29th🍁

1 0 0
                                    

Sinapak niya agad ang dalawa, lumaban ang dalawa at pinagtulungan nila si Miko. Oh my Gosh!

Nakatayo lang ako sa gilid at sumisigaw ng tulong, walang ibang tao!

Hindi ko pa den mapigilan ang pag-iyak ko. Babalik sana ako dun sa maraming tao kanina, buti na lang may dumaang tricycle na sakay ang tanod. Hinuli nila ang dalawa.

Medyo napuruhan si Miko kaya dinaluhan ko siya. Nakasandal siya sa kotse niya at nakayukong hinihingal.

"I'm so sorry..." halos bulong kong sinabi.

Inangat ko ang mukha niya para makita kung may dugo ba o pasa.

Nagtama ang tingin namin at nakita kong natamaan ang panga niya. May dugo den siya sa ulo. Shit! Ano ba itong nagawa ko?

"Hala may dugo! W-wait"

Nagmadali akong halughugin ang bag ko para sa panyo.
Napatigil ako ng yakapin niya ako bigla. Ayan na naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Patawarin mo ako..." bulong niya habang yakap ako.

Hindi ako makapagsalita dahil sa pagkalabog ng puso ko. Para akong aatakihin sa nangyayari. Hindi dahil sa nangyari kanina kundi dahil sa yakap niya.

"Ano k-ka ba may d-dugo ang ulo mo." Nauutal kong sabi.

Tinulak ko siya ng bahagya para mapunasan ang dugo na tumutulo.

"Okay lang ako Mags!"

"I'm sorry, dahil sakin nagkaganyan ka pa. Dahil pa sa kaartihan ko."

Lalong nagsalubong ang kilay niya kaya natakot ako. Bakita siya galit?

"Sumakay ka na nga, mukha tayong tanga dito!"

Nahuli ko siyang ngumisi bago sumakay. Ikaw parang tanga dyan eh. Nabugbog na ngumingiti ka pa!

Hinubad niya ang coat niya at siya mismo ang nagpatong sa harap ko. Hinayaan ko siya. Lalong hindi ko siya kayang tignan. Dito ata ako na-fall eh.

"Ung pasa at sugat mo?!" Nilingon ko siya sandali.

Hinawakan niya ang pasa niya ng parang wala lang sa kanya. Ang sakit kaya niyan!

"Gagamutin ko na lang to sa bahay..." aniya.

Umiling ako. "Gagamutin ko na lang sa bahay..." dahil ako may dahilan niyan kaya ako gagamot.

"Tss wag na, magpahinga ka na lang sainyo, okay ka na ba?"

"Okay na ako. Salamat dumating ka..."

Kung hindi siya dumating hindi ko na alam mangyayari sa akin.

"Alam kong iniiwasan mo ako, pero sana hindi ka na lang nagsinungaling."

Napayuko na lang ako sa kahihiyan. Ang arte arte mo kasi Magui!

"I'm sorry..." walang katapusang sorry na'to ah.

"Ang mahalaga okay ka."

Talagang hinatid lang ako. Sabi ko gagamutin ko sugat niya eh, nagtalo pa kami bago pa ako bumaba. Sa huli siya ang nanalo, pagod na den naman ako kaya okay na para makapagpahinga na den. Pinaheram muna niya sakin ung coat niya.

Kinabukasan. Pinalaundry ko na ang gown kasabay ng coat niya, inamoy ko muna kasi mamaya iba na amoy nito. Ang bango bango talaga niya.

"Sino naghatid sayo kagabi?"
Bungad ni kuya pagpasok ko sa bahay galing sa laudry.

"Si Miko."

"Ung totoo Margarette!" Tinaasan pa niya ako ng boses eh totoo naman. "Nagulat siya kagabi nang magkasabay kami palabas. Sabi niya sasabay ka sakin." Galit niyang sinabi.

If I Fell...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon