"Tingin ko friend, kailangan niyo ng closure"
Nakayambay kami ni Berna sa sala namin habang kinikwento ko sa kanya ang nangyari sa Christea. Si kuya at Ate Kelly kasi nagdate. Eh wala ako kasama kaya inaya ko na lang dito si Berna.
"Okay ka na ba? I mean mahal mo pa ba?"
Matagal ako natahimik dahil hindi ko alam kung mahal ko pa si Cedric. Matagal na nung nagbreak kami. Unti-unti kong tinatanggap ang mga pangyayari yun.
"Hindi ko alam... nagmmomove-on na ako sa lahat. This past few days, I feel better na. Hindi na ako nasasaktan unless maisip ko na naman sila."
"Kaya nga sis, you need closure para fully recover ka na!" Sabi ni Berna sabay kuha ng popcorn.
Hindi ko alam kung dapat ko bang ikwento sa kanya yung tungkol sa nararamdaman ko kay Miko. Baka kasi tawanan niya lang ako eh. Baka lalo pang ipamuka sakin na di kami talo ni Miko.
"May tanong ako... Posible bang magkagusto ang babae sa isang bakla?" Tinitigan ko lang at inaabangan ang magiging reaksyon.
Napatigil siya sa pagkain ng popcorn at tumingin den sa akin na gulat na gulat. Ugh! Sabi na eh!
"Sissy? Oh my gosh! Kaya mo ba ako pinapunta dito?" Bigla siyang lumayo sakin at niyakap ang sarili. Watdapak!
Inirapan ko siya sabay hinampas ng unan. "Tanga! Nagtatanong lang ako. Ang feeling mo naman!"
Umayos siya ng upo pero malayo pa den sa akin. Parang akal mo talaga gagahasain eh.
"Kasi naman alam ko namang parehas tayo ng bet tapos tatanungin moko ng ganyan? Aba mamaya inlove ka na pala sakin!" Tumawa pa siya at kinuha na ang bowl na may popcorn.
Hinampas ko siya ulit ng unan sa pagkairita ko, OA kasi mag-isip. Nakakainis! Dapat pala di ko na tinanong! Walang kwenta!
Hapon na nung dumating sila kuya, may dala pang pasalubong. Si Berna naman nagpasundo na lang sa boyfriend niya dito, tapos nagcommute lang silang dalawa, may date ata.
Pagpasok ko sa school kinwento ko kay Paula ang lihim kong pagtingin kay Miko. Masaya siya na parang hindi, kasi feel niya den na di kami magkakatuluyan dahil nga bakla si Miko. Kinwento ko pa sa kanya na minsan feeling ko lalaking lalaki siya umasta.
"Oo nga feeling ko hindi siya bakla... What if nagpapanggap lang siya no? Okay yun! Atleast may chance kayo!" Sabi niya sabay tawa.
"Bakit naman siya magpapanggap? Nakakababa kaya ng ego ang umaming bakla kung di ka naman talaga bakla" sabi ko.
Totoo naman kasi, bakit naman magpapanggap na bakla ang isang lalaki diba? Nakakapanghinayang lang at sa bakla pa ako nagkagusto. Okay na sana eh, nakakamove on nako kay Cedric kaso ito naman ang pumalit. Sana maging lalaki na lang siya.
Bakit Magui? Pag totoong lalaki ba siya feeling mo magugustuhan ka den niya? Oo nga noh! Assumera ko sa part na yun!
Nagrereview ako habang naglalakad sa hallway, nang nakasalubong ko si Berna kasama ang jowa niya.
"Frenny! May ticket na kayo sa concert?"
"Wala pa..."
"Oh" binigyan niya ako ng tatlong ticket. "Sama mo friends mo!" Ngumiti siya at bineso ako bago kumapit sa braso ng boyfriend niya.
Sinadya niya pa talaga pumunta dito sa building namin para bigyan ako ng ticket ng live band.
Tinitigan ko ang ticket at sinuri baka mamaya prank pala. Pero totoong ticket nga. "Salamat! Matagal pa'to ah! Bakit meron ka nito?"
BINABASA MO ANG
If I Fell...
Teen FictionMiko the boy next door. He had a thing for Magui, he pretend to be a gay so he could get close to her. Magui's forbidden to talk to boys because of his brother's rules! Will Miko make Magui fall for him? Or they will stay as a friend? ♡