Chapter 26

76 8 0
                                    

Welcome


Ilang minuto pagkatapos ko marinig ang mahinang pagsarado ng pintuan sa kabilang kwarto ay sumilip ako sa labas ng pintuan ko. Kanina ko pa hinihintay na umakyat sila mommy kaya naman hindi pa rin nakakauwi hanggang ngayon si Paolo.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at sinilip ang ilaw sa living area, nak- dim na 'yon at tahimik na.

Mukhang safe naman na.

"Tara na Pao," mahinang bulong ko sa kanya.

Hinila ko siya ng marahan sa braso para dahan-dahang makababa ng hagdan. Ako ang nangunguna sa pagbaba para makiramdam kung may tao pa ba sa baba.

Nakaturo pa sa bibig ko ang hintuturo para ipaalala kay Paolo na huwag siya gagawa ng ingay. Sobrang lakas ng tibog ng puso ko sa kaba, daig ko pa ang magnanakaw sa bangko sa ginagawa ko ngayon!

Wrong move ata ang pagtago ko kay Paolo. Dapat ata sana pinakilala ko na lang siya sa kanila kanina bilang kaibigan ko.

Nasa kalagitnaang baitang na kami ng hagdan nang makita ko ang biglang pagbukas ng ilaw sa sala. Mabilis akong napahinto at tinignan si Paolo para utusan na bumalik ulit sa itaas, kaso nga lang ay narinig ko agad ang boses ni daddy.

"Bumaba ka ngayon din Chanilene," rinig ko ang seryosong boses niya mula sa baba.

Patay! Mariing pinikit ko ang mga mata ko at hindi alam kung anong gagawin ngayon. Hindi ako makakilos dahil sa sobrang nerbyos

"Bumaba ka at isama mo ang 'kaibigan' mo ngayon," I heard him emphasize the word 'kaibigan'.

Napatingin ako kay Paolo na seryoso lang nakatingin ngayon. Bakit hindi man lang kinakabahan ito? Samantalang ako dito halos mahimatay na!!

Inilingan ko siya pero hindi niya ako pinansin at siya na ang naunang humakbang pababa.

"Anong ginagawa mo?" bulong kong sabi sa kaniya

Huminto siya saglit sa pagbaba at humarap sa akin ng seryoso.

"Tinatawag tayo ng daddy mo," sabi niya naman.

Seryoso ba ang lalaking ito?!

Gusto ko naman talaga siya ipakilala, pero hindi sa ganitong sitwasyon. Ang dami kong naiisip na way para maayos ko siyang maipakilala sa parents ko, pero bakit naman ang wrong timing? Baka kung ano pa ang isipin ni daddy sa amin, lalo na at galing pa kami sa kwarto ko!

Ano na Chanilene!! Inis kong sabi sa sarili ko.

Wala na akong nagawa nang hilahin ako pababa ni Paolo. Kabadong tumingin na lang ako sa sahig dahil hindi ko ata kayang salubungin ng tingin ang tatay ko ngayon.

My dad is very friendly and warm person, sa kaniya ko namana ang jolly and energetic personality ko, pero kapag sa ganitong mga bagay, nag-iiba siya.

I've always been close to my dad ever since, kung minsan pa nga ay kami ang magkakampi. Kaya naman hindi ako sanay sa seryosong tono ng boses niya ngayon. Wala pa man siyang sinasabi tungkol sa relasyon namin, pakiramdam ko ayaw niya na agad.

"Good evening po sir," bati ni Paolo sa tatay ko pagka baba namin.

Unti-unti ko naman inangat ang tingin ko kay daddy na nakatitig lang sa kamay namin ni Paolo na magkahawak.

Mabilis ko naman hinila ang kamay ko kay Paolo, akala mo ay mababawi ang nakita ng ama dahil sa ginawa.

I'm nervous, okay! Hindi ako kailanman nakapagpakilala sa kanila ng boyfriend ko, this is my first time. I don't know how he will react to this.

Should I say that Paolo is my gay friend? Maniniwala kaya siya?

"Good evening," seryosong sagot naman ni daddy kay Paolo.

Mula sa pagkakatayo ay umupo si daddy sa pang-isahang upuan habang hindi parin natatanggal ang tingin niya sa amin. Nakatayo kami sa harapan niya na para bang hinahatulan niya kami.

"Daddy.." mahinang panimula ko.

"Sit down Chanilene, you too," sabay tingin niya kay Paolo.

Mabagal akong sumunod sa utos niya, takot na kapag hindi ko ginawa ay mas lalo siyang magagalit.

We sat down silently, waiting for someone to speak up. I don't know what to say, my brain can't even process what is going on right now!

"Baka naman gusto mo ipakilala sa akin ang bisita mo?" seryosong sabi niya sa akin.

What should I say first? I didn't practice this. Hindi ako handa para ma-hot seat ngayong madaling araw.

Nakita ko ang marahang pagbaba ni mommy ng hagdan. Nagulat siya saglit nang makita niya ang kasama ko, pero mabilis lang rin 'yon at nakabawi naman siya agad. Umupo siya sa katabing upuan ni daddy at pinanuod ang nangyayari ngayon.

"Uh.. mommy, daddy.. si Paolo po..." kabadong sabi ko.

Naramdaman ko ang paghawak ng kamay sa akin ni Paolo, pansin niya ang kaba na nararamdaman ko. Bakit nga ba ako ang kinakabahan eh parents ko naman ito? Hindi ba dapat siya ang kabado sa amin?

"Good evening po ma'am, I'm Paolo po," bati ni Paolo kay mommy.

Nakita ko naman ang pagngiti ni mommy kay Paolo bilang sagot sa bati neto sa kaniya.

"You are her?" tanong ni mommy kay Paolo.

"I am her boyfriend po," matapang na sagot naman ng katabi ko. Naramdaman ko pa ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko.

Hati ang naramdaman ko sa pag-amin niya. Masaya ako na hindi niya tinaggi ang relasyon namin, ibig sabihin handa siyang humarap sa mga magulang ko dahil seryoso siya. Pero part of me is sad, dahil hindi naging magandang ang unang impression sa kaniya ng mga magulang ko.

"Boyfriend Chanilene?" baling naman sa akin ng tatay ko na para bang kinukumpirma niya sa akin kung tama ba ang sinabi sa kanila ni Paolo.

Dahan-dahan akong tumango.

"Yes dy, boyfriend ko po," sagot ko naman.

My dad's stare becomes more intense because of what I said. Tinititigan niya si Paolo na para bang naghahanap siya ng mali mula dito.

"Taga saan ka hijo?" tanong ni mommy.

"Sa kabilang street lang po, sa Narra po ma'am," sagot naman ni Paolo.

Mabuti na lang rin at malakas ang loob netong kasama ko, dahil hindi ko alam kung anong mangyayari kung pareho kaming hindi makapagsasalita ngayon.

"Tita na lang Paolo," ngiting sabi ni mommy.

Medyo naibsan ang kaba ko dahil sa sinabi ni mommy. At least it looks like she's fine with Paolo, si daddy na lang ang problema.

"Yes po tita," magalang naman na sagot ni mommy.

"Saan ka nag-aaral? Anong kurso mo? Anong trabaho ng mga magulang mo?" sunod-sunod na tanong ni daddy.

Gosh dinaig niya pa ang ine-interrogate o nang i-interview ng aplikante!

"Sa PUP Manila po ako sir nag-aaral, Legal Management po ako kurso ko," sagot naman ng katabi ko.

Nakita ko naman ang pagtango ni daddy dahil sa sinabi niya. He's a catch dad! Look he's not just handsome, matalino ko rin ang boyfriend ko!

"Housewife po si mama, pero may family business po kami sa China," dagdag niya pa.

I saw how my mom's face lightened up more because of Paolo's brief introduction.

I am confident with Paolo's background. He's someone who you can confidently introduce to your parents knowing he has it all. Ang dahilan lang naman ng kaba ko ngayon ay ang maling sitwasyon kung paano ko siya ipapakilala.

"Chanilene samahan mo ako sa kusina, hindi pa ata nag hahapunan si Paolo," tumayo si mommy sa upuan at hinila na rin ako sa pwesto ko

I don't want to leave him alone, not with my dad's serious aura. Baka kainin ng buhay yung jowa ko!

"Let them talk," mahinang bulong sa akin ni mommy ng makita ang reaction ko.

I nodded at nagpahila na papunta sa kusina.

Pagkarating sa kusina ay sinalang na ni Mom ang natirang sinigang para painitin. I am just blankly staring out of nowhere.

"Sabi ko na nga ba at may tinatago ka," panimula ni mommy sa akin.

Lumingon ako sa kaniya at umupo na sa bar stool sa harap ng island counter. Pagkatapos haluin saglit ang sabaw ay humarap siya sa akin.

"You are too transparent, did you forget that?" malumanay na sabi ni mommy.

Am I too obvious a while ago?

"Hindi lang naman dahil sa kinilos mo ngayong gabi. Matagal na kami nag hihinala ng daddy mo nung lagi kang late umuwi. Tapos nahuhuli pa kitang ngumingiti sa phone mo," dagdag ni mommy.

They know?! I mean, they noticed?!

"At akala mo ba ay makakatakas sa akin ang pagtakas mo nung first week ng bakasyon? Hindi ko na lang sinabi sa tatay mo na madaling araw ka na umuwi dahil baka magalit sayo," sabi pa niya.

Okay wow! My mom clearly knows everything. Bakit lahat ng nanay ay alam ang lahat ng bagay?

"So can you tell me now? Kailan pa 'yan?" humamba siya sa island counter at tinanong ako.

My nervousness lessened because of her soft gazed. I become more comfortable to share my relationship with Paolo knowing that my mom won't judge me.

"Well.. Napapansin ko na siya before, five years ago, tuwing mag si-simbang gabi.." bungad ko.

Nakita ko naman ang interesadong mukha ni mommy at ang pagtango niya sa kwento ko.

"Then nung pageant ni Monica nakita ko ulit siya. Kaya na laman ko na PUP student rin siya, sa main nga lang," patuloy ko.

"Okay.." sagot naman ni mommy.

"That time never pa talaga kami nagkausap ever, he doesn't know me back then. Maybe pamilyar lang siya sa akin, tulad ako sa kaniya," sabi ko pa.

"Pero nung retreat nung November, nagulat ako kasi kasama siya. Dun kami talaga nagkakilala," sabi ko kay mommy.

"So he's religious.. hmm," ngiting sagot ni mommy.

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. I know how devoted my parents is pagdating sa religion. Malamang ay isang malaking check para sa kaniya na malapit rin sa Diyos si Paolo.

"Yes he is, and he's very close with his parents," dagdag ko pa.

After cooking the rice and preparing the meal pinatawag na rin sa akin ni mommy ang dalawang lalaki sa sala. The whole time we are in the kitchen, kwinento ko lang kay mommy ang tungkol sa amin ni Paolo.

I'm glad that she said she likes Paolo. Hindi pa man niya personal na kilala si Paolo sabi niya ay may tiwala raw siya sa akin.

Naglalakad ako pabalik sa sala nang marinig ko ang malakas na halakhak ni daddy mula sa living area.

Okay what happened?

"Nako sa susunod ay sumama ka sa amin ni Charles! May liga sila hanggang katapusan, makinuod tayo," masayang sabi ni daddy kay Paolo.

Ilang minuto lang kami na wala sa sala pero bakit parang close na agad sila. Anong nangyari?

"Sige po tito, kahit sa practice game po ay bibisita po ako," nakangiting sabi naman netong singkit na 'to

Teka paano nangyari 'yon?

Naabutan ako ni mommy na nakahinto sa bungad at hindi pa rin makapaniwala sa nakikitang ayos ng dalawa. Parang kanina lang ay parang mangangain na si daddy, tapos ngayon tropa na sila? At may pa 'tito' pa ah!

Natatawa akong tinapik ni mommy.

"Mukhang marunong rin makisama ang nobyo mo," sabi niya sa akin bago tumuloy sa sala para siya na ang tumawag sa dalawa.

"Paolo kumain ka muna! Tara sa kusina!" rinig ko na tawag ni mommy.

I stay there and waited for them to come. Nang makasalubong ko sila ay nang-aasar na nginitian pa ako ni Paolo. Si daddy naman ay ngumiti lang rin sa akin na para bang hindi siya naging seryoso kanina.

"Anong ginawa mo?" takang bulong ko kay Paolo habang naglalakad sa lamesa.

"Secret," ngising sagot naman niya.

How did he do it?! Akala ko ay aabutin kami ng taon bago kami matanggap ni daddy, pero nagawa niya lang iyon in thirty minutes! Hands down for you Paolo!

Pagkaupo sa hapag ay tuloy-tuloy lang sa pagkwe-kwentuhan ang dalawang lalaki. Si daddy ay halos hindi na mainom ang tsaa niya dahil sa pagsasalita, habang si Paolo naman ay mabilis na tumatango habang kumakain.

"Sumama ka sa amin sa Zambales Paolo, para naman makilala ka ng lola ni Chao," imbita pa ng tatay ko.

Sasama siya sa fiesta?! Seryoso ba?!

"Kahit hindi na po tito, pang-pamilya naman po ata ang punta niyo dun," sagot naman ng katabi ko.

Abala lang ako sa palipat-lipat na tingin ko sa kanilang dalawa habang nagsasalita. Hindi ko nga alam kung napapansin pa ba nila ang presensya ko dito eh.

"Sayang naman! May fiesta doon kaya kami bibista. Isang linggo lang naman kami, magpaalam ka sa mama mo," kumbinsi pa ni daddy.

Hindi ko na alam kung ano nga ba ang nangyari, basta nung mag ala-una ay hinatid ko na sa gate si Paolo. Ayaw pa nga sana siya pauwiin ni daddy at balak pa mag-aya ng inuman, kaso pinigilan ni mommy dahil may pasok pa siya kinabukasan.

After he bid his goodbyes to my parents ako na lang ang naghatid sa kaniya sa sasakyan dahil umakyat na sa kwarto ang mga magulang ko.

"They like you!" ngiting sabi ko sa kaniya.

Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila kaninang dalawa, pero masaya ako na nagawa niyang makasundo ang tatay ko. Hindi man naging maganda ang reason para sa pag-amin naming dalawa, mabuti na lang at naging maayos naman ang kinahinatnan.

At least ngayon hindi ko na kailangang magtago kapag tatawag siya, o kaya magpapalusot kapag may date kaming dalawa.

"Of course they like me," confident na sabi naman niya.

"Yabang!!" irap ko sa kaniya.

"They have no choice. It's not like I'll leave you just because of their opinion on me. If ever they don't like me, I'll still try to win them until they accept us," sagot niya.

Kinilig naman ako sa sinabi niya.

Bakit ang sweet naman netong lalaking ito? Saan niya 'yan natututunan? Ang effective kasi!

Sa sobrang kilig ko tuloy ay niyakap ko siya. I'm just so thankful to him, for being brave enough to face my parents and proving that his feelings for me is not shallow nor frivolous.


--


Kalahati ata ng byahe ay tulog lang ako kaya naman medyo inaantok parin ako ng makarating kami sa Subic.

Nasa likuran kami nakapwesto ni Paolo dahil nag-iinarte si Charles na gusto niya sa gitna siya uupo. Kesyo wala raw masydong leg room ang upuan sa pinakalikod, eh nahiya naman etong katabi kong kapre. Kawawa naman dahil ang tangkad niya tapos sa likod pa siya umupo

"Malapit na ba tayo dad?" tanong ni Charles kay daddy na nagmamaneho sa harapan.

My dad successfully convinced Paolo to join us. Hindi ko alam kung anong pinaalam ni Paolo sa mama niya para payagan siya na sumama.

"Malapit na," sagot naman ni daddy habang sinusubuan siya ni mommy ng fries.

Nag-unat ako saglit bago sumandal ulit sa upuan. Four hours lang naman talaga dapat ang byahe namin, pero dahil sa dami ng mga lumuluwas ng probinsya ngayong bakasyon, pati sa express way ay traffic.

"Kinain mo yung burger?" tanong ko kay Paolo.

He's busy reading some articles on his phone. Pero nang magsalita ako kay binaba niya rin naman ang phone na hawak.

"No, I know you like it, kaya tinabi ko sa paper bag," sagot naman niya.

Kinuha ko iyon at mabilis na kinagatan. Nakisungaw ako sa phone niya para tignan ang binabasa niya.

Season of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon