"Nakwento sakin ni Cy na malapit ka na magdebut ha. Invited ba kami dyan?" Tanong ni Berna habang nagkukulot siya ng buhok niya.
Nasa sala lang kami nanunuod ng movie kasama si Miko. Pinapanuod ko lang magkulot si Berna ng buhok niya. Buti nga andito sila para ibang mukha naman makita ko puro si kuya na lang kasi, kaumay!
"Ayoko ng may party, baka magwala pa si kuya pag 18th roses na hahaha. Nirequest ko lang kay mommy na mag EK na lang. Isasama ko kayo syempre!"
Napatingin ako kay Miko na seryoso lang nakatingin sa akin.
Medyo naiintimidate pa den ako sa kanya, pero natatawa ako pag nagsasalita siya na baklang bakla. Ang gwapo gwapo tapos bakla!Lumipas ang mga araw, tambay lang ako sa bahay. Walang balak sila mommy na magbakasyon kasi one week kami sa Palawan.
Si kuya naman at Ate Kelly, madalas magdate, cute nilang dalawa! Kami naman ni Cedric, ayun chat chat lang minsan videocall pag ako lang sa bahay. Pag inaaya ko magdate, tumatanggi madami daw silang ginagawa sa business nila. Siya kasi ang magmamana ng company nila kaya siguro tinitrain na siya.
"Kuya! Kayo na ba ni Ate Kelly?" nakangisi kong tanong.
"Nililigawan ko pa lang," tinigil niya ang pagphone tsaka nanuod ng tv "sana sagutin nako"
"Malakas ang feeling ko na malapit ka na niyang sagutin kuya! I'm so happy sa inyo."
"Hmp, sasagutin huh, manghuhula ka?"
"Panira ka kuya, naabutan lang kitang kinikilig dyan eh" binato ko siya ng unan na hawak ko.
"Sana lang wag mo siyang lolokohin ha, yare ka sakin."
Pagtapos kong sabihin yun natahimik si kuya, natauhan na den!
Umakyat ako sa kwarto ko para maglinis ng kwarto, wala na talaga akong magawa.
Pati sulok sulok nilinis ko na, madami akong nakitang mga gamit na di ko man lang nagamit. Yung iba hindi ko alam na meron pala ako.
Ang saya pala talaga maglinis ang dami mong matutuklasan. Inayos ko ang mga box na may mga notebook ko dati, binuklat ko isa-isa nang may nahulog. Isang maliit na note may nakadikit na maple leave my favorite leave, "Goodluck!". Binasa ko ang nasa notebook ko kung saan nakaipit yun, about sa math ang nakasulat dun, may solution dun na hindi ko naman sulat kamay. The heck! Kanino 'to galing? Bat may ganito?
Natapos na ako maglinis, dineclutter ko na ang mga hindi ko naman na magagamit, ung note na nakita ko tinabi ko sa study table ko. Hindi lang isa ang nakita ko, siguro sa sampung notebook, walo dun ang may ganun puro 'Goodluck', 'think positive', may 'smile, Mags!' pa. May pirma na ng adviser namin yun, so nacheck na siya pero hindi ko man lang nakita ang notes? Hindi ko talaga maalala kung sino nagsulat dun. Jusko naman.
Tinabi ko sa basura ang mga box na puro kalat ang laman. Hays! Nakakapagod! Nagpahinga muna ako bago naligo ulit.
Kinabukasan, nagkita na kami ni Cedric. Tinulungan syempre ako ni Paula magpaalam kay kuya kaya nakalusot na naman.
Naglunch lang kami ni Cedric sa Blue Bay sa Pasay. Nagkekwento siya ng mga pinapagawa sa kanya sa trabaho, halatang pursigido siya na matuto kasi kahit pagod na pagod na siya ginagawa pa den niya ang mga utos ng mga senior head.
So proud of him!
"Sure ako gaganda lalo ang takbo ng kumpanya niyo kapag ikaw na ang hahawak, keep it up babe!"
Napatigil siya bigla sa pagkain at nanlaki ang mata bago ako nilingon. Natuwa ako sa reaksyon niya, di mo alam kung gulat o kilig eh.
"Salamat babe!" Tipid siyang ngumiti sakin.
BINABASA MO ANG
If I Fell...
Novela JuvenilMiko the boy next door. He had a thing for Magui, he pretend to be a gay so he could get close to her. Magui's forbidden to talk to boys because of his brother's rules! Will Miko make Magui fall for him? Or they will stay as a friend? ♡