5201314
Alas sais pa lang ng madaling araw ay nagsimula na kami sa pagbyahe. Nagsiksikan kami sa dalawang Hiace na van nila Monica at Ivan.
Forty-one talaga kaming mag ka-kaklase pero twenty five lang kaming sumama ngayon. Kung idadagdag sila Paolo at Ivan, maging ang dalawang driver nila Monica, twenty-nine kaming lahat na kasama.
Sakto lang naman ang sasakyan para sa mga kasama, kaso dahil sa dami ng gamit, nagmukhang masikip ito. Gusto pa nga sana ni Paolo dalhin ang sasakyan niya pero kumontra ako, bukod kasi sa dagdag gastos iyon, mapapagod lang rin siya magdrive kung sakali.
Every one is excited, lalo na ako. First time ko na sumama sa outing na hindi parents ang kasama ko, tapos bonus pa na nandito rin si Paolo. Mabuti na lang talaga at pumayag sila daddy kahit malayo at limang araw ang trip.
"Kakainis kasi! Ingay-ingay neto ni Harold!" rinig kong reklamo ni Lora sa harapan ng upuan namin.
Kaming apat nila Monica, Ivan at Paolo ang nasa likod. Magkatabi kami ni Monica sa gitna habang ang dalawang lalaki ay nasa magkabilang gilid. Si Lora naman ay nakaupo sa harapan namin dahil ayaw niya sumingit sa gitna ng upuan namin ni Monica.
I actually feel bad for her, alam ko na gusto niya kami katabi ni Monica, pero ayaw niya naman tumabi sa amin dahil for sure busy raw kami sa mga jowa na kasama namin.
"Sis may dala ka bang Go Pro?," tanong sa akin ni Monica.
Nasa kalagitnaan na kami ng NLex ngayon at nasa likuran lang namin ang isa pang sasakyan. We are leading the way dahil nandito sa sasakyan namin si Monica.
"Meron, kaso wala akong dalang extra battery," sagot ko naman.
Sobrang ingay sa loob ng van kahit umaga palang, hindi nauubusan ng pagkukwentuhan ang lahat. Obvious talaga na excited sila, akala mo fieldtrip eh.
"Pwede na 'yon! May power bank naman ako," ani Monica.
She wants to try vlogging or video montage of some sort while we are in Alaminos. Sabi ko nga 'wag na dahil baka hindi niya lang ma-enjoy ang trip kung buong araw siyang busy sa camera niya. Kaso she insisted, kaya niya naman raw mag-multitasking kaya hinayaan ko na siya sa trip niya.
Inabutan ako ni Paolo ng isang bag ng chips para alukin. Kinuha ko naman iyon bago hinila ang dala kong unan na yakap niya.
Mabuti na lang rin pala at friendly etong si Ivan, kaya naman hindi naging awkward para sa iba naming kaklase ang pagsama niya. As for Paolo, well kilala na ng mga kaklase ko si Paolo dahil sa video ko nung inuman at nung bumisita si Paolo sa school dati kaya walang problema.
"Bakit mo hinihila?" inis kong sabi kay Paolo bago muling hinila ang unan na yakap niya.
Ako nagdala nung unan pero ayaw niya ishare sa akin. Eh kung ako na lang kasi ang niyayakap niya para hindi kami nag-aagawan dito. Nahiya pa sus!
Binitawan niya naman ang unan at kinuha na lang ang kamay ko para ipagsiklop sa kaniya.
Ano ba Paolo!! Ang aga-aga pa eh, may pa-holding hands ka na agad.
"Better?" ngising tanong niya sa akin. Ang landi-landi!!
"Hmm.. better," ngiting sagot ko naman sa kaniya. Nagpapalandi rin naman.
Binigay ko na kila Monica ang hawak na snacks at umayos na lang ng pagkakasandal sa upuan.
We share his airpods and listen to his playlist. While everyone is being chaotic, we are silently minding our own business.
![](https://img.wattpad.com/cover/226869434-288-k459322.jpg)