27th🍁

1 0 0
                                    

Pinapayagan na den ako ni kuya na sumama kela Miko. Okay na ulit sila!

Since two days pa bago magstart ang Second Semester, nagmall kami nila Miko at Berna. Nagpasama lang talaga itong si Berna dahil bibili siya ng wig, bibili na den ako ng school supplies.

"I'm coming to next level hihi." Kinikilig si Berna habang nasa byahe pa lang kami. Sobrang excited na siya magsuot ng wig.

"Baka sa susunod magugulat na lang kami magpapatransgender ka na ha!" Tawa ni Miko.

Bumaling si Berna kay Miko tsaka niya hinatak ang tenga ni Miko. Ako ang sa frontseat at si Berna ang nasa likod.

"Baliw ka! Kahit bakla ako hindi ako magpapaganun. Kahit milyonarya pa ako. Mark my word!"

Kita ko sa rear mirror kung paano umirap si Berna habang pinagkukrus ang kanyang braso. Natatawa na lang ako.

Nilingon ko naman si Miko at pinagtaasan ng kilay. "Eh ikaw Miko, forever ka na lang magiging pafall sa mga babaeng umaasa sayo?"

Baka kasi maganda siya pag pang babae na ang awra nya. Oh diba! Wala pa siyang mapapaasa, tulad ko? Char!

Hindi niya ako sinagot o pinansin. Seryoso lang siya nagdrive.

Umayos ako ng upo at tumingin na lang sa harap. Baka napipikon na'to sa akin kaya sumeryoso na lang ako. Nagulat ako nang humilig na naman si Berna sa amin.

"Ano ka ba sis, indenial yan si Miko! Ayaw niya pang umawra, may chance kasi na maging lalaki pa siya. You know?" Awkward na tumawa si Berna.

Tumikhim ako at tumango na lang. Nagbibiro lang naman ako eh! Pero parang siniseryoso ng mga 'to.

"Ano mga sis, this pink or black na lang?" Pinapapili kami ni Berna. Hawak niya ang dalawang wig na kulay Black at Pink.

"Hmmm... mas okay black para di OA" suggestion ko.

"Yeah right!" Sang ayon ni Miko, halatang tamad na tamad.

"Okay. I'll take the pink!" Binalik niya na ang black na wig bago pumunta sa counter.

Nyek! Nagtanong pa ang gaga tapos hindi naman pala susundin suggestion namin.

Paglabas sa shop. Pumunta naman kami sa phone sections. Bibili na den pala ako ng phonecase.

"What do you think guys?" Ako naman ang nagpapili sa kanila. Kung bibilhin ko ba yung phonecase na hawak ko.

Nakakita kasi ko ng cute na matte pink. Tumango naman sila kaya binili ko na. Sa sobrang cute binilhan ko den silang dalawa para terno kaming tatlo.

"Ang cute talaga nito sis. Thank you!" Ani ni Berna sabay yakap sa akin.

Nakangiti kaming dalawa habang pinagtatabi ang cellphone naming parehas ang case.

"Ano masasabi mo Miko?" Nilingon ko si Miko na seryoso lang. Para kasing ayaw niya nung binili ko.

"Pangit!" Aniya.

Nagulat ako sa sinabi niya. Ang lakas pa ng pagkasabi langya!

"Anong pangit ka dyan. Nilibre na nga arte pa. Hmp!" Inirapan ko siya. Kinuha ko ang cellphone niya para tanggalin ang case pero pinigilan niya ako. Pangit daw pero ayaw tanggalin.

"Ung pink naman kunin mo!" Hinahatak ni Berna ang manggas ng damit ni Miko.

Nasa Timezone kami ngayon at si Miko ang naglalaro ng claw machine. Nakakuha siya ng blue bear at binigay sa akin. Nagselos naman 'tong si Berna kaya hindi kami matapostapos dito hangga't hindi nakukuha ni Miko ang pink bear na gusto ni Berna.

If I Fell...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon