Nasa mall kami ni Berna ngayon. Wala si Miko kasi may gig daw. Nakanta pala si Miko sa bar.
Nagpasama ako kay Berna para bumili ng regalo sa birthday ni kuya. Sa susunod na araw na kasi yun.
"Sayo ba sissy? Ano regalo mo kay kuya?" Tanong ko sa kanya habang nakakapit ako sa braso niya. Humihingi ako ng idea kasi wala ako maisip na gift.
"Wala pa ako maisip e. Sarili ko na lang kaya?"
"Timang!"
Nasa Department Store kami nag-iikot. Ang hirap naman regaluhan ni kuya. Maarte den kasi yun kaya kailangan talaga yung bilhin sa kanya yung gustong-gusto niya.
May nakasalubong kaming lalaking nakadenim, may bigla akong naisip. Denim jacket na lang bibili ko kay kuya. Sa BENCH! Wala akong budget sa mamahalin. Minsan kasi nakwento niya sakin na gusto niya bumili ng denim jacket, pero hanggang ngayon wala pa den siya nabibili! Ako na lang magreregalo sa kanya.
Kumaen kami sa isang Japanese restaurant ni Berna pagtapos kong bumili. Minsan lang naman 'to. Pagbigyan na!
"Si Cedric ba yun?" Tanong bigla ni Berna habang nasubo ako pagkain.
"Huh? Saan?" Nilingon ko ang direksyon kung saan nakatanaw si Berna. "Wala naman ah! Tsaka imposible! Nasa office siya ngayon nagtetraining."
"Ahh baka nga guni-guni lang, may kasama kasing babae na mukang buntis."
"Ikaw kung ano ano nakikita mo! Akala ko gwapong lalaki lang nakikita ng mata mo eh hahahaha!"
Nagcommute kami papunta sa bahay. Syempre parehas kami walang sasakyan! Tumambay na muna si Berna sa bahay. Buti na lang andun si kuya, akala ko kasi may date siya e.
"Nagkagirlfriend ka na ba?"
Muntik ng mabuga ni Berna ang milkshake na iniinom niya.
Dahil sa out of nowhere kong tanong sa kanya habang nasa garden kami, nacurious kasi ako."Matagal ko ng alam na binabae ako sis! Eww naman kung papatol ako sa kanila!"
"Talaga? Eh bat parang dati lalaking-lalaki ka nung pumupunta kayo dito?"
"Ang hirap kaya magpanggap na maging lalaki sis! Like may gwapo kaming makakasalubong pero need magbehave." Maarte niyang sinabi.
Kaya pala hindi siya umamin agad kasi akala niya bubugbugin siya ni kuya o kaya F.O. na sila.
Nakijoin na den si kuya sa usapan namin ni Berna.
"Si Miko ba nagkagirlfriend?" Tanong ko sa kanila.
"Ang daming babaeng umaaligid dun pero ni isa walang pinatulan!" Sagot ni kuya.
"Dahilan pa niya dati "Im inlove with someone" sus! Kaya pala di masabi kung sino ung babae, binabae den pala!" Natawa pa si kuya.
"Hoy totoo kaya ung inlove siya!" Singit ni Berna.
"Kanino? Baka naman sa lalaki?"
Sabay na kaming natawa ni kuya. Si Berna naman napanguso na lang sa amin. Napipikon siguro.
4am pa lang nagreready na kami nila mommy ng mga gamit para sa birthday ni kuya. Mag-a-outing kami sa Batangas! Yey!
Dun kami sa rest house nila kuya Greg. Apat na sasakyan ang dala namin. Kay kuya kasama niya si Ate Kelly, yung kay kuya Greg kasama niya ibang tropa nila dun. Kami naman ni sissy Berna kay Miko na sumakay. Tapos ung kay daddy kasama si mommy pati na den iba kong pinsan na bata at dalawa kong tita.
Mabilis kami nakarating dun, sobrang laki ng villa nila! Buti na lang malawak ang garahe dahil nga ang daming kotse.
Ang dami pang mga halaman at punong madadaanan bago makapasok sa villa. Nagpahinga muna kami kasi ang aga naming nagising. Yung iba wala daw tulog, excited?
BINABASA MO ANG
If I Fell...
Teen FictionMiko the boy next door. He had a thing for Magui, he pretend to be a gay so he could get close to her. Magui's forbidden to talk to boys because of his brother's rules! Will Miko make Magui fall for him? Or they will stay as a friend? ♡