Hindi pa den ako makapaniwala sa nangyare. Iniisip ko pa den na panaginip ang lahat. Hindi mawala sa sistema ko ang halik niya. Kahit aksidente lang, kahit smack lang yun. Ang lakas ng impact sakin. Syempre first ko yun!
Nung gabing yun nagchat sakin si Miko sa IG. Hindi ko magawang magreply sa kanya. Hindi ko alam sasabihin ko.
Miko_Navales: I'm sorry, hindi ko sinasadya.
Lalo ako naguluhan, nagsosorry siya nung araw na yun ng hindi ko alam kung bakit. Ngayon nagsosorry ulit siya dahil nahalikan niya ako.
Hindi ata ako nakatulog sa kakaisip sa kanya. Nung pumasok ako, panay lingon ko sa paligid, sana hindi ko siya makita. Sobrang awkward kahit magkaibigan kami at bakla siya.
Everytime naman na magkakasalubong kami umiikot agad ako at bumabalik sa room. Iniwasan ko siya, hindi dahil galit ako. Lalo lang ako naguluhan sa sarili ko. Feeling ko inlove na ko sa kanya!
Nagkukulong lang ako sa kwarto kapag pumupunta sila sa bahay.
"Magui?" Kumakatok si kuya sa kwarto ko.
Bumangon ako para pagbuksan siya. Kasama niya si ate Kelly.
"Hi Magui! Sorry sa istorbo, gusto ko lang ibigay ito ng personal." Inabot sa akin ni ate Kelly ang isang invitation "...birthday ng daddy ko, ininvite ko ang tropa kaya sana makapunta ka."
Kasama si Miko for sure. Omg! Pupunta ba ako?
"Pumunta ka! Malulungkot daw si Kelly pag hindi ka pumunta." Agap agad ni kuya.
Nakikipagtitigan siya sa akin na parang nababasa niya ang isip ko. Napilit pa ako ni kuya, kinonsensya ako langya!
"Sayo ako sasakay kuya ha!"
"Ha? Eh susunduin namin ni Kelly mga pinsan niya sa Bulacan. Kay Miko ka na sumakay, dun ka naman lagi kasama si Berna diba!"
Jusko po! Siya nga iniiwasan ko eh. Baka mamaya maopen bigla sa sasakyan ung topic na yun eh. Paano na?
Bumili ako sa mall ng susuotin ko, long gown ang nakalagay sa invitation kaya baby pink tube long gown ang binili ko. Sila mommy na lang daw bibili ng regalo, since hindi sila makakapunta. Badtrip nga eh edi sana sa kanila na lang ako sasabay.
Nasa labas na sila Miko... parang ayoko nang lumabas.
"Sige po tita alis na po kami." Si Berna ang nagsundo sakin sa loob.
"Ingat kayo!"
Paglabas ng gate, kita ko pa lang nakapark sasakyan ni Miko para akong hihimatayin.
Gulat kami ng dumating si kuya Greg.
"Oh bakit ka pa dumaan dito?" Lumapit si Berna sa kanya.
"Nagtext sakin si Kelly, naiwan daw phone ni Cy. Akala niya kasi nakaalis na kayo kaya ako na lang dumaan." Paliwanag ni kuya Greg bago dumeretcho sa gate namin.
Nagbikit-balikat lang si Berna. "Ganun? Sige sabay na tayo alis."
Bago pa makapasok si kuya Greg. Pinigilan ko siya, "Ahh kuya! May kasabay ka ba?"
Naisip ko na sa kanya na lang ako sasabay. Hindi ko talaga kaya kay Miko.
"Wala, bakit?"
"Ahm pwedeng sumabay na lang ako sayo?"
Nagkatinginan sila ni Berna na halatang nagtataka. Bawal ba sumabay kay Greg?
"Sige. Wait niyo ko dyan!" Tumango siya bago pumasok sa loob ng bahay namin.
BINABASA MO ANG
If I Fell...
Ficção AdolescenteMiko the boy next door. He had a thing for Magui, he pretend to be a gay so he could get close to her. Magui's forbidden to talk to boys because of his brother's rules! Will Miko make Magui fall for him? Or they will stay as a friend? ♡