Chapter 15

75 13 21
                                    

Verdict



Inaayos ko na ang mga pinaggamitang containers, spatula at kung ano-anong gamit sa kusina na ginamit namin ni mommy para sa paggawa ng cake kanina. Tuwing may order kasi sa kanya na cake tina-try niya muna ito para kapag gagawin niya na ay hindi na magkakamali.

I'm always her assistant, dahil una sa lahat ako lang naman ang mauutusan niya sa ganitong bagay. I don't know how to cook, but I know how to bake, so.

Habang binabalik ang mga natirang ingredients naalala ko na mahilig nga pala si Paolo sa mga matatamis kaya imbes na ilagay sa garapon ang natirang cocoa powder ay ginilid ko ito.

Kinuha ko ang natirang condensed milk at cocoa powder para simulang gawin ang chocolate truffles na ibibigay ko mamaya kay Paolo.

Pagkatapos ng pasko ay hindi na kami nakakatambay pa ni Paolo, pero mabuti na lang at nagre-reply naman siya sa mga messages ko. Ayoko rin naman siya ayain sa pagtambay sa labas dahil hindi ko sigurado kung may oras siya para duon.

Malapit na ang bagong taon, at malapit na rin ang pasukan, for sure magiging busy na naman kami pareho once na matapos ang Christmas break.

"Hey!! Nasaan ka today?" message ko sa kaniya pagkatapos ilagay sa refrigerator ang nagawang chocolate truffles.

Alam ko na busy magbasa yung lalaking 'yon kaya idadaan ko na lang sa bahay nila yung ginawa ko para hindi na niya kailangan pang lumabas.

Feeling ko nga isa sa reason kung bakit ang puti niya ay dahil lagi lang siya nasa kwarto niya para magbasa. Nasabi naman niya na hindi naman siya kj pagdating sa mga out of town trips, pero kung may time siya mas gugustuhin niya magbasa kaysa mag gala.

Sa totoo lang hindi naman talaga ako into boys na masyadong studious at snobbish, mas prefer ko talaga yung mga lalaki na may carefree at easy out going personality. Before, I prefer boys with sense of humor, pero bakit ngayon mas gusto ko na yung matalino at may sense ang mga sinasabi?

O baka hindi naman nagbago ang gusto kong personality sa lalaki, sadyang gusto ko lang talaga si Paolo kaya ina-accept ko kung ano man yung personality na meron siya.

"Sa bahay lang. Why?" reply niya.

Hindi na ako nag-reply pa sa message niya dahil naging abala na ako sa pagpapatuloy sa paglinis ng kusina. Isu-surprise ko na lang siya mamaya, magugulat na lang siya nasa labas na ako ng bahay nila.

Pagsapit ng alas-quatro ng hapon bumaba ako sa kusina para kunin ang pagkain mula sa ref. I used the heart shaped container and carefully place the truffles inside. Dahil sa sobrang aesthetic ng pagkakaayos ng chocolate ay pinicture-an ko pa ito.

See Paolo kung ano ang advantages 'pag naging girlfriend mo ako? Hindi man ako marunong magluto pero magsasawa ka naman sa mga baked goodies. Napangisi ako.

"Mommy lalabas lang po ako saglit," paalam ko sa kaniya.

Tumango lang naman siya dahil busy sa pagbabantay kay Yuri na nagkukulay ngayon sa coloring book niya. Nakasalubong ko pa si daddy sa labas ng pinto na mukhang kakatapos lang linisin ang sasakyan.

"Diyan lang ako sa kapitbahay dy!" sabi ko.

"Bumalik ka bago maghapunan," bilin niya.

Pagkalabas ng bahay ay nagtipa ulit ako ng mensahe para kay Paolo.

"Are you reading right now?" tanong ko sa kaniya habang naglalakad na.

Tanaw ko na ang bahay nila ng mag-reply siya.

"Almost done," sagot niya.

Sakto lang pala ang dating ko kung ganon. Hindi na ako nag-hesitate pa na pindutin ang door bell. Kung makikita man ako ng parents ngayon ni Paolo, eh ano naman? Dapat nga maging close ko na sila simula ngayon para naman may tutulong sa akin na lumakad kay Paolo.

Season of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon