Await
Ngayon ang unang araw ng simbang gabi. Kabado ako at natatakot sa maaaring mangyari ngayong araw. I'm always looking forward for this day to come. Noon man hanggang sa ngayon. This is my only chance to meet him again.
Tingin ko ay alam rin ni mommy ang inaabangan ko ngayong araw. Kahit na wala namang balita tungkol sa pagbabalik nila ng bansa, umaasa pa rin ako. Lagi silang nandito kapag pasko, kaya sana ganon yun ulit ngayong taon.
Gusto sana akong samahan nila Monica ngayong gabi, kaso may sarili rin schedule ang pamilya nila sa gagawin nila. Okay lang rin naman sa akin since kasama ko naman ang pamilya ko magsimba ngayon.
"Chanilene? Gusto mo rin daw ba ng puto bumbóng? Mag-oorder na ang kapatid mo," silip ni mommy sa pintuan ng kwarto ko.
Tumango agad ako sa tanong niya. Na-miss ko ang puto bumbóng, lalo na't hindi naman ako nakakain nun nung nakaraang pasko. Ang huling kain ko nun ay nung nagsisimula pa lang kami maging close ni Paolo. Sobrang na mi-miss ko na siya.
"Opo my. Yung may cheese po sana," sabi ko.
Tumango naman siya at umalis na ng kwarto. Pagkasarado ng pinto ay pinagpatuloy ko ang pag-aaral ko ng Mandarin.
Everytime na may libre akong oras, ginugugol ko iyon sa pag-aaral ng lenguaheng ito. Naisip ko kasi na kung sakaling hindi na babalik ulit si Paolo dito sa Pilipinas, hahanapin ko siya sa China. Pero last resort ko na iyon, kapag kunwari grumaduate na ako at hindi pa rin siya nagpapakita sa akin.
Buong Christmas break tuloy puro Chinese dramas at variety shows ang pinapanuod ko. Kung hindi tungkol sa Chinese, tungkol naman sa law. Grabe ang impluwensiya ni Paolo sa akin. Nakakaloka lang.
"Měilì" Pagbibiruang tawag sa akin ni daddy habang nasa hamba ng pintuan.
"Ano ba yan dy!" Tawa ko sa kaniya sa tinawag niya sa akin. Simula kasi ng mapansin nila na nag-aaral ako ng Chinese language ay sinasabayan nila ako. Kapag kasi nasa hapag ay nagsha-share ako sa kanila ng mga natutunan kong salita.
"Kumain na tayo ng hapunan," tawa niya.
Tumango ako at sinarado na ang librong binabasa ko. Isang buwan pa lang naman akong nag-aaral, at kahit isang buwan na ay hirap pa rin ako. Sobrang daming characters at ang hirap nung intonation nila.
Pagbaba namin ng hagdan naabutan kong nakapuwesto na sa lamesa sila mommy at mga kapatid ko. Mukhang ako na lang pala ang hinihintay. Hindi ko siguro narinig ang tawag nila kanina dahil busy ako sa pagbabasa.
"Kumain na tayo para makapagsimba na," sabi ni mommy.
Mabilis naman akong umupo sa pwesto ko. Nakita ko na nakabihis na ngayon ang dalawa kong kapatid. Mukhang sasama ata ngayon si Charles? Himala ah!
"Sasama ka?" Tanong ko sa kaniya.
"Syempre naman," sabi naman ng kaharap ko.
Pinangningkitan ko siya ng tingin dahil sa sobrang pormado niya ngayon. Simba ba ang punta neto o date? Landi ah! Mana sa ate niya, charot!
"Asan na yung binili mong puto bumbong?" Tanong ko sa gitna ng pagkain.
"Mamaya pa raw 'yon kasi waiting pa yung order. After ng misa kukunin ko," sabi naman niya.
Pagkatapos namin kumain ay nagbihis lang ako saglit. Naka-ready na ang susuotin ko ngayon dahil ayokong ma-late. Baka hindi ko siya mapansin kapag na-late kami ng dating.
Sakto lang rin naman ang dating namin para makahanap ng upuan na mapu-puwestuhan. First day kaya hindi pwedeng ma-late dahil sa dami ng tao. Kaya naman habang naghihintay sa pagsisimula ng misa, panay lang ang libot ng mga mata ko.