Chapter 30

61 8 0
                                    

Accept

Hindi ko alam kung anong klaseng preparations ang dapat kong gawin para sa mangyayari mamaya. Kinakabahan ako dahil ngayon ako ipapakilala ni Paolo sa pamilya niya. Linggo ngayon at nasa simbahan kami, after ng mass ay didiretso kami sa bahay nila para mag-dinner.

Hindi ko naman kasi in-expect na ngayong buwan na niya ako ipapakilala, dahil ang usapan namin ay sa December pa. Kaso napa-aga ang uwi ng papa niya dito sa bansa at kasama pa ang kuya niya para sa all souls day.

Lumingon ako ng huling beses para tignan kung wala pa rin ba sila. Ilang minuto na lang at magsisimula na ang misa, pero wala pa rin sila.

Napatingin ako sa gilid kong upuan na kanina ay bakante. Diyan ko sana papa-upuin sila Paolo, pero dahil ang tagal nila, may nauna na.

Okay na rin siguro na hindi ko siya katabi ngayon. Kahit pa ilang beses ko naman na na-meet ang mama niya, kabado pa rin ako. Lalo na ngayon at ipapakilala niya ako bilang girlfriend niya.

Medyo confident ako sa reaction ng papa niya. Ayoko naman mang-judge, pero base sa past interactions namin ng mama niya, masyado itong seryoso. Hindi ko alam kung magugustuhan niya ba ako para sa anak niya.

Mahalaga para sa akin ang pag-accept sa akin ng mama niya. Alam ko kung gaano ka-mahal at ka-close ni Paolo ang ina niya, kaya naman importante para sa akin ang mangyayari mamaya.

Hindi na ako muling nakalingon pa para hanapin sila dahil nagsimula na ang misa. Nag-focus na lang ako sa nangyayari sa harapan para mawala ang kaba ko.

Ang sabi ko kasi kay Paolo, sana dapat pinatapos man lang ang finals week ko, bago ako ipakilala sa pamilya niya. Paano kung hindi ako matanggap ng mama niya? Edi prinoblema ko pa 'yon habang nag-e-exam, edi distracted pa ako!

It's been 6 months since we started dating, mukhang matagal na, pero kung tutuusin nagsisimula pa lang kami.

"Andiyan na ata sila Chao," bulong sa akin ni mommy nung nagsisimula na ang pila para sa paghandog ng alay.

Napalingon ako dahil sa balita ni mommy. Ilang upuan rin ang layo ng kinauupuan nila sa amin. Nakita ko na kumpleto sila ngayon.

Nasa kanan niya ang mama niya, at katabi naman neto ang papa niya. Sa kaliwa naman niya ay isang lalaki na mukhang nasa late twenties. Kamukha 'yon ng mama niya, at ang tanging nakuha lang sa papa nila ay ang singkit rin nitong mata. Malamang 'yon ang kuya niya.

Hindi nagtagal napansin niya naman ang pagtingin ko sa kaniya kaya bumaling siya sa akin. Nang makita ako ay ngumiti siya.

Ngumiti ako pa-balik bago bumalik ng tingin sa harapan para ipagpatuloy ang pakikinig.

Naka-dress ako ngayon. Sa totoo lang bihira talaga ako mag-dress sa simbahan, pero dahil nga sa dinner mamaya, nag-ayos ako ng presentable.

Masyadong naging mabilis ang misa. Hindi ko na namalayan na tapos na ito. Kapag talaga gusto mong humaba ang oras, kabaliktaran ang nangyayari!

"Tara Fred! Batiin natin ang magulang ni Paolo," sabi ni mommy ng matapos ang misa..

Gusto ko silang pigilan sa paglapit. Nahihiya ako! Kaso mas nakakahiya naman kung hindi babatiin ng parents ko ang magulang niya.

Tahimik na lang akong sumunod sa mga magulang ko palapit kila Paolo. Agad namang napansin ni Paolo 'yon kaya maaga pa lang tinuro na niya sa magulang niya ang papalapit kong mga magulang.

Napansin ko na may binulong siya sa papa niya na tinanungan naman nito.

"Good evening po tita, tito" salubong na bati ni Paolo sa parents ko pagkatapos ay nagmano.

Season of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon