Still
Maraming nangyari simula ng matapos ang taong 'yon. Kahit na hindi ko siya nakita at nakasama para salubungin ang bagong taon, hindi pa rin nawawala ang pag-asang magkikita rin kami sa susunod.
Time is running so fast. Naging abala kami nila Monica sa kaniya-kaniyang OJT namin. Hindi kasi kami magkakapareho ng lugar na napasukan. Si Monica ay nagtrabaho sa company ng pamilya niya. Ako naman ay inoffer-an ng isang hotel sa Manila. Habang si Lora ay nasa tita niya sa Marikina.
Dahil sa layo ng lugar na pinapasukan ko, nakituloy ako sa apartment na nire-rentahan nila Ria. Simula kasi ng mag-third year silang apat, nagkasundo sila na umupa na lang ng apartment kesa sa dorm.
Mas malaya nga naman kapag apartment ang mayroon ka. Pwede ka magluto at magdala ng bisita. Hindi rin sila nililimitahan sa gamit na pwede nila dalhin. Binalak ko sanang magrenta rin ng apartment pero pinilit niya ako na tumira na lang sa kanila.
Malaki ang apartment nilang apat. May tatlong kwarto ito, ang isa ay solong kwarto ni Ria dahil siya lang naman ang babae. Ang pangalawa ay kwarto ng tatlong lalaki, at ang pangatlong kwarto ay ginawang study area.
"Anong lulutuin mo Chao? Pwede pa-request ng may sabaw na ulam?" Tanong sa akin ni Lloyd.
Every week ay may nakatoka kaming gawain sa bahay. This week ako ang tagaluto. Natutunan kong magluto simula ng tumira ako sa kanila. Nakakahiya nga naman kung nakikitira na nga ako tapos hindi pa ako marunong ng simpleng pagluluto.
"Sige, nilaga na lang ba?" Tanong ko sa kanila.
Bumalik ang closeness ko sa kanila lalo na at nagsisimula na ulit mag-usap si Ivan at Monica. Hindi pa rin naman daw sila nagkakabalikan sabi ng kaibigan ko, pero mukhang nagkakamabutihan ulit.
Ang sabi lang sa akin ni Monica, ayaw niyang madaliin ulit ang lahat tulad nung unang naging sila. Basta sa ngayon ay nag-uumpisa ulit sila sa relasyon nila. Naiinggit nga ako dahil mabuti pa sila ay nagka-ayos na, kami ni Paolo ay wala pa ring progress hanggang ngayon.
"Pwede na 'yon! Pa-damihan ng gulay Chao," request ni Ria habang nakatingin pa rin sa papel na binabasa.
Sa aming lima, ako ang may mas maluwag na time. After kasi ng shift ko sa hotel ginagawa ko lang ang paper works na isu-submit ko sa school tapos okay na. Sila kasi ang dami ng binabasa nila. Mas lalo ko tuloy na-appreciate ang matataas nilang grades dahil sa hirap ng pinag-aaralan nila.
Wala kaming pasok ngayon lahat, pero kaming tatlo lang nila Ria at Lloyd ang nasa bahay. Si Ivan at Jerik kasi ay may dinaluhang court hearing. Hindi naman raw 'yun sapilitan, talagang gusto lang nila manuod.
"Akala ko magkikita kayo nila Lora ngayon?" Tanong ni Ria sa akin habang naghihiwa ako ng sibuyas.
Tanaw mula sa kusina ang living area at nandun ngayon nakaupo sa sofa si Ria. Si Lloyd naman ay pumasok na ata sa study room dahil wala na siya sa pwesto niya kanina.
"Mamayang gabi na lang raw. Hanggang gabi ang duty ni Lora kaya inadjust namin ng after dinner," sagot ko naman.
Kahit na magkakalayo ang pinapasukan namin ngayon magkakaibigan, nagkikita pa rin naman kami tuwing nagpapasa ng papers sa school at kapag vacant day namin.
"Ah ganon ba, magdala ka na lang ng susi mo," sabi ni Ria na tinanguan ko lang.
Maraming naging pagbabago sa nakalipas na ilang buwan. Pero mabuti na lang at puro positive naman ang pagbabago na iyon. Naisip ko tuloy na maswerte ang pasok ng taon na ito sa akin. Hindi tulad ng last year at dulong buwan ng last last year.