(Note: TW// Indecent Assault )
Hamartia
Hindi ko alam kung paano ko na survive ang buong week na puro exams at defense. Talagang kawawa ang body clock ko dahil never na ako nakatulog ng more than 3 hours sa nagdaang tatlong linggo.
"Talaga bang pupunta pa tayo mamaya? Parang tulog ata ang kailangan ko at hindi alak eh!," Sabi ni Lora sa amin.
Oo nga parang mas na-miss ko ang kama ko kaysa sa alak. Kaso kasi naka-oo na ako kila Janice, kaya nakakahiya naman kung tatanggi kami ngayon mismo.
"Di naman tayo magtatagal," sabi ni Monica habang nag re-retouch ng make-up niya.
Bilib din ako sa babaeng ito, nagagawa niya pa rin mag-ayos ng mukha kahit super stress na. Sabagay need niya nga rin naman mag-ayos para sa defense nila.
Ang last subject namin ngayong araw ay research, defense ang finals namin para dun. Tapos na kami ni Lora last week kaya hinihintay na lang namin si Monica ngayon.
Tapos na ang written exams namin kaninang umaga kaya naman kumalma na ako. Finally may free time na ulit ako sa mga susunod na araw.
"Shems next na kami! Wait niyo ako dito girls!" Sabi ni Monica bago nagmamadaling tumakbo sa room kahit na naka-heels siya.
Walang energy namin siyang pinanuod ni Lora habang nakaupo sa mga nakalabas na upuan sa kabilang room. Bawal naman kasi manuod sa defense nila kaya ang mga hindi magpre-present ay naka tambay dito.
"Gisingin mo na lang ako sis," bilin sa akin ni Lora bago tuluyang natulog sa desk.
Mukha na talaga kaming zombie sa laki ng eyebags namin. Sa sobrang sleep deprived ko, nagagawa ko nang makatulog kahit naka-upo o naka sandal lang. Ganun pala talaga 'pag sobrang pagod ka 'no? Masandal lang tulog na!
Ngayong College ko na-appreciate at na-miss yung pamimilit sa akin ng nanay ko na matulog tuwing hapon, nung bata pa ako. Dapat pala tinulog ko na lahat nuon para may stock ako ngayon!
Nag-type na lang ako ng message ko kay Paolo para iupdate siya na tapos na ang exams ko.
"I'm finally done with the exams!!" Text ko sa kaniya.
After ng birthday ni Yuri hindi na rin kami masyadong nakakapag-usap ni Paolo. Pareho kaming nag-focus sa pagre-review namin. Okay lang rin naman dahil December na next week, malapit na ang christmas break.
Tulad ng mga nagdaang taon, ni-lo-look forward ko pa rin hanggang ngayon ang simbang gabi. 'Yun na lang kasi ang time na makakapag-spend ulit kami ng maraming time ni Paolo. Lalo na at wala kaming bakasyon ngayon taon dahil sa summer class.
"Congrats! Update me kapag papunta na kayo sa bahay ng kaklase mo," reply niya naman.
Hindi na ako nakapag-reply sa message niya dahil inantok na ako. Hindi ko na kinaya ang sobrang antok kaya napasabay ako sa tulog katabi ni Lora.
Nagising na lang ako nang ginising kami ni Monica. Hindi na siya naka-formal na damit ngayon, mukhang tapos na ang defense nila at nakapagpalit na siya.
Nakita ko rin na nagpupuyas pa ng mga mata si Lora tanda ng kakagising lang rin niya.
"Tapos na?" Tanong ko. Nilibot ko ang paningin sa gilid at nakitang kami na lang ang natira sa tapat ng room ngayon.
"Yes! Jusq! Kinabahan ako ng matindi sa tanong nung research head! Akala ko ba mabait?" Sabi ni Monica sa akin.
Okay naman yung tanungan ng research head sa grupo namin kaya akala ko hindi siya masyadong mahigpit.