Chapter 9

71 10 20
                                    

Blessed


The activity started after our breakfast and morning exercise. Hindi na rin ako nakalapit ulit kay Paolo dahil lagi siyang may kasama na mga lalaki.

Nandito kami ngayon sa Kampo Arriba dahil outdoor activity raw ang gagawin namin ngayon. Binago na rin ang grupo ngayon, limang members na lang sa bawat group.

"So for today's activity iniba namin ang grupo niyo. Alam ko naman na naging close niyo na ang mga naging ka-grupo niyo kahapon, kaya naman i-try natin na kumilala ulit sa iba," explained ng facilitator.

Nagkaroon ng re-shuffle mula sa sampung grupo mula kahapon, at sa dating kagrupo ko, si Richard lang ang natira sa bago kong group.

"Paano ba 'yan, hindi mo na talaga makakalimutan pangalan ko ngayon," sabi ni Richard sa akin.

"Oo nga eh! Mukhang magkaka-sawaan ulit tayo ng pagmumukha ngayon," biro ko pabalik.

Our new group consist of three girls and two boys. Mukha nga lang mahinhin ang dalawang babae, unlike sa nauna kong group members na lahat competitive.

"Okay ang next activity natin ay Bible Scavenger Hunt! Sa buong simbahan ay may nakakalat na plastic eggs na may lamang bible verses. There are fifty eggs for all the groups to find. Syempre paramihan ito at kailangan ng team work!" pag e-explain ng facilitator

"Parang egg hunting?" bulong na tanong ko kay Richard.

"Mukhang ganun nga," sagot niya naman.

"The only rule of the game is, kapag hawak na ng ibang grupo ang egg hindi niyo na pwedeng agawin sa kanila. Iwasan natin ang magkasakitan, maliwanag ba iyon?" tanong ng facilitator.

Sabay-sabay naman kaming sumagot ng 'opo'.

"Then I'll give you guys until eleven thirty para maghanap. Happy hunting everyone!" masayang pagbubukas ng game ng facilitator.

Kaming tatlong lalaki lang ang nakisabay sa pakikipagtakbuhan sa ibang grupo. Naiwan sa kampo ang dalawang babae at mahinhin na naglalakad para maghanap.

"May memebers tayo na Maria ngayon, kaya double time team!" sabi ni Richard sa amin ni Lawrence bago kami nagpasyang maghiwa-hiwalay para mas maraming mahanap.

Pumunta ako sa Manaog Drive, eto yung unang pinuntahan namin ni Jessa kahapon na may manmade lake.

"Got you!" sabi ko pagkakuha sa unang egg na nakita ko sa ilalim ng railings. Nilagay ko iyon sa maliit na bag na binigay sa amin ng facilitators.

Dahan-dahan akong naglakad at focus sa pagtingin sa bawat sulok. Maraming halaman dito kaya malamang iisipin nila na dito maglagay.

Kaunti lang ang mga tao dito ngayon dahil halos lahat sila umakyat sa Chapel of Transfiguration. Kaso naisip ko na masyadong sacred ang chapel para gawing gaming ground ng mga facilitators kaya hindi ako nakisali sa kanila do'n.

Nakasalubong ko pa si Luisa na naghahanap rin. Nginitian ko siya bilang bati, ngumiti rin naman siya pabalik bago nagsimula ulit maghanap.

Dumiretso ako sa Koi pond at yumuko para silipin kung mayroon rin ba sa paligid nun. Nakita ko na may nakausling lumulutang sa mismong pond kaya kinuha ko iyon.

"Two point for Chao!" masayang sabi ko.

"Oh buti ka pa! Ako wala pa," sabi ni Luisa na nasa tabi ko na rin ngayon.

"Tingin ka pa sa pond baka meron pa," suggest ko bago umalis sa manaog drive.

Ang usapan namin ni Richard magkikita na lang kami sa Kampo kapag mga 10 am na para malaman ang update ng bawat isa. Six thirty pa lang naman ng umaga kaya naka-jacket pa rin ako dahil sa lamig.

Season of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon