34th🍁

3 0 0
                                    

Nagbabonding na ulit kami ni Berna. Parang nawala ung wall sa pagitan namin at may malaking bigat sa puso ko ang nawala.

It's hard to trust again, lalo na sa taong niloko ka na pero kung alam mo namang sasaya ka, bakit mo pa ipagkakait sa sarili mo diba?

"Fren, ilang araw na ako nakakabisita sa condo nila Lia ha. Kailan ka naman bibisita dun? Ayaw mo makita ang inaanak natin?" Kwento ni Paula. Binisita niya ako sa bahay dahil miss na miss na namin ang isa't-isa.

Alam kong andun si Cedric sa condo kung nasaan si Lia. Hindi pa nga kami nakapag-usap kaya medyo awkward pa yun panigurado.

"Tsaka oo nga pala sa jowa ko na lang binigay yung ticket sa concert. Eh ayaw pumunta ni Lia eh"

"Sana all makapagdala ng jowa!" Natawa ako.

"Puro ka naman sana all fren! Sagutin mo kasi si Papa Miko para ako naman ang magsasana all sainyo." Tumawa na den siya.

Bakit ba iniisip nila na nililigwan ako nun? Ewan ko ba dun kay Miko!

Hindi ko naman ramdam na nanliligaw siya, minsan nga nakikita pa namin siya ni Paula na kasama ung Jersey. Bakit hindi na lang kasi  yan bumalik sa LA? Char!

"Oh hinay frenny baka makapatay ka sa titig mo" naririnig ko ang bungisngis ni Pau habang hindi ko namamalayan na nalulukot ko na ang shake na iniinom ko.

"Nakakainis kasi ung babaing yun! Makakapit akala mo naman. Sila na ba ha!" Iritado kong sinasabi.

Nasa Quad kami ngayon ng mga classmate ko, nagpapractice ng sayaw sa PE class. Sasayaw kasi kami ng Cariñosa para sa finals. Hindi ako makapagfocus lalo't natatanaw ko sila Miko at Jersey na nagtatawanan malapit sa building namin.

"Pahard to get pa kasi ang lola!"

Tinitigan ko ng masama si Pau. Sumeryoso ang mukha niya bigla pero kita ko pa den ang pagpipigil niya ng tawa.

"Uy, andiyan na naman si pogi" sigaw ng classmate ko.

Sabay kaming lumingon ni Paula sa tinutukoy na pogi. Pag naririnig ko ang salitang yun matic nang napapalingon ako eh.

Si Miko na nakasandal sa stage habang pinapanuod kami magpractice. Tapos na ba sila magbonding nung kasama niya kaya siya andito? Hindi tuloy ako makapagconcentrate.

Nang magsimula na ang practice namin. Hindi ko na siya nilingon o sinulyapan man lang.

"Ang galing naman sumayaw!"

Lumapit agad siya sakin at inasar ako pagtapos namin. Inayos ko na gamit ko at iiwan na sana siya.

"I love you!" Aniya.

Nilingon ko siyang nakakunot ang noo habang siya nakangiti lang. Ngayon ko lang ulit yun narinig.

Tinaasan ko soya ng kilay. "Wrong send?"

Nakita ko kung paano napawi ang ngiti niya. There you go.

"Huh? Sayo ko lang sinasabi yun!" Tinitigan niya ako na parang naguguluhan siya. Hindi ako makatingin sa kanya dahil sa kaba.

Tumawa na lang ako para pagtakpan ang nadarama. "Huy! Si Magui to hindi ako si Jersey!"

"I love you Margarette Jean Cordel!" Sigaw niya.

Tinakpan ko agad ang bibig niya sa pagsigaw niya. Nilingon ko ang paligid. Shit! Gagawa pa talaga ng eksena?

Ako nahihiya sa kanya. Ang dami pa namang nakarinig.

"Wow nasasabi mo yan kahit may kalandian kang iba ha" inirapan ko siya bago sinuot ang bag ko. Bahala ka nga diyan, babaero!

Ung pagtataka sa kanyang mukha ay napalitan ng pagpipigil ng ngiti.

If I Fell...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon