3rd 🍁

7 1 0
                                    

It's weekend!

Kaya nasa bahay lang ako. Nakatambay ako sa sala habang nagsscroll sa IG nang makita ko ang post ni Mr. Hugo! Ang manager ng Going South!

"Oh my G! Oh my G! Magcoconcert na ang Going south sa April?!" Napasigaw ako sa excitement.

Dali-dali kong tinawagan si Alex.

[Hello? Oh ano kaila--]

"FRENNY!!! MAGCOCONCERT NA ANG GOING SOUTH SA APRIL!!!!" Mabilis kong sinabi kay Alex dahil sa excitement ko.

[Ha? Anong meron kela papa Wade? Dahan dahan ka nga lang frenny!]

"Sabi ko, magcoconcert ang Going South sa April!"

[OMAYGOOOD! TRULALU? SHEEET! OMG! PAPA WADE! PAPA AUSTIN! PAPA ZAC! PAPA ADAM! OMAYGOD!]

Sabay kaming tumili sa sobrang kilig at excitement! Finally!

"Yes frenny! I'm super esxcited! Makikita na natin sila!"

Going South, banda na idol namin ni Alex.

Matagal na namin to pinag-ipunan ni Alex! Ilang buwan kaming nagtipid at ngayon makikita na namin sila!!! Sana Mag-April na!

Sa sobrang excited ko naglinis ako ng bahay habang nagsosoundtrip ng Going South playlist. Iba talaga pag inspired!

Inasar pako ni kuya na baka daw may sakit ako kasi nakita niya akong naglilinis, inirapan ko na lang.

Tss! Ayoko mapalitan ng badvibes ang araw ko ngayon.

Pagtapos ko maglinis, naligo at nag-ayos ako ng sarili ko tapos ilang oras lumipas tumambay ulit ako sa sala at nanuod ng mga interview sa Going South. Partida sa TV ako nanuod.

Pagtapos ko manuod ng interview pinanuod ko naman mga MV nila, tumalon talon pako sa part na hype na ung lyrics. Tamang practice lang para sa concert. Pumipikit pikit pa akong nakanta.

"He' everything you want

He' s everything you need

He's everthing inside of you

That you wish you could be

He says all the right things

At exactly the right time--"

"Waaaaaaah"

Napadilat ako sa pagkanta ko ng narinig kong may tumili. Hala! Tropa ito ni kuya ah, bakit siya tumili? Tinitigan ko lang siyang nakatingin pa den sa TV ng nakangiti tapos bigla siyang lumingon sakin.

"Hala! I'm sorry, narinig ko kasi ung kanta ng GS kaya pumasok ako, I'm sorry sissy!" Napansin kong nakasuot siya ng fitted shirt at tokong na denim, may dala pa siyang pink na pamaypay!

Hiyang hiya siya sa nangyare, at ako nakatitig lang sa kanya! Di ko alam irereact ko, shit! Nahiya den ako sa pinagkakagawa ko kanina.

"Ahh... ehhh... okay lang!" Nahihiya kong sinabi.

Timang ka Magui, ano yung okay lang?

"Sorry talaga! Hmm Ikaw si Magui diba?"
  
Now, all his attention is on me.

"Ako nga pala si Bernard! Tropa ni Cyrill, pero call me Berna na lang!" Inangat niya ang kamay niya para makipag shake-hands.

Hindi ko pa den talaga alam irereact ko. Bakla siya?

"Ahm, Hi!" Nag aalangan ako kung tatanggapin ko ang kamay niya. Baka makita ni kuya!

"Ay, sorry! Alam kong di ka pwede makipaglapit sa lalaki!" Binawi niya ang kamay niya.

If I Fell...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon