Chapter 27

67 8 0
                                        

Fiesta


Nasa labas kami ngayon ng bahay at nakatambay sa malaking patio sa likod. Dito kasi tulong-tulong na nagluluto ang mga tao rito kapag may malakihang handaan.

Ang mga lalaki ay busy sa kinatay nila kaninang baboy na gagawin atang insarabasab, o yung inihaw na baboy.

Sila mommy at ang ibang babae naman ay nagluluto naman sa gilid ng kalderetang kambing, kare-kare at sisig. Hindi ko na rin alam yung ibang putahe na niluluto nila at hindi ko na rin naman tinanong dahil marami silang ginagawa.

Nanahimik ako sa dulong upuan at tinutulungan si ate Nene na gumawa ng linga candy. Si Paolo kasi ay abala sa pagtulong kela tito sa pag-iihaw ng baboy.

"Masipag rin pala 'yang nobyo mo 'no?" sabi niya habang naghahalo.

Napatingin tuloy ako kay Paolo na pawis na pawis na ngayon, pero seryoso lang sa binabantayan na baboy. Napangiti tuloy ako dahil bago sa akin ang mapanuod siya na ganito.

"Gaano na kayo katagal nyan?" tanong niya ulit.

"Ngayong buwan lang po," sagot ko naman bago diniinan ang rolling pin sa basa pang candy.

"Oh? Akala ko matagal na kayo! Close na kasi siya kila manong Fred at manang Devora," sabi naman niya.

Magaling ata talaga makisama si Paolo, dahil kahit ang ibang kamaganak ko na hindi ko naman close, ay close na rin niya ngayon. Napansin ko pa na nakakapagbiruan na niya kanina si Kaloy, yung malayong pinsan kong lalaki na kapit-bahay lang rin namin.

"Mukhang matalino rin, nag-swerte ka!" biro niya sa akin.

Swerte ko nga ata talaga kay Paolo, pero hindi na rin naman na siya lugi sa akin ano! Hindi man ako kasing talino niya, dean's lister din naman ako! At wala na siyang mahahanap pang ibang babae na patay na patay sa kaniya.

Buong hapon ay ganun ang pinagkaabalahan ko. Wala naman kasing internet dito kaya walang ibang libangan. Mabuti pa si Charles nakahanap agad ng kalaro sa basketball court, tapos si Yuri naman busy makipaghabulan sa ibang bata sa tapat.

"Palit ka muna ng damit, baka matuyuan ka ng pawis," sabi ko kay Paolo pagkalapit niya sa akin.

Mukhang kakatapos lang nila sa ginagawa nila. Sinuklay ko ang pawisan niyang buhok na magulo na ngayon. Nakatayo siya sa harapan ko habang ako naman ay nakaupo sa mataas na batuhan.

"Anong oras tayo aalis?" tanong niya habang pinapaypayan ang katawan gamit ang suot na damit.

"Kahit mamayang pagkakain na, para makaligo ka bago tayo umalis," sabi ko sa kaniya.

Paniguradong siksikan ang plaza ngayon, kaya mas nakakapagod sumabay sa dami ng tao. Mamaya na kasi ang pageant para sa Ms. Botolan Tourism.

"Okay magbibihis na muna ako," paalam niya bago pumasok sa loob ng bahay.

Nagsisimula na magdilim, pero dahil sa kasiyahan ay buhay na buhay pa rin ang paligid. Rinig din mula dito ang ingay mula sa labas, siguro galing 'yon sa mga tao na papunta na ngayon para manood sa plaza.

Tumambay pa muna ako saglit doon para magpahangin bago magpasya na pumasok na sa loob. Naabutan ko si tita Beth na nilalabas na ang kaldero ng kanin papunta sa kubo.

Sa likod kasi ng bahay ay may maliit na kubo kung saan madalas kami naghahapunan. Mas presko kasi ang hangin sa labas at mas maluwag kaya dun kami kumakain.

"Chanleng isunod mo ang mga pinggan sa labas," sabi niya bago lumabas sa likod ng kusina.

Narinig ko ang lagasgas ng tubig mula sa CR kaya naisip ko na baka naliligo na si Paolo. Kinuha ko ang mga pinggan sa lamesa at sumunod sa kubo.

"Magtawag na at mangan na!" sabi ni tita kay Kaloy.

Mabilis naman umalis ang pinsan ko at narinig ko ang sigaw niya sa mga kamaganak ko na nakatambay pa sa tapat ng bahay ngayon.

Bumalik naman ako sa kusina para maghiwa ng manga para panghimagas pagkatapos kumain.

"Love.." rinig kong tawag sa akin ni Paolo habang naghihiwa ako ng manga sa lababo.

Lumingon naman ako saglit sa kaniya. Napangisi ako ng makita ko boyfriend kong gwapo na bagong ligo. Fresh na fresh!!

Binitawan ko na ang hawak kong manga at tinignan na lang siya.

Nasa batok niya ang tuwalya na ginamit niya at nakasuot na siya ngayon ng malinis na gray shirt at black na maong shorts. Tumutulo pa ang tubig sa buhok niya ng makalapit sa akin.

"Hmm bango naman niyaaan," sabi ko sa kaniya bago siya niyakap.

Buong araw rin siyang busy kaya hindi kami nakapag-usap ng matagal. Kahapon naman after namin umuwi galing plaza ay natulog na agad kami. Hindi ko pa siya nakita dahil sa kabilang bahay siya pinatulog ni lola.

Kahit pa gaano niya maging close ang parents ko, hindi pa rin uubra na sa iisang kwarto kami matutulog pareho. Minsan na rin ako nasabihan ni daddy nung araw na umamin kami ni Paolo.

"Hmm amoy manga," biro naman niya sa akin.

Pabiro ko naman siyang hinampas sa balikat dahil sa sinabi niya at kumalas na sa yakap.

"Pumwesto ka na dun sa kubo at kakain na," sabi ko sa kaniya.

Maaga talaga maghapunan kapag sa probinsya, lalo na at maaga rin matulog ang lahat. Kaya naman kahit alas-sais pa lang ay nag-aaya na sila ng dinner.

"Intayin na kita matapos diyan," sagot niya naman bago humila ng mauupuan.

Hinayaan ko na siya at naghiwa na lang ng manga. Mabilis lang rin naman iyon dahil nakakalahati na ako kanina bago pa siya lumabas ng banyo.

Sabay na kami bumalik sa kubo at siya na ang bumuhat sa pinggan na may laman na manga. Pinakuha kami ni mommy ng ulam at pinapwesto kami sa kahoy na upuan. Tahimik lang kami kumain habang maingay na nagkukwentuhan ang mga kamag-anak ko.

"My sasama kami ni Kevin mamaya sa plaza ha!" sabi ni Charles.

"Hindi na Charles, gagabihin 'yon kaya wag ka na sumama," sabi naman ni mommy.

Nagpumilit pa ang kapatid ko pero hindi talaga siya pinayagan. Dinadamay pa nga ako, sabi andun naman raw kami ni Paolo kaya dapat payagan na siya, pero sa huli hindi pa rin siya pinagbigyan.

Ayaw ko rin isama na ang mga kapatid ko dahil hassle lang 'yon. Hindi ko mae-enjoy ang contest kung may binabantayan ako.

"Magsumbrero ka Chanilene, mahamog pag-uwi niyo!" bilin ni mommy bago kami lumabas ng bahay ni Paolo.

Kasama namin sila tito at iilang pinsan ko na manunuod. Hindi na sumama sila mommy dahil napagod sila sa pagluluto kaninang umaga.

"Dali kayo para makahanap tayo ng pwesto!" sabi ni tito Lem.

Maraming kakilala si tito, kinausap niya iyon saglit kaya nabigyan kami ng pwesto sa bandang harapan. Walang upuan sa pwinestuhan namin, pero okay lang naman dahil nagsisitayuan rin naman ang mga tao sa harapan.

Mukhang magsisiimula pa lang naman ng pageant ng makarating kami. Ilang saglit rin muna kami naghintay bago lumabas ang dalawang MC.

"Naimbag a sardam mga Botoleño!" (Magandang gabi mga Botoleno) Energetic na bati ng isang host.

"Ngayong gabi ay masasaksihan natin ang isa na namang kagandahang namumukod tangi sa ating bayan!" sabi pa ng isang host.

Focus na focus ako sa nangyayari dahil mukhang pinaghandaan talaga ang pageant na ito. Base sa backdrop at dami ng supporters, mukhang pinagkagastusan talaga ang contest ngayong gabi.

"Huwag na tayong magpatupik-tumpik pa! Ipakilala na natin ang mga nagpintasan nating mga kandidata!" sabay nilang sabi bago lumakas lalo ang tugtog.

Naghiyawan at palakpakan ang lahat ng manunuod ng isa-isang nagsilabasan ang thirty-one candidates mula sa iba't ibang barangay ng Botolan. Lahat sila ay naka Ms. Earth costume.

"Wow ang bongga naman!" sabi ko. Grabe ang effort sa paggawa ng costumes nila, akala mo ay lalaban sa national pageant.

"Wala 'yan! Ano sa susunod na taon ikaw naman ang kandidata ng barangay natin Chanileng," biro ni tito sa akin.

Tumawa lang ako at umiling-iling.

"Nako tito wala po akong hilig sa ganyan," natatawang tanggi ko.

Matagal na nilang biro sa akin na sumali sa pageant na ito, pero ni-minsan ay hindi ko sineryoso 'yon dahil ayoko rin naman. Mas gusto ko ang manood lang sa baba ng stage.

Nasa likuran ko lang si Paolo para hindi ako maitulak ng hindi makalmang crowd. Mas lalo pang umingay at nagka-gulo ng isa-isa ng nagpakilala ang mga candidates. Nakipalakpak naman kami, pero mas nag-cheer kami sa pambato ng Brgy.Puroc, which is yung barangay namin.

Dito sa town plaza ng barangay namin ginanap ang pageant ngayon taon, dahil last year kami ang nanalo. Kaya naman mas lalong inaabangan ang kandindata ngayon para back to back win kami kung sakali

"She's pretty!" sabi ko ng makita ang pambato namin.

She have that pinay beauty look at ang ganda pa ng boses nang magsalita. Mukhang gusto talaga manalo ulit ng barangay namin ngayon. Kung mananalo nga, walang duda na deserving ito.

Tahimik lang naman si Paolo sa likod ko na nakahawak sa balikat ko. Kami lang halos nila tito ang nakiki-cheer sa crowd.

After ng Ms. Earth costume nagkaroon ng maikling pagtatanghal yung nanalo sa 'Talentadong Botoleño', pagkatapos nun ay lumabas ulit ang candidates suot ang casual wear nila.

"Feeling ko maganda rin yung candidate ng Bancal," turo ko kay Paolo.

Inangat ko pa ang tingin ko sa kaniya para masilip ang reaction niya pero tumango lang siya sa akin.

"Sino bet mo diyan?" tanong ko sa kaniya.

Kung ako ang papa-piliin, kung hindi yung Ms. Bancal, syempre yung Ms. Poroc. Ewan ko ba kung bakit pagdating sa pageant mas gusto ko yung Pinay beauty. Para bang mas bagay ang kulay morenang kutis para sa mga ganitong kompetisyon, hindi nakakasawang tignan.

"Ikaw," sagot naman niya.

"Ako? Mas bet ko yung tinuro ko sayo kanina, pero okay lang rin kung yung representative natin," sabi ko naman.

"No, I mean ikaw lang gusto ko," lapit niya pa sa tenga ko dahil sa mga nagsisigawang tao.

Pinalo ko ang braso niya at hinarap siya. Dahil sa lapit naming dalawa kinailangan ko pang tumingala sa kaniya.

"Ikaw ang corny-corny mo!" biro ko sa kaniya.

Tumawa lang siya bago ako niyakap sa bandang leeg. Shuta hirap magkajowa ng higante, sa leeg ako niyayakap! Hindi kaya masakal ako neto kalaunan?

Nag-focus na lang ulit ako sa pinapanuod ko. Napabaling lang ulit ako sa kaniya nang mag-swimsuit competition na.

Season of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon