1st 🍁

20 2 0
                                    


"Sobrang inet frenny! Arat Christea!" aya ni Lia, isa sa mga kaibigan ko.

Niligpit ko ang mga gamit ko para pagtapos pumirma ni Alex (frenny kong bakla) aalis na kami. "Teka di pa nakakapag attendance si Alex!"

Apat kaming magkakaibigan sa room, si Alex, Lia, Paula at ako. Madami din naman kaming friends, mas close lang kaming apat dahil click ang personalities namin. Well ang totoo mas gusto lang namin na apat kami.

Sa Christea kami dumeretso, our favorite Milktea shop na sa tabi lang ng school.

"Frenny akyat na kami sa taas ha para may maupuan na tayo" si Alex na nasa hagdanan paakyat na.

Umirap ako sabay tango. I smirked too.

Since pare-parehas sila ng order, mabilis lang naibigay ang kanila kaya umakyat na si Lia. Di ko bet taste nila e, ayan naiwan tuloy ako sa counter.

"Okay!"

Bumaling ako sa counter nang may tumabi saking lalaki. O-order den ata pero bakit hindi siya sa likod ko pumila? Tinitigan kko siya ng mariin pero di siya lumilingon kaya hinayaan ko na.

Paalis na ako pagkabigay sa akin ng order ko, tinignan ko siya ulit, sakto lumingon na siya at mukha siyang nakakita ng multo sa laki ng mata niya.

Naka-uniform siya ng pang Engineer. Nakapamulsa siya at nakatingin pa rin sa akin habang kinakausap ng kasama niya. Umiwas ako ng tingin.

Ang weird nung lalaki, bat kaya gulat na gulat yun pagtingin sakin?
  
OMG! Napahinto ako sa gilid ng hagdan at kinuha sa bag ang salamin sa bag, baka naman may dumi pala ako sa muka or something!

"Hmp! Wala naman, baka weird lang talaga yun!" Bulong ko sa sarili ko bago umakyat.


"Ang tagal mo frenny! Kala namin may nakita ka nang boylet sa baba eh!" Bungad sakin ni Alex habang nakangisi. Itong isang 'to wala ng ibang naisip kundi lalaki eh.

Inirapan ko si Alex bago siya tulakin ng unti para makaupo sa tabi niya. Sa tabi ako ng bintana pumwesto.

"Btw, may presentation na ba kayo para sa Monday?" Tanong ni Paula habang nakatutok siya sa laptop niya.

"Mamaya ko na tatapusin" sagot ko.

"Pwede ba Paula, mamaya mo na kami tanungin about sa school huh, naiistress ako eh!" reklamo ni Alex, habang umaarte na sumasakit ang ulo niya. OA!

Si Paula kasi, siya yung puro aral. Puro about sa school ang laging topic. Ito namang si Alex, lagi nagrereklamo kasi minsan lang naman daw kami makawala sa school tapos tungkol pa sa school topic namin! Si Lia naman, dedma! Puro social media ang inaatupag. Pero kaming magtotropa kahit magkakaiba kami, nag-aaral kami ng matino noh!

"Ooohhhh... Look at that guy, frennies! Ampogi!" Nilingon namin ang grupo sa dulong table kung saan tinuro ni Alex ang lalaking gwapo kuno!

The heck! Siya yung guy kanina sa counter!

"Ang hottie! Omaygaad, I'm gonna die! I'm gonna die frenniez!!!" parang siraulo na itong si Alex at kilig na kilig dun sa lalaki, amp!

Dinedma ni Paula at Lia ung lalaki. Nag-usap sila about sa school, Paula's topic!

Si Alex naman nag-cr di kinaya ung kapogian daw nung lalaki. Walang tigil siya kakasabi na ang gwapo nun.

Pasimple kong tinitigan ung lalaki, hmm gwapo nga! Kahit nakaside view, alam mong gwapo. Matangos ang ilog makapal na kilay, tas ung mata niya sakto lang at bagay lalo sa kanya, yung buhok niya naman nakabrush up lang parang basa nga eh, siguro may gel or wax. Hindi ko lang napansin kanina dahil sa gulat. Pero mas gwapo pa den boyfriend ko, tsk!

May kasama siyang dalawang babae at dalawang lalaki, pero ung isang lalaki mukang beki!

Napalingon dito ung lalaking gwapo! Umiwas agad ako ng tingin. Shet! Napansin niya ata akong nakatitig! Nakakahiya!

"Tara punta tayong library, papatulong daw sakin si Lia sa presentation niya bukas" sabi ni Paula kaya pagkabalik ni Alex, bumalik na kami sa school.

Tulad nang sabi ni Paula, tinulungan niya nga si Lia sa presentation. Nasa library kami at itong si Alex naghahanap na naman ng boylet, hay naku!

Nilabas ko laptop ko para tapusin na sana ang presentation, kaso namimiss ko na si Cedric, kaya tinext ko siya na pumunta dito sa library.

Limang buwan pa lang kami maggirlfriend-boyfriend ni Cedric! Isa siya sa heartthrob sa batch namin. Sabi nila babaero siya, pero dati yun bago naging kami. Well feeling ko naman nagbago na siya ngayon e, liligawan ba niya ako kung hindi!
Baka sapakin ko siya pag lolokohin niya ako.

"Ay, ang landi mo frenny, nagpapunta pa talaga ng jowa!" Inirapan ako ni Alex.

Inirapan ko lang den siya at ngumisi. Umupo si Cedric sa tabi ko, kaharap namin si Lia at Paula na busy. Katabi ko naman sa kanan ang maharot na bakla!

"Kamusta babe?" lumingon lingon ako sa paligid bago ko siya sinagot, baka mamaya andyan si Kuya Cy.

"Okay lang! Tatapusin ko itong presentation ko para chill chill na na lang mamaya!" inakbay ni Cedric ang braso niya sa sandalan ko.

"Sige lang! Kaen tayo mamaya?"

"Sige, wala kaming klase sa last subject, maaga kami mag-a-out mamaya"

"Okay lang! Antayin mo na lang ako sa white chair"

Patago ang relasyon namin ni Cedric! Kaya nagdedate lang kami pag may pasok, hinahatid niya lang den ako palagi sa may sakayan lang.

Ayaw kasi ni kuya Cy makipaglapit ako sa mga lalaki, makipagrelasyon pa kaya? Literal na bawal makipag-close sa lalaki, excempted naman ang bakla kaya si Alex lang ang lalaking malapit saken bukod sa relatives.

"Oh Mags! Late ka na naman nakauwi!" Bungad sa ako ni kuya pagpasok ko. Kakauwi ko lang galing sa date namin ni Cedric.

"Ah tinapos ko pa po kasi ung presentation para bukas, kuya."

Umakyat na ako sa kwarto para makapagbihis na ng pambahay at para den hindi na matanong ni kuya hehe.

Sobrang higpit sakin lagi ni kuya Cyrill, dalawa lang kasi kami magkapatid. Ingat na ingat siya sa akin, pero di ko pa ren maintindihan kung bakit ayaw niya ako mapalapit sa lalaki, kahit makipagkaibigan man lang!

Isang araw! Dumating mga tropa ni kuya sa bahay, mag-iinuman  sila sa garden. Bumaba ako para heramin ung charger ng laptop niya.

"Kuya! Nasan charger ng laptop mo? Peram!" Lumapit ako sa kanila, buti na lang di pa ako nagpalit ng pajamas.

"Ay! Kelly! Dala mo ba ung charger ng laptop ko?" 

Tinignan ko isa-isa tropa ni kuya. Nagulat ako nung makita kong nakatitig sakin ung lalaki sa Christea! Tropa siya ni kuya?!

"Guys, kapatid ko nga pala. Si Magui! Magui, mga kaibigan ko sa school" hindi matanggal titig ko sa lalaking yun.

Narealize kong titig na titig ako sa kanya, nang siya na ang bumitaw sa tinginan namin. Bumaling ako sa ibang kaibigan ni kuya. Ang weird niya? Kanina pa siya! May gusto ata sakin toh eh.

"Si Kelly! Si Greg! Si Bernard! Si Jersey! Si Martin at si Miko!" Pakilala ni kuya.

"Hello po! Magui po!" pakilala ko.

Ung iba nakipagshake-hands pa sakin, pero di ko naalala kung ano mga pangalan nila, ngumiti na lang ako sa kanila isa-isa at iniwasan ko yung lalaking yun. Ramdam kong nakatitig pa den siya sakin. Creepy!

Pagka-abot sakin ni kuya ng charger, umakyat na agad ako sa kwarto. Halos takbuhin ko na sa kakamadali.

Hindi ko makalimutan ung tingin nung lalaki yun sa akin.

Bakit ganun makatingin yun?! Una, gulat na gulat siyang nakita ako sa Christea para siyang nakakakita ng multo, tapos ngayon para siyang shungang titig na titig sakin.

🍁

If I Fell...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon