Oblivion
Pagkatapos ng beach trip namin sa Pangasinan nakuntento na muna kami ni Paolo sa chat at text dahil hindi rin naman ako makalabas ng bahay. Kumbaga sa load ay expired na ang kalayaan ko dahil sa limang araw kong out of town trip.
Pagkarating nga sa bahay ay general cleaning agad ang sinalubong sa akin ng pamilya ko. Grabe sila sa akin! Pagkatapos ko sila uwian ng pasalubong nila.
Naging abala kami dahil sa walang tigil na dami ng clients ni mommy sa catering. At dahil nasa summer camp si Charles para sa basketball game nila, ako na naman ang ginawang alila ng nanay ko.
It's almost one week mula nang makauwi kami, kaya naman miss na miss ko na si Paolo. Para bang sa five days na magkasama kami ay nasanay ako sa skinship namin ni Paolo.
"Looove! Kailan ang date natin?" sabi ko sa kaniya habang magka-videocall kami.
After knowing what 5201314 means nakasanayan ko na siyang tawagin sa ganong endearment. Syempre mas gusto ko pa rin naman ang pangalan niya, kapag naglalambing lang talaga nag-iiba.
"Akala ko ba marami kayong ginagawa?" sagot niya naman.
Nakahiga na siya sa kama at ang lampshade na lang sa bedside table niya ang bukas na ilaw. Tuwing gabi ay tumatawag siya sa akin bago matulog.
"Hmm... samahan mo na lang ako sa susunod na araw mag grocery!" aya ko sa kaniya.
Sa susunod na araw kasi ay wala sila mommy sa bahay. May event kasi silang aayusan dahil nga sa catering, tumanggi ako sumama kaya may free time ako sa araw na 'yon.
"Hindi ba kaka-grocery niyo lang kahapon?" tanong niya naman.
Ano ba 'yan! Gumagawa na nga ako ng reason para magkita kami, nag i-integoragte pa siya.
"Para 'yun sa mga lulutuin sa catering, hindi kasama 'dun yung pang personal na gamit ko," sagot ko naman.
Tumango naman siya at hinayaan na ako magplano sa gagawin namin sa araw na 'yon. Mabuti naman at hindi na lang ako ang marupok sa relasyong ito.
Busy lang kami nagku-kwentuhan habang nakahiga. Actually it's me who do the most of talking dahil nga nao-overpower ng kadaldalan ko ang kwento niya. He just listen to my rants and stories tirelessly.
"Kaya nga sabi ko, bakit niya ako ie-educate kung siya mismo sa sarili niya hindi educated pagdating sa ganoong issue," rant ko pa.
Paolo is not just my boyfriend, he is also my bestfriend. Sa kanya ko na unang kwine-kwento ang mga nangyayari sa daily life ko at mga outbursts ko sa mga kung ano-anong bagay.
Tingin ko ganoon rin naman ang tingin niya sa akin. He also shares his everyday stories to me, maging ang mga pinag-aaralan niya. Dahil tuloy sa kanya naging interested na rin ako sa law.
Mas gusto ko nga actually ang naging progress ng relationship namin, ayoko naman kasi na puro landian lang kami, gusto ko na may sense rin ang pinag-uusapan namin. I believe that, kung bestfriend mo ang partner mo, mas magiging strong ang relationship niyo.
"Don't stress yourself. Hayaan mo siya, ang close-minded people kahit gaano karaming evidences ang ipakita mo basta decided na sila, hindi ka na nila papakinggan," aniya.
We are talking about that one mutual friend of mine na grabe kung makasabi ng racist remarks. I politely tried to tell her na mali ang ginamit niyang mga salita, pero minura lang ako at sinabihan na uneducated.
This is why I can see that Paolo is very fit with his dream profession. I mean, how can he remain calm when someone is clearly saying offensive words and disrespecting him? I could never!!