Prologue

261 12 15
                                    

Season of Love

Prologue


I am fixing my long straight hair after changing clothes, one after another for the nth time. I am dazed and I can't decide what am I really going to wear for tonight, I want to look presentable as possible knowing that he might see me later.

Of course he might don't mind me, he doesn't even know me after all, but, knowing the slight chances and the possibility of him looking at me, or at least glance my way, I know I have to be prepared.

"Chao!! anong oras na, wala na tayong mauupuan,"

"Teka my! Pababa na po!" sigaw ko habang nagmamadaling bumaba ng hagdan. Napansin ko na ako na lang pala ang hinihintay nila.

Mabuti na lang at ng pagkarating namin sa simbahan ay may nahanap agad kaming mauupuan bago mag simula.

Marami na agad tao at nag sisimula na mapuno ang loob ng simbahan, nakaupo 'man o nakatayo ay puno, expected na 'yon dahil bisperas ngayon ng pasko.

I constantly look everywhere, malikot ang mata at pati na rin ang leeg ko para hanapin sila ng pamilya niya. Hindi pa naman mag sisimula ang misa dahil may play pa. Alas otso talaga ang oras ng misa, pero dahil Christmas Eve mass ito, magkakaroon ng one hour play kaya mga alas nuebe pa ang simula.

Tinignan ko ang malaking wall clock sa likuran. Napabalik rin naman ako ng tingin ng marinig ko ang announcement sa harapan para sabihin na kailangan namin lumabas muna ng simbahan dahil doon itatanghal ang play.

"Ano Yuri gusto mo ba manuod?" tanong ni mommy sa kapatid ko na 4 years old. Excited naman itong tumango at halos hilahin na kami palabas para makanuod.

"Tara na Chao, para makapuwesto tayo sa harap at ng makita niya ang palabas,"

Sumunod naman agad ako at mabagal na naglakad dahil sa kumpol ng dami ng tao na isa-isa na rin naglalabasan. Naiwan si daddy sa loob ng simbahan para may ma-save na kaming upuan mamaya 'pagkatapos ng play.

Mabilis na napuno ang harapan na bahagi kaya naman napunta kami nila mommy sa bandang gitna. Hindi nakatulong sa sitwasyon na maraming humarang sa puwesto namin lalo na at maliit lang rin ako. Malamang si mommy lang ang makakanuod dahil matangkad siya.

"Doon na kayo sa harapan, sumiksik kayo, maliit naman kayo pareho," utos niya sa akin.

Hawak ang kamay ni Yuri ay nakipagsiksikan kami sa dami ng tao at pumwesto sa harapan, bandang kaliwang bahagi dahil puno na ang gitna. Ilang minuto pa kami nag hintay dahil mukhang hindi pa nase-settle down ang nagkukumpulang mga tao.

Maya-maya pa ay kinalabit rin ako ni mommy

"Ako na ang bahala kay Yuri, do'n kami pu-pwesto, tinutulak na yung bata! Dapat sinigawan mo yung mga lalaki!" inis na sabi niya.

Totoo naman, talagang tinutulak kami nung mga mag kakaibigan na lalaki na dumaan, ni-hindi manlang inisip na may bata akong kasama. Kaso dahil ayoko naman mang-away, lalo na at nasa harapan lang kami ng simbahan at pasko pa, hinayaan ko na lang.

Pinabayaan ko na silang dalawa sa harapan. Mas mabuti na rin na si mommy na lang ang kasama ni Yuri, mahirap na kung bigla ko siyang mabitawan sa dagat ng tao. Nanatili na lang ako sa likuran nila, nawawalan na sa mood para manuod dahil sa tagal mag simula.

Ilang minuto pa ang lumipas bago na nga nagsimula ang play. Tungkol iyon sa paglalakbay nila Virgin Mary at St. Joseph para humanap ng lugar na maaring pag silang-an kay Hesus.

Nang mag simula ang play ay lalong dumami ang tao at nagkasiksikan pa. Natangay na ako ng mala-alon na pagkilos ng mga manunuod at nadala ako sa pinaka likuran na bahagi. Hindi ko na matanaw sila mommy, pero hinayaan ko na lang. Malamang magkikita na lang kami sa loob ng simbahan mamaya.

Season of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon