Cute
Excited akong gumising ng sumunod na araw. Mamayang gabi pa naman ang pangalawang misa para sa simbang gabi pero maaga pa rin ako nagising dahil sa excitement.
Pagkauwi kagabi hindi ko napigilan tawagan sila Lora at Monica para ikwento ang nangyari. Hindi pa sila naniniwala nung una, kaya pinakita ko sa kanila ang last conversation namin ni Paolo sa instagram.
Dahil sa maaga akong nagising, bored na bored ako sa paghihintay ng oras. Ang tagal naman mag alas-otso ng gabi!!
Gusto ko sana siya send-an ng message, pero hindi ko naman alam ang sasabihin ko kaya kanina pa akong umaga nag-iisip ng topic na pwede ko sabihin. Ang huling convo namin ay yung inaya ko siyang kumain ng ice cream.
Nang may naisip, mabilis akong nag-type ng message sa kaniya. Tawang-tawa ako sa ka-cornyhan at kalokohan ko.
"Hey may tanong ako," send ko sa kaniya.
Kanina pa siya active, hindi ko nga lang sure kung naiwan niya lang na bukas ang phone niya or active nga talaga siya.
"What?" reply niya.
Ngiting-ngiti ako habang nagtitipa ng reply sa kaniya.
"Anong food ang kadalasang order ng mga Law student sa KFC?" natatawang send ko sa kaniya.
"Huh?" litong reply niya.
"Just say 'ano' Paolo, wag kang Killjoy," sabi ko naman.
"Okay. Ano?" masunuring reply niya naman
"Edi Caselaw!! HAHAHAHAHA" tawang tawang send ko sa kaniya.
Hinihintay ko ang reaction niya sa joke ko pero sineen niya lang. What? Hindi niya ba na gets ang joke ko?
"Show some reaction Paolo! Antagal ko pinag-isipan ang joke na 'yan," send ko ng hindi pa rin siya nagre-reply.
"What are you up to? I'm busy right now," seryosong reply niya.
Corny naman neto hindi marunong mag-appreciate ng joke! Hmmp!
"Baka hindi mo lang nagets? Caselaw = Coleslaw!! Oh c'mon!" disappointed kong reply.
"I get it. But I'm watching right now," reply niya.
"Anong pinapanuod mo attorney?" reply ko naman. Kung sa messenger siguro kami nag-uusap baka 'yun na ang sinet ko na nickname niya. Bakit kasi hindi niya pa rin ako ina-add sa facebook? Ipapaalala ko sa kaniya 'yan mamaya.
"Your recommendation," maikling reply niya.
Wow! Akala ko um-oo lang siya kagabi nung sinabi kong panuorin niya yung netflix series na sinuggest ko sa kaniya.
"Anong episode ka na?" reply ko.
"First" sagot niya.
Ganito ba talaga kapag maglo- lawyer? Mahal pati ang reply nila? Ang tipid tipid niya sumagot ha. Pero since pinanuod niya yung recommendation ko sige Lawsuit niya ngayon. Yes Chao grabe na ang ka-cornyhan mo today.
"Okay okay hindi na kita iistorbohin. See you later Litigator!!" reply ko sa kaniya.
Mabuti naman at pinanunuod na niya yung ni-recommend ko, for sure may topic na kaming pwedeng pag-usapan mamaya. Kagabi tinry ko naman isearch yung mga sinabi niyang series, kaso hindi ko naman inexpect na ang haba pala! Nalula ako sa dami at sa bandang dulo ay nakatulugan ko na lang.
I busied my self on visiting my social media. Nag-fangirling na lang muna ako sa twitter para magpalipas ng oras.
Gosh buong Christmas Break ba akong nakatengga ng ganito? Nung may pasok ang dami kong planong panuorin na movies and dramas at basahing wattpad stories once na mag bakasyon, pero ngayong bakasyon naman tamad na tamad akong magbasa at manuod.