lang ba ako pipilitin? Kung gusto mo talaga ako makausap dapat sana mag-effort ka naman, hindi yung tumanggi lang ako ng dalawang beses tapos hahayaan mo na lang. Wala ka Paolo!

"Hays, yung isa kong kaibigan may ka-meet-up, yung isa naman nag papalambing sa crush niya. Mabuti na lang ako single at walang iniisip na iba," nagpaparinig na sabi ni Lora.

Tinignan ko siya ng masama pero hindi naman niya 'yun nakita dahil humilig lang siya sa sandalan at pumikit.

Dapat ba pumayag na lang ako na mag-usap kami? Ano ba pag-uusapan namin? Gosh!! Mas lalo lang ako naiinis dahil sa pagiging curious ko. Bahala na nga!

Sa totoo lang hindi lang naman dahil sa inis ko kaya hindi ako pumayag na makipag-usap kay Paolo, nahihiya rin kasi ako. Feeling ko mas mabuting ipakita ko sa kaniya ang inis ko para hindi niya bigyan pansin yung video na napanuod niya.

Hindi pa ako ready na kausapin siya dahil sa kahihiyan. Paano kung tungkol pala dun ang pag-uusapan namin? Naiiling na lang ako sumandal sa upuan.

Napapagod na ako mag-isip, basta tsaka ko na siguro siya kakausapin kapag nakalimutan niya na ang video na 'yun at nawala na ang inis ko sa pang gho-ghost niya sa akin.

--

Ngayon ay Lunes at valentines day. Tulad ng plano namin nila Monica last year, kaming tatlo ang magkaka-date ngayong araw. Kaya kahit pa inaya ako ni Ethan ay tumanggi ako. Ayoko naman isipin ng mga kaibigan ko na talksht ako, at isa pa ayoko ring mag-mall ngayon.

Season of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon