Chapter 21

62 10 1
                                    

Meaning



Pag baba ng sasakyan tahimik kaming pumasok ni Paolo sa naka bukas na gate nila tita. Sa loob palang ng gate ay mabilis kong ng narinig ang kasiyahan at ang ingay mula sa videoke sa loob ng bahay.

"Tito Ron!" salubong kong bati sa asawa ni tita.

May hawak itong isang plato ng sisig at palapit sa mga kaibigan niya na nasa tapat at nag iinuman na ngayon. Nang makita niya ako ay ibinaba niya ang hawak na plato at masayang niyakap ako.

"Akala ko hindi ka pupunta! Sabi ni Sherly may pasok ka raw" naka ngiting sabi niya sa akin

"Ah maaga po kasi uwian ko ngayon" sabi ko naman

Mula sa pag kaka layo sa akin mula sa yakap na binigay niya tumungo ang tingin niya sa lalaki sa likod ko.

"May dinala ka palang bisita. Nobyo mo? Umiinom ba ito?" naka ngiting sabi ni tito kay Paolo

Nako tito hindi pa po, pero soon!

"Hindi po tito!" pag tanggi ko, baka sabihin pa ni Paolo bakit hindi ko nilinaw na mag kaibigan lang kami

"Ay hindi ka umiinom? Aayain sana kita kahit isa shot lang!" masayahing aya pa ni tito habang naka tingin kay Paolo. Akala ata niya yung sinabi kong 'hindi' ay para sa pangalawang tanong niya.

"Umiinom naman po" magalang na sagot nama netong isa

"Oh 'yun naman pala! Tara upo ka dali!" kaway pa ni tito kay Paolo para imbitahan sa inuman nila

Nahihiyang ngumiti naman si Paolo at tinignan ako. Inilingan ko siya at ako na ang tumanggi kay tito

"Next time nalang tito! May pasok pa siya bukas ng maaga eh!" sabi ko sabay hila sa braso ni Paolo papasok ng bahay.

Kung hindi ko pa siya hinila baka naka upo na siya dun at hindi na tinigilan ni tito. Alam kong gusto niya lang naman makisama, pero may pasok siya kinabukasan!

Pag pasok ng bahay natanaw ko naman agad si tita Sherly na naka suot ng pulang bistida at nakikipag tawanan sa mga kumare niya. Naka make up pa ito at may suot na alahas, akala mo nag debut!

Lumapit ako sa kaniya habang tinatago ang paper bag na may lamang regalo sa likuran ko.

"Happy Birthday tita!!" gulat kong bati sa kaniya

Hindi niya napansin ang pag lapit ko dahil busy siya makipag tawanan sa kausap niya kanina.

"Chao!! Mabuti dumating ka! Kanina ka pa ba?" tanong niya sa akin

"Kakarating lang namin tita. Eto pala regalo ko" abot ko sa kanya

"Nako hindi ka naman na dapat pa nag abala!!" pakunwaring tanggi niya pero nakita ko naman na excited niyang sinilip silip ang naka saradong paper bag.

Naramdaman ko naman na lumapit na sa akin si Paolo, pero nanatili sa likuran ko.

Napa angat ng tingin si tita mula sa regalong hawak niya patungo kay Paolo.

Heto nanaman po tayo

"Aba aba" mahinang bulong niya sa akin. Nginisian niya ako ng nakakaloko at matamis na nginitian si Paolo

"Kaibigan 'yan ng kumare mo tita, sabay lang kami pumunta" linaw ko agad sa kaniya dahil alam ko na kung saan patungo ito.

Ayokong maging awkward kay Paolo ang pag iisip ng relatives ko sa relasyon namin. Hindi ko pa nga siya napapakilala kela mommy at daddy heto at iniisip na ng mga kamag anak ko na may something sa amin.

Season of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon