Chapter 10

82 10 51
                                    

His



Pagkatapos ng retreat mabilis kong hinanap ang facebook account ni Paolo. The reason why I can't find his account for five years is because he's not using 'Paolo'. Mukhang para lang sa pamilya niya ang pangalan niya na iyon.

Kean Ferrer I typed in, at mula duon mabilis ko rin naman nahanap ang account niya. I just can't stalk him since naka-private ang mokong. Masyadong pa-showbiz si crush.

Ang profile picture niya ay ang picture niya na nakaupo sa isang coffee shop, naka-side view at naka-poker face tulad ng lagi niyang itsura. Ang simple lang naman ng porma niya pero bakit parang pang professional photoshoot ang kinalabasan?

Nakakainis rin at hindi ko siya ma-add. Dapat pala cellphone number niya ang unang hiningi ko. Dibale sa susunod 'yun agad unang hihingin ko 'pag nagkita ulit kami.

Dahil wala naman siyang public posts na pwede kong istalk, hinanap ko na lang ang account niya sa instagram at twitter.

"Gotchu!" masayang sabi ko nang makita ang account niya sa twitter. As expected naka-private rin ang account niya dito, pero at least pwede ako mag-request for follow. Mabuti na lang at hindi jejemon itong si Paolo kaya madali lang mahanap ang username niya sa twitter.

Nag-request to follow ako both sa twitter at instagram account niya bago pinatay ang laptop dahil sa tawag ni mommy.

Sunday ngayon at a-attend kami ng mass. Actually feeling ko nga malapit na ako magkapakpak dahil kaninang umaga lang nasa Christian church ako para umattend ng service, tapos ngayon gabi naman sa Catholic church.

I am Roman Catholic by papers but I don't want to lock myself in religion's strict rules and beliefs. I respect every religion, basta alam ko na I believed and trust Him and I think that's enough. Although my parents are both very religious and Catholic devotees I'm glad that they respect my decision about my beliefs.

Kaya nga nang mag-aya ang kaibigan ko na si Alex para sumama sa Christian service ng church nila kanina ay hindi ako tumanggi.

Hawak ang kamay ni Yuri papasok sa simbahan, sinalubong kami ni tita Sherly. She's in her usual usher uniform when she greeted my mom.

"Devora! Mabuti naman at nakasama ka ngayon sa misa!" bati ni tita kay mommy pagkatapos nila magbeso.

Tumango naman si Daddy at tahimik na gumilid para hayaan sa maikling pagkukwentuhan ng dalawa. Tita Sherly is actually my mother's bestfriend and my Dad's cousin.

"Oo nga eh! Naging abala kami sa catering nung nagdaang linggo kaya hindi ako nakakapagsimba," ani mommy

My mom have a catering service business, its not that big or famous pero kapag ganitong buwan ng November hanggang February madalas maraming clients. Ayaw na nga sana ni daddy na magtrabaho si mommy dahil kay Yuri pero hilig talaga ng nanay ko ang pagluluto.

"'Asan si Charles? Hindi ko na nakikita yung batang 'yon," puna ni tita Sherly

"Nako may practice game raw silang magkakaibigan. Ewan ko ba dun," sabi naman ni mommy.

Pagkatapos ng maikling batian nila naupo na rin kami sa loob. The mass is about to start nang makita ko ang nanay ni Paolo na dumaan sa harapan ko para mag-excuse at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni mommy.

Nilingon ko ang daan na pinanggalingan niya para tignan kung kasama niya ba si Paolo, pero matandang babae lang ang nakita kong sumunod sa kaniya.

Mukhang busy si Paolo sa school works niya at hindi niya 'ata nasamahan ngayon ang mama niya? O baka naman hindi siya nakauwi ngayon. Akala ko ba every Sunday ang uwi niya? Iniling ko na lang ang ulo ko.

Season of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon