"Magui?" Kumakatok si Berna sa pinto ng kwarto ko.
Hindi ako makadilat ng maayos dahil sa sakit ng mata ko sa kakaiyak kagabi. Ang aga niya naman pumunta dito.
Pagbangon ko napahawak ako sa ulo ko, bigla kasing sumakit.
"Magui! Tanghali na huy!" Sigaw ulit ni Berna. Malakas na siyang kumakatok.
Oh my god! Anong oras na ba? 9am na! Shit! Hindi na ako nakapasok sa 1st and 2nd subject ko.
Bumangon na ako at naghilamos bago binuksan ang pinto.
"Sinabi sakin ng ku-"
Napatigil si Berna sa pagsalita nang makita ako. "O-okay ka lang sissy?"
Tumango ako.
"Halika nga!" Hinatak niya ang kamay ko papasok sa kwarto ko. Sinara niya ang pinto tsaka ako binagsak paupo sa kama.
"Anong okay? Look at yourself! You look like a mess. Like eww!" Tinignan niya pa ako na nandidiri.
Nakaupo lang ako at natulala. Wala akong gana sumagot, wala akong gana sa lahat!
"Sabi sakin ng kuya mo di ka pumasok, kaya pinuntahan kita!"
Nagbuntong hininga ako. Parang gusto ko ulit matulog at magpahinga. Baka sandaling malilimot ang lahat.
"Friend tayo sissy diba? Okay lang kung di ka magkwento sakin. Kung ano man yang problema mo. Ipagdadasal kita. Tandaan mo andito kami para sayo ha! Teka papasok ka pa ba?"
Binalingan ko ulit si Berna. Papasok pa ba ako? Nakakahiya pumasok ng late tsaka parang ayoko muna humarap sa mga tao, lalo na kay Cedric.
Kinuha ko ang phone ko sa couch, nagtext pala si Paula at kuya. Hinanap ko ang text o tawag ni Cedric pero wala. Ni hindi man lang siya nakaalala na magtext. Sabagay may babae siya bakit pa siya mag-aabala?
"Alam ba ng kuya mo na ganyan ka ngayon?"
Sasagot na sana ako pero nagsalita ulit siya. Tatayo na sana ako pero tinulak niya ulit ako paupo.
"Halatang hindi! Naku pag nalaman niya 'to, susugod yun dito at baka magwala. Alam mo namang love na love ka nang kuya ko, ayaw ka niyang makitang nasasakt-"
"May iba siya..." sabi ko ng wala sa sarili.
"Ha? Sino? Si Cedric?" Sino pa ba?
Kinwento ko sa kanya ang mga nalaman ko, medyo nabawasan ang problema ko pero sobrang sakit pa den.
"Kaloka naman! Hay naku! Di mo deserve ang ganun sissy! Iningatan ka nga ni papa Miko tapos ganun gagawin niya?"
Nagulat ako sa sinabi ni Berna, anong Miko?
"Anong sabi mo?"
"Huh? Ang sabi ko maligo ka na at mag-ayos! Di ka pwede makita ni Cy na ganyan."
"Hindi ako papasok..."
"Sissy! Hindi pwede ganyan. Kailangan harapin ang problema ha! Kailangan mong maging matapang para sa sarili mo, okay?"
Ilang pilitan pa ang naganap bago ako pumayag na maligo at pumasok. Minake-up-an ako ni Berna para daw hindi mhalat ni kuya ang maga kong mukha. Buti na lang marunong siya at hindi halata na umiyak ako magdamag.
Nagcomute lang kami papuntang school, isang sakay lang naman.
"May klase ka pa ba?" Tanong ko habang nasa jeep kami.
"Wala. Tapos na ang first day ng finals namin!"
"Eh bakit ka pupunta ng school?"
"Ihahatid kita baka mapano ka pa!"
BINABASA MO ANG
If I Fell...
Teen FictionMiko the boy next door. He had a thing for Magui, he pretend to be a gay so he could get close to her. Magui's forbidden to talk to boys because of his brother's rules! Will Miko make Magui fall for him? Or they will stay as a friend? ♡