39th🍁

4 2 0
                                    

"Magui, nag-usap na ba kayo ni Miko?"

Pagkagising ko ayun agad ang bungad sakin ni kuya, medyo tanghali na ako nagising dahil sa pagod sa concert.

"Hindi pa den niya ako nirereplayan kuya eh. Alam mo ba kung saan bahay niya?"

Bakit ngayon ko lang kasi naisip na puntahan bahay niya? Kainis naman!

"Hindi mo pala alam?"

"Malamang! Tatanungin ko ba kung alam ko?"

Minsan shunga den tong si kuya eh!

"Hindi yun! Pupunta na siyang ibang bansa ngayon, mukang doon na siya titira sa tita niya. Hindi mo nakita story niya?"

Shocks! Ano? Pupunta siyang ibang bansa?

"What the! Bakit hindi mo sinabi kuya?"

Kinuha ko agad ang phone ko sa kwarto para icheck kung totoo nga.

Pagkakita ko sa story niya, nasa airport siya at may caption pang 'escape'

30 minutes ago. Shit! Kailangan ko siyang puntahan at pigilan.

Nagmadali ako bumaba, hindi pa ako naliligo. Papapasukin kaya ako dun?

"Kuya may lakad ka ba?"

"Wal-"

"Samahan mo ko tara! Kailangan kong makausap si Miko"

Nagmadali na kaming pumunta sa sasakyan niya. Shit! Shit! Shit! Sana maabutan ko siya.

Tinatawagan ko siya pero nakablocked pa den number ko! Agh! Bakit pa kasi niya binlock? Badtrip naman!

"Kuya, peram phone! Tatawagan ko siya!"

Nagring siya sa tawag ni kuya pero hindi niya sinasagot!

Chineck ko den kung online siya.
Nagstory pa talaga siya ng boarding pass! Tangina!

It was 2 minutes ago...

Tinadtad ko siya ng chat.
Sana naman wag niya akong iwan ng ganun ganun lang!
Alam ko namang kasalanan ko pero sana pagbigyan niya ako. Sana mahal niya pa den ako!

Naluluha na ako habang chinachat siya. Chinat ko na den sila Berna gamit account ni kuya. Kinapalan ko na mukha ko at pati sa gc ng tropa nila nanawagan na ako.

Cyrilpogi: Guys! Can someone stop Miko from going to abroad? I need to talk to him. Please :(  -Magui.

Bakit ang tagal naman ata namin makarating sa airport?

"Wala na bang ibibilis to kuya?"

"Baka gusto mo patakbuhin kita papunta dun!"

Hindi ko alam kung seryoso ba siya, ang bagal ng patakbo niya kainis! Kung hindi ko lang siya kailangan eh!

Pagkapark sa airport tumakbo na agad ako papuntang entrance.

"Hoy Magui sanda-" sigaw ni kuya. Hindi ko na siya hinintay, napakabagal eh.

Hingal na hingal agad ako pagdating sa loob. Buti nakapasok ako, pero saan ko siya hahanapin?

Nasa gitna pa ako ng madaming tao, hindi ko alam saan magsisimula.

Tinawagan ko ulit siya gamit phone ni kuya, tae di niya pa den sinasagot!

"Pick up the phone Miko, please!"

Tinigilan ko na ang pagtawag at pumunta sa information desk.

"Miss, may nakaalis na po bang eroplano papuntang ibang bansa?"

If I Fell...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon