Chapter 3

131 10 28
                                    

Imagination


Alas-siete pa lang ng umaga, 'andito na kami sa studio ng Red Image sa Manila. Ngayong umaga ang shoot nila Monica para sa swimsuit attire at mamayang hapon naman pupunta kami sa Main para sa shooting ng casual look.

'Andito kami ni Lora sa movie area at nanunuod ng foreign movie kasama ang mga kaibigan ng ibang kandidata na kasali. Hindi kami pwede pumasok sa mismong studio kaya 'dito kami naghihintay.

Dalawang oras na magmula nang dumating kami dito, matagal ang naging shooting nila dahil isa-isa pa silang minakeup-an. Marami ang mga candidates at masasabi ko na deserve ng bawat isa ang pagiging representative ng kurso nila.

Lahat sila matatangkad at magaganda, but, I personally like the candidate of polsci, pinay beauty ang look niya. Hindi naman papahuli ang ganda ng kaibigan ko siyempre.

Kami ang naging taga-bantay ng gamit ni Monica at taga-takbo sa pagbili ng kung ano-ano na kakailanganin niya. Hindi 'man ako ang sumali sa contest damang-dama ko pa rin ang pagod dahil sa pagsuporta sa kaibigan.

"Nag-text si Monica, 'asan raw tayo," sabi sa akin ni Lora.

Lumabas muna kami saglit at tumambay sa 7/11 sa tapat ng studio. Nabo-bored na kami dahil ang corny ng palabas, kaso hindi naman kami makapagreklamo. Masakit na rin ang pwet namin kakaupo.

"Bakit tapos na raw ba?" sagot ko bago ininom ang slurpee na hawak ko.

"May thirty minutes break raw siya para kumain," ani ni Lora na busy sa pagtipa sa cellphone niya sa ire-reply kay Monica.

"Tanungin mo kung ano gusto niyang kainin, hindi naman siya makakalabas dahil sa ayos niya," sabi ko naman.

Dumaan kami sa Mang Inasal bago umakyat sa studio. Ito lang naman yung malapit na kainan sa studio. Since thirty minutes lang ang break niya matatagalan kung lalayo pa kami.

Pinatanggal ko na lang sa crew yung stick ng manok para hindi mahirapan kumain si Monica mamaya.

"Ang haba ng araw natin ngayon," pagod kong reklamo habang naghihintay na bumukas ang elevator.

"Okay lang 'yan! Kahit mamaya umupo ka na lang 'pagdating sa school," excited na sabi ni Lora.

Siya lang ang excited para sa schedule ni Monica mamaya dahil finally makakarating na siya sa PUP main.

Magkikita kami mamaya ni Nissa para iabot ang mga modules ko sa polgov. Mabuti na lang rin at may schedule siya ngayong araw para naman isang puntahan na lang gagawin ko.

Ayaw ko talagang pumupunta sa Sta. Mesa dahil nakakapagod ang byahe lalo na 'pag pauwi. Wala rin ako masyadong positive na memory tuwing pumupunta ako sa Main dahil ang walang katapusang pila lang ang naalala ko. Kung hindi kakailanganin hindi talaga ako papasyal dahil lang sa trip ko.

Sinalubong kami ni Monica at pagod na kinuha ang paper bag ng pagkain niya

"Ang sakit na ng binti ko dahil sa heels," sabi niya.

"Saglit kunin ko yung tsinelas mo sa loob," sagot ni Lora.

Umalis saglit si Lora para kunin ang bag na dala ni Monica na puno ng mga kakailangan niya ngayong araw.

After kumain nagpatuloy ang shoot nila. Mukhang patapos na sila dahil magkakasama na raw ang lahat ng kandidata na pi-picture-an.

Nag-iinat akong pumara ng masasakyan namin. Ala-una pasado na natapos ang shooting nila at mamayang alas-tres ang tuloy 'nun sa main.

Tulog ang dalawa sa byahe, gusto ko rin sana kaso delikado kung lahat kami tulog. Baka rin bigla kaming lumagpas kung walang nakaantabay sa daan.

Kami na lang tatlo ang pumunta sa main. Kaninang umaga kasi 'andun pa sila Kuya George nang ihatid kami sa studio. Kaso busy raw talaga sila kaya hindi na kami nasamahan pa sa shooting sa main. Sabi niya kaya na raw namin ni Monica dahil kabisado naman namin ang main.

Season of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon