Chapter 22

87 8 1
                                    

Asset



Pagkatapos ng gabi na 'yon naging busy na nga kami sa mga sumunod na araw. Pero hindi tulad nung midterms na bihira siya at late mag reply sa mga messages ko, ngayon siya pa mismo ang unang nag u-update.

I don't really know what we have right now. Habang tumatagal nagiging sweet na rin siya sa akin and I can also feel his care.

MU? Baka nga. Gusto ko siya tanungin sa bagay na iyan kaso hindi pa naman kami nag kikita ulit sa personal.

Natatakot ako marinig ang sagot niya, pero mas mabuti na yung malinaw sa akin kung saan ako lulugar kaysa umaasa ako sa pakikitungo niya diba?

Last day na ng pasukan kaya naman mas excited ako dahil mas marami na kami magiging time ni Paolo sa bakasyon.

"Ano Chao? This time naman wala ka naman na sigurong retreat na pupuntahan diba?" tanong sa akin ni Monica

Wala ng klase talaga at ang pumapasok nalang ngayon ay yung mga mag papasa ng requirements, kaya naka tambay lang kami sa apartment niya.

Nag p-plano ulit sila ng beach trip para naman raw makasama na ako this time. Ang pinag pipilian nila ay kung sa Bicol o Pangasinan. Maganda sana sa Bicol kaso mukhang malayo at maraming hindi papayagan.

"Wala na, inulit ulit ko pa 'yan kay daddy kagabi," sabi ko naman

Ilang beses ko tinanong sila daddy kagabi kung wala ba talagang lakad na matatapat sa lakad namin. Baka kasi last minute nanaman sila mag sabi, maiinis na talaga ako 'pag naulit nanaman yung nangyari last time.

"Ayain mo si Paolo! Isasama ko rin si Ivan," sabi naman ni Monica

May bahay sila Monica sa Alaminos kaya tamang-tama kung tuloy nga kami sa hundred islands.

"Hoy akala ko ba for section lang natin ito? Bakit nagkaka samahan ng jowa?" angal naman ni Lora

Napag kasunduan kasi ng buong klase na ang outing ang mag mistulang year end party namin. Kaya naman halos lahat ay sasama ngayon dahil kalahati ng gagastusin ay isho- shoulder ng natirang classroom funds.

"Wala ka lang masama eh! Chao ayain mo rin si Ethan para 'di malungkot 'yan," pang aasar ni Monica

Natatawa kong kinuha ang cellphone para mag message kay Paolo

"We're planning a beach trip sa Pangasinan. Sama ka?" text ko sa kaniya

Mas lalong magiging memorable ang beach trip na iyon kung kasama nga siya. Kaso hindi naman ako sigurado kung available siya ng mga araw na 'yon. Hindi ko kasi siya tinatanong about dito dahil nung nakaraan undecided parin sila sa lugar. Ngayon na confirmed na saka ko lang siya inaya

"Kailan 'yan?" reply niya

"April 15-19, may bahay sila Monica 'dun kaya wala ng gagastusin sa accommodation" reply ko naman pabalik

"Isasama rin ni Monica si Ivan, kaya sama ka na please!" habol kong text sa kaniya

Talagang sinabi ko kela Monica na dapat after Holy week at Easter para mas malaki ang chance na makasama si Paolo. Baka kasi isama siya ng mama niya sa simbahan or may bisitahin.

Advance ko talaga magisip. Hahaha

"Sige mag papaalam ako kay mama mamaya" reply niya

Napa 'yes' naman ako kaya napatingin sa akin sila Lora

"Ano sasama raw?" tanong ni Monica

"Mag papaalam raw siya mamaya sa mama niya," masayang balita ko

Season of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon