Chapter 14

79 12 19
                                    

Gift



Ngayong araw na nga ang huling simbang gabi at ang pagsalubong sa pasko. Pagkatapos namin mamili ni Paolo kahapon hindi na kami nakatambay pa pagkatapos ng misa dahil may pinuntahan sila after ng mass.

It's fine for me since we already bond habang nasa mall. Hindi naman ako g na g sa attention at time niya 'no!

Hindi ko alam kung paano ko ibibigay ang regalo ko sa kaniya mamaya. I don't think we'll have time to meet after ng mass dahil for sure busy na kami para sa paghanda sa pasko.

Matagal kong pinag-isipan kung yung 'Commentaries On Criminal Law Revised Penal Code Book I' ni Amurao ang bibilhin ko o yung 'The Revised Penal Code Book II' ni Reyes ang bibilhin ko based sa suggestion ni Ria sa akin. Sa dulo yung 'The Revised Penal Code Book II' ang binili ko para magamit niya sa next year level niya.

Hindi ko alam na sobrang mahal pala ng law textbooks, I mean, alam ko na mahal, pero hindi ko alam na super mahal! Nagdalawang-isip pa ako kung ipu-push ko ang pagbili nun bilang regalo sa kaniya, pero mabuti na lang pala at ginawa ko.

I know how serious he is pagdating sa studies niya, and I want to support him with that as much as I can. Hindi ko man personally alam ang pinag-aaralan niya, at least alam ko na makakatulong naman yung gift ko. 

Naging maingay ang bahay namin dahil sa pagdating ng mga kamaganak namin. I am very close with my relatives lalo na sa father's side ko. Lahat relatives namin na pupunta ngayon ay kamaganak ni daddy since yung family ni mommy ay mostly nasa province lahat.

I can hear the laughter coming form our living area, for sure nandito na ang mga tito at tita ko na super energetic. Ruiz family is a bunch of energetic and loving people. I share the same personality with my father's side the most, medyo seryoso kasi ang personality ng side ni mommy.

"Chanilene bumaba ka na 'andito na ang mga pinsan mo!!" rinig kong sigaw ni mommy mula sa sala.

Binalik ko sa loob ng closet ang nakabalot kong regalo kay Paolo. Maybe maaga na lang akong gigising bukas at ibibigay ko ito sa kaniya.

"What's up cuz!!" biglang pasok ng mga pinsan ko sa kwarto ko.

My six cousins find their comfortable area inside my small room. Ang tatlong lalaki ay humiga pa sa kama ko na kakaayos ko lang. Guess what? Mukhang walang matutulog ngayong gabi.

"Kakarating niyo lang?" tanong ko sa kanila.

"Yepp! Umakyat agad kami since alam namin na hindi ka naman bababa," ani Cleo.

"Ano naman kasi ang gagawin natin sa baba? 'Andun yung mga tanders," sabi ko at umupo na rin sa kama.

Lima kaming nagsisiksikan sa kama habang si Lily ay nakaupo sa ottoman at si Dan sa carpet sa sahig. We are this close with each other, hindi lang literal!

"Coreen nagdala kayo ng biko?" tanong ko sa pinsan ko na busy sa cellphone niya.

"Hmm nagdala si mama" sagot niya.

Lagi kong inaabangan ang biko na niluto ni tita Ara, yung mama ni Coreen. Favorite ko ang biko niya. Naghahati-hati kasi ang bawat pamilya sa daldahing pagkain everytime na may ganitong salu-salu. Naka-organize pa ang planong program para mamaya sa ginawang gc ng pamilya.

Ate Shiela and ate Gab planned so much for our christmas party later. Actually sila naman lagi ang organizer since sila ang mahilig mag plano para sa events.

"Ano balak niyo gawin?" ani Matt.

"Ewan ko sa inyong boys, basta kaming girls kahit magchichikahan lang kami buong magdamag," sabi ni Cleo.

Season of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon