Chapter 24

72 9 2
                                    

Treasure



Nasa Alaminos tourism office kami ngayon para magrenta ng bangka, 'yun kasi ang sabi sa amin kanina pagpunta namin sa Lucap Wharf Tourism Office kanina.

Dahil marami kami, dalawang bangka ang kinailangang rentahan. Pagkatapos magrenta at magbayad para sa environmental fee, insurance at entrance, nakaalis rin kami bago mag-seven-thirty.

Hindi ko pa natatanong hanggang ngayon si Paolo tungkol sa numbers na sinend niya kagabi. Busy kasi kami kaninang umaga para mag-prepare ng mga pagkain na dadalhin namin ngayon.

"I-try natin lahat ng water activity ha! Para sulit," excited na sabi ni Lora.

Naka-life jacket na kaming lahat at nasa kalagitnaan na rin kami ng dagat para puntahan yung unang isla. Kaming mga babae ay hindi nagsawa sa kaka-picture kahit hindi pa man nakakalayo.

"Mag a-aya ka ngayon tapos mamaya ikaw yung duwag na aatras diyan," sabi ko naman.

Hanggang sabi lang naman kasi itong si Lora. Kapag gagawin na mismo biglang magba-back out. Mabuti pa si Monica game sa kahit anong activity.

"Kumaway kayo sa camera dali!" sabi naman ni Monica.

Ngumiti naman kami at kumaway sa vlog niya. Malakas ang alon kaya naman tuwing uuga ng malakas ang bangka namin ay napapatili kaming mga babae at sumisigaw naman ang mga boys.

Nilabas ko na rin ang camera ko para picture-an ang kulay blue green na dagat. Gusto ko sana magpa-picture kasama si Paolo, kaso nasa dulo siya ngayon. Pinauna kasi pasakayin ang mga babae kaya naman nasa dulo ang mga boys.

"Hala jusq! Eto na ba yung banana boat!! bakit ang lakas!!" tiling sabi ni Lora.

Tinawanan lang namin siya ni Monica. Hinigpitan ko naman ang hawak ko sa sarong na nasa ulo ko dahil sa lakas ng hangin.

Sobrang init! Maitim na naman ako neto pagbalik ng Manila.

Ilang saglit lang ay tumigil rin ang bangka namin sa harap ng Governor's Island. Isa eto sa mga fully developed ng isla sa hundred islands.

Pagbaba namin sinalubong agad kami ng malamig na tubig. Kaso feeling ko hindi ganun ka safe mag-swimming dito dahil sa mga jellyfish.

"Kuya ano yung floating bridge 'dun?" narinig kong tanong ni Monica sa tour guide namin.

Nilingon ko ang mahabang floating bridge na sinasabi niya, sa dulo 'nun ay may isang isla ulit. Pag-angat ko naman ng tingin ko, nakita ko na may zipline sa itaas na nagko-konekta sa dalawang isla.

"Papunta po 'yan ma'am sa Virgin Island, pero pwede po kayo mag-zipline 'dun," turo ni manong sa itaas.

Waaah!! Nakaka-excite, parang gusto ko rin mag-zipline!

"Tara zipline tayo sis!!" aya ko kila Monica.

Halos masakop ng mga kaklase namin ang buong isla, para bang kahit saan ako tumingin ay may makikita akong pamilyar na tao.

Ang mga gustong mag-zipline ay sumama sa amin nila Monica umakyat sa taas. Pagkatapos magbayad mabilis rin kaming binigyan ng helmet. Ang haba ng zipline!!

"Hala parang ayoko na!! ang taas naman ata niyan!" sabi ni Lora.

Kita mo na? Kanina ang lakas niya mag-aya diyan, tapos ngayon aatras siya.

Lumapit ako kay Paolo habang nilalagyan na ng harness ngayon si Monica, siya ang unang susubok 'dun.

"Picture tayo Pao!" sabi ko sa kaniya.

Mabilis niya rin naman kinuha ang cellphone niya at pumwesto kami sa gilid ng viewing deck para kumuha ng picture. Naka-ilang shots rin kami bago siya tawagin ng mga kaklae ko dahil siya na ang susunod.

Season of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon