Nagbakasyon kami sa Palawan ng isang linggo, panandaliang nakalimutan ang pagkamiss ko sa mga kaibigan ko. It's time to unwind and relax, masyado kami nastress sa school.
"Hello babe!......Oo sorry di ako nakapagsabi sayo.....huh? Wala akong dinalang babae.....pamilya ko ang kasama ko......Babe naman....sige, usap na lang tayo pagbalik namin sa Manila....I love you"
"Kelan ko naman makikilala yang babe mo na yan?"
Agad akong nilingon ni kuya at binaba niya ang cellphone niya. Nagulat siya sa presensya ko kaya napangiti ako. Narinig ko si kuya sa harap ng dagat at may ka-I love you-han na naman. Di man lang dinadala sa bahay, tss.
"Isang linggo pa lang kami Mags!"
"ANO? EH SINO ANG LAGI MONG KAUSAP AT KA-I LOVE YOU-HAN NUNG NAKARAAN? IBANG BABAE BA YUN? MYGOD! KUYA SO WOMANIZER MO NAKAKAINIS KA!"
Sinabunutan ko siya sa inis ko, napakamanloloko niya! Babaero!
"Ano ba Mags!" Tumigil ako sa pagsabunot sa kanya, "di ako nagsasabay-sabay ng babae no! Binibreak ko muna bago maghanap ulit ng babae."
"So dapat ba akong magpasalamat at ginawa mo yun? Kuya naman eh. Bat ginagawa mo yun? Masaya ka bang nakakapanakit ka ng babae?"
Agh! Di ko maintindihan tulad niya! Nakakainis! Gusto ko siya sabunutan ulit hanggang sa makalbo, kung di ko lang siya kuya eh!
"Kung hindi mo lolokohin ang babae, sila ang manloloko sayo. Iaangat ka nila at iiwan sa ere. Pagtapos nun, mag-isa kang babagsak at walang sasalo sayo. Kahit sino!"
Seryoso akong napatingin kay kuya dahil sa sinabi niya. Nakayuko siya at biglang nalungkot. Tama bang rason yun? Ang saktan ang inosenteng tao, dahil lang nasaktan ka ng maling tao?
Hindi ko pa nararanasan ang masaktan. Kung si Cedric gawin sakin ang ginagawa ni kuya, siguro nga mag-iiba ang pananaw mo sa taong magmamahal sayo, pero sigurado akong di ako mananakit ng iba para lang maghiganti.
"Welcome back brother!"
Sabay sabay na sigaw ng tropa ni kuya. Pumalakpak sila at nakisama den ako, natatawa pa ako. Isang linggo lang naman kami nagbakasyon at itong mga 'to grabe kung makamiss.
Pagkauwi namin kanina natulog agad si kuya. Chinat ako ni Ate Kelly na may plano silang ganito, kaya tumulong na ako. Sinupresa nila si kuya.
Kahit pagod ako sa byahe, sumama na den ako sa pa-party nila. May long table, may mga pagkain inumin at pulutan. Pinag -gigitnaaan ako ni Ate Kelly at ni Berna, sa tabi ni Berna si Miko tapos tabi ni Ate Kelly si kuya.
"Bat may paganito pa kayo? Oa naman hahahaha," napahawak si kuya sa batok niya, parang nahihiya amp!
"Syempre namiss kita... namin! Namiss ka namin." sagot ni Ate Kelly.
Tinitignan ko silang dalawa ni kuya, napangiti ako sa kanila ang awkward kasi! Pagnagtatagpo ang mata nila sabay sila umiiwas.
"Sissy, totoo bang di na babalik si sis Alex?" Tanong ni Berna habang ininom ung shot.
"Oo, sayang nga di kayo nakapagkita bago siya umalis. Sabi kasi ni kuya umalis kayo nung araw na last day niya na dito."
Bumalik sakin ung lungkot na baka sakaling di na kami magkita ni Alex :( namimiss ko na agad siya.
"Sayang naman, kakakilala pa lang namin. Eh pano na yan? Dalawa na lang tayo manunuod ng concert ng GS?"
Hala! Oo nga pala tatlo sana kami manunuod nun. Dalawang linggo na lang pala! Concert na!
"Try ko ayain si Cedric," bulong ko kay Berna, baka kasi marinig. Lam niyo naman "wala ka bang friend na fan den ng Going South?"
"Ay! Etong si Papa Miks," kinalabit niya si Miko na busy sa pagcecellphone "diba fan ka ng Going South?"
BINABASA MO ANG
If I Fell...
Teen FictionMiko the boy next door. He had a thing for Magui, he pretend to be a gay so he could get close to her. Magui's forbidden to talk to boys because of his brother's rules! Will Miko make Magui fall for him? Or they will stay as a friend? ♡