One week na lang ang klase namin, at bakasyon na!
Buti na lang unti na lang aasikasuhin kong requirements. Si Lia naman naghahabol kasi naman, inuna ang gala. Nalaman pa namin na nakipag-inuman pa kagabi kaya nalate siya sa first subject kanina. Jusmiyo talaga itong babaeng to.
"Frenny! Sasabay daw satin si sissy Berna maglunch!" Sabi ni Alex habang tinutulungan mag-ayos si Lia ng mga quizz papers niya.
"Nagtext siya sayo?" Tanong ko.
"Oo! Ayaw niya daw sumabay kela papa Miko, paano puro daw babae ang topic nila!"
Madalas na den sumasama samin si Berna, minsan nga nakakasalubong pa namin sila kuya tapos sasama na si Berna sa kanila. Taray! May sundo!
"Berna! Bakit nga pala Berna? Ayun ba talaga pangalan mo?"
Nagtatakang tanong ni Paula."Bernard talaga pangalan ko, si Cyrill lang ang nagpasimo nung Berna simula nung inamin ko sa kanila na beki ako."
"You know guys! You can call me sissy! Sissy na den tawag ko sainyo. You know! It's like sister hahaha!" Habol ni Berna.
Madali talaga siyang pakisamahan! Oh baka sa personality ng bakla ang ganung awra.
Sa tapsihan ulit kumaen kung saan ko nakita si Mikong may kasamang babae.
Sumunod den samin si Cedric, di na kami humiwalay ng table kasi nakakahiya naman at may bago kaming friend. Di ko nga alam kung dapat bang sabihin sa kanya ang relasyon namin eh, baka kasi sabihin niya kay kuya!
"Sissy! Si Cedric, Cedric si Berna! Tropa siya ni kuya," umupo na kami ni Cedric sa tapat ni Berna at Alex, "ahh sissy, pwede bang wag mong sabihin ito kay kuya? Boyfriend ko kasi si Cedric!"
Di ko nakitaan ng gulat sa muka ni Berna sinuri pa niya ng tingin si Cedric. Hindi naman daw siya magsusumbong. Mabuti naman!
Sa mga sumunod na araw puro pasa na lang kami ng requirements. Nakapagpasa na kami lahat magkakaibigan except kay Lia at Alex. Tinulungan na namin si Lia sa mga requirements niya, babagsak kasi siya pag di niya napasa on time!
"Guys, may balita ba kayo kay Alex? Tatlong araw na siyang absent ah, di man lang nagpaparamdam!" Ani Paula.
Last day na namin sa school at si Alex ni hindi nagpaparamdam samin. Kinakabahan kami sa kanya, baka di siya makapagpasa ng requirements.
"Andyan na si Alex, frennies!"
Tumayo na agad si Lia at sinalubong si Alex na halatang may problema dahil mukang matamlay. Niyakap niya bigla si Lia at nagulat kaming umiyak siya.
Nang makalapit na siya sa pwesto namin, isa-isa niya den kami niyakap. Hindi pa niya nasasabi ang problema pero ramdam ko na ang bigat ng dinadala niya.
"Frennies," humikbi siya at pinunasan ang luha sa pisngi, "wala na si nanay..."
Para akong nanghina sa narinig ko. Niyakap naming tatlo si Alex.
Nanay ang tawag ni Alex sa mama niya. Sobrang bait ni nanay kaya maganda ang pagpapalaki niya kay Alex. Scholar si Alex kaya siya nakapag High School sa University. Nung unang linggo pa lang naming magkakaibigan, kasama niya lagi si nanay kasi nagtitinda siya ng mga meryenda sa loob ng school, minsan nga di niya pinapabayad samin mga binibili namin sa kanya, pinipilit lang namin siya na tanggapin. Nakwento na den ni Alex na may sakit si nanay. Kaya naluha kaming tatlo sa balita ni Alex. Malapit na den kasi kami sa pamilya niya.
"Sa Bicol siya ibuburol kasi di na kaya ni lola na makapunta dito..."
"Condolence frenny!" Patuloy pa den ako sa pagyakap sa kanya.
"Sobrang nakakalungkot frenny, magpakatatag ka hmm... sayang di kami makakapunta" sabi ni Lia.
"Paano yan? Last day na natin ngayon, makakapagpasa ka ba ng requirement?" Tanong ni Paula.
Buti na lang pasahan lang kami ng requirements ngayon kaya wala kaming klase buong araw.
"Pumunta na ako sa office ni Mam Ara, pinagbigyan niya ako na makapagpasa next week!"
"Kelan ka pupunta ng Bicol? Andun na ba si nanay?" Tanong ko habang pinupunasan ang pisngi ko na may luha.
"Kanina lang siya dinala dun, pagpasa ko ng requirement susunod na kami dun ng kapatid ko," bigla ulit siyang umiyak "...at doon na kami mag-aaral, dun na magtatrabaho si tatay kasi di niya na daw kayang pag-aralin kami dito ng kapatid ko"
Hindi ko alam kung ano irereact ko. We've been friends for almost 2 years! At siya ang pinakaclose ko sa aming apat! Mamimiss ko siya ng sobra.
Nagyakapan na lang ulit kaming apat, I have a thoughts that Lia and Paula feel the same.
"Sorry! Hindi ko alam sasabihin ko." Iyak na den ng iyak si Paula.
"Sobrang mamimiss kita frenny!sana magkita pa tayo ulit!" Sabi ko sa kanya tapos inayos ko ang buhok niyang nakaharang sa muka niya.
Tinulungan den namin si Alex sa mga requirement. Si Paula ang gumawa sa math na kailangan ng solution. Ako sa essay, si Lia at Alex naman sa Pag-aayos ng folders at sa clearance.
Last day na naming makakasama si Alex, nagpasya kami na sa bahay na lang namin. Last bonding kasama siya. Sana magkita pa den kami. Eto ang bonding namin na malungkot.
"Ung akin na ang una mong buksan!" Excited na sabi ni Lia.
Binigyan namin si Alex ng regalo para hindi niya kami makalimutan. Drama talaga namin!
Latest model ng Addidas na sapatos ang niregalo ni Lia.
"Suotin mo yan pag PE niyo dun!"
"Favorite perfume mo yan frenny! Para makapang akit ka ng lalaki dun ha!" Natawa si Alex sa sinabi ni Paula, may luha pa siya sa pisngi niya. May regalo den na Channel bag si Paula, pang madam daw yun sabi ni Alex kaya nagtawanan kami.
"Collage picture natin yan ha! Isabit mo sa dingding niyo! Ewan ko lang kung makalimutan mo pa kami!" Malaking frame ang niregalo ko kay Alex, may message pa kaming tatlo dun sa likod.
Nagmovie marathon na lang kami sa baba. Nagselfie kami at pinost ko sa IG, tinag ko silang tatlo
MjeanCordel: see you soon, frenny ;)
Ilalapag ko sana ang phone ko nang tumunog dahil sa notification.
'Miko_Navales started following you'
Titignan ko sana ang newsfeed niya kaso biglang dumating si kuya, kaya nilapag ko na lang ang cellphone ko.
"Videocall tayo minsan ha! Bakasyon pa naman ngayon, kaya kahit kaming tatlo ni Lia at Magui, di makakapagkita" malungkot na sabi ni Paula.
Hinatid namin dalawa ni kuya sila Alex sa kani-kanilang bahay.
Nang pauwi na kami na lang ni kuya sa sasakyan."Magui, magsabi ka nga sakin ng totoo!"
Kinabahan ako sa biglang pagsalita niya. Feeling ko nabubuko ako anytime!
"May sikreto bang sinasabi sayo si Berna?"
"Ano na namang sikreto? Bat naman siya magsasabi ng sikreto sakin eh kayo ang matagal ng magtropa dyan!"
"Lately kasi, di na siya gaanong nasama samin, eh sayo na yun lagi sumasama. Tapos minsan silang dalawa lang ni Miko magkasama, parang may sikreto siyang tinatago eh"
"Wala sakin nakwekwento si Berna, kung ano man ang sikreto niya, let her keep it, secret nga eh!" Natatawa kong sagot, di natawa si kuya sakin.
Uminom na lang ako ng milkshake na inorder namin bago umuwi.
Pagkauwi namin, nag videocall kami nila Alex, puro kwentuhan tungkol sa masasaya naming pagsasama ang usapan namin. Tawa na nauwi sa iyak dahil aalis na si Alex. Sana magkita pa kami...
🍁
BINABASA MO ANG
If I Fell...
Teen FictionMiko the boy next door. He had a thing for Magui, he pretend to be a gay so he could get close to her. Magui's forbidden to talk to boys because of his brother's rules! Will Miko make Magui fall for him? Or they will stay as a friend? ♡