Chapter 37

70 9 0
                                    

Leave

Hindi kami matapos tapos ni mommy sa pagluluto ng mga handa para mamaya. Ngayon ang birthday ko at darating mamaya ang mga kamaganak namin at ilang kaibigan ko. Kaya naman grabe ang dami ng ulam na niluluto namin ngayon.

"Reply-an mo nga ang tita mo Chao! Nagtatanong kung saan raw banda yung resort," sabi ni mommy habang niluluto ang sauce ng carbonara.

Napatingin ako sa sobrang daming nagkalat na ingredients sa lamesa. Ako naman kasi ay assistant lang ni mommy. Natuto naman na ako magluto, pero hindi ko kaya ang ganito karaming serving. Tapos yung mga ulam pa na napili niya ay yung komplikado pang lutuin.

Kinuha ko ang phone niya para mag-reply kela tita Diane kung paano makarating sa resorts na venue. Andun na sila daddy at Charles para isetup ang mga gagamiting lamesa, naiwan lang kami ni mommy dito sa bahay dahil hindi pa tapos ang pagluluto.

"Ako na ang bahala dito Chanilene, paliguan mo muna ang kapatid mo," utos ni mommy.

Mabilis naman akong umakyat sa taas para kunin si Yuri at paliguan. Kahit naman nag e-eight na siya, hindi pa rin siya pwedeng hayaan maligo ng mag-isa.

"Ate! Gusto ko na mag-swimming" sabi niya sa akin ng nakanguso.

"Oo mamaya pagdating natin," sabi ko naman sa kaniya habang sinasabunan ang katawan niya.

Mabuti pa ang kapatid ko fresh na! Ako na may birthday hindi pa nakakaligo hanggang ngayon! Amoy pinaghalo-halong ulam na ako.

Ilang saglit lang ay bumalik rin si daddy dala ang sasakyan. Hinintay niya kami matapos ni mommy para maihatid na kami sa venue. Aniya andun na raw ang ibang kamaganak namin.

"Happy Birthday nak!" Masayang sabi sa akin ni daddy pagkapasok ko ng sasakyan.

"Thank you po," sabi ko naman. Ngayon lang niya ako nabati dahil hindi rin kami masyadong nakapag usap kaninang umaga dahil nga may kaniya-kaniya kaming ginagawa.

Malapit lang naman ang resort na iyon kung may sasakyan na gamit, kaya madali lang rin kaming nakapunta.

Nang makarating kami ay nilibot ko ang tingin ko sa buong lugar. Maliit lang ito pero maganda ang interior. Talagang sinunod ni mommy yung request ko na aesthetic dapat tignan ang lugar.

"Chanilene!! Happy Birthday pamangkin!" Bungad sa akin ni tita Len.

Isa-isa kong tinaggap ang bati ng mga kamaganak ko na nauna nang makarating dun. Pagkatapos ay naiwan ako sa bukana para sa pagsalubong sa mga parating pa lang.

"Mabuti naman at may pa-party kayo! Bakit nga ba hindi kayo naka-attend nung reunion last year?" Rinig kong tanong ni tita Len may mommy sa gilid.

"Nako busy! Ang daming clients kaya hindi kinaya!" Dahilan ni mommy bago hinila palayo si tita para sa malayo sila makapag-usap.

Alam kong hindi sinabi ng mga magulang ko ang nangyari sa akin sa ibang relatives namin. Sa totoo lang ay nagpapasalamat nga ako dahil 'yon ang naging desisyon nila. Hangga't maaari ayokong marami ang maka-alam.

"Couz!!! I miss youuuu!" Salubong na yakap sa akin ni Cleo.

Dumarami na ang mga bisita at mukhang malapit na kami makumpleto. Ang mga kaibigan ko naman ay nasa iisang gilid ngayon at may sariling mundo. Hindi naman ako makalapit dahil hindi matapos-tapos ang pagbati at pangangamusta sa akin ng mga relatives ko.

"I miss you rin!! Pumayat ka ata!!" Bati ko sa kaniya pabalik.

"Yes girl! College makes me sexy talaga. Hahahaha," tawa niya pa.

Season of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon