"I'm so excited na fren! Gosh! December Avenue tapos Silent Santuary pa! Jusko solid!"
Hindi mapakali tong si Paula habang nakapila kami sa labas ng University. Inaantay namin jowa niya at papasingitin niya daw! Lupet! Di na natakot sa mga nakapila sunod samin.
Medyo maaga kami pumila para medyo harap, syempre kahit VIP tong ticket kailangan maaga pa den. Ngayon na ang concert sa school namin at pitong sikat na banda ang tutugtog mamaya.
"Dapat kasi sumabay na lang tayo sa kuya mo para makita natin ang mga banda sa backstage!" Ani Paula.
"Mas maganda pa den na mapanuod natin sila sa harap at hindi likod." Sagot ko.
Nagugutom na ako. Jusko sa sobrang excitement namin hindi na ako nakakain ng kanin kanina. Ilang sandali lang nagstart na ang pagpapasok.
"Huy asan na ba jowa mo? Nagstastart na magpapasok teh!" Kinakabahan ako baka mamaya hindi makahabol ang jowa nito. Iiwan ko talaga sila.
"Andyan na te! Ayun nakikita ko na!" Tumitingkayad pa siya habang may tinitignan sa likod.
Sakto bago kami makapasok dumating na si Charlie. Sa harap talaga kami ng railings pumwesto. Grabe! Para dito talaga?
"Wag ka maiinggit mamaya ha! Ikaw kasi di mo dinala si Miko!" Nanunuyang bulong ni Paula sakin.
Nagssisimula na nga sila maglampungan sa harapan ko eh. Hindi ko na lang tinitignan ang dalawa. Parang nanadya eh.
Lagi kong chinachat at text si Miko nung araw na yun. Tinatawagan ko den pero feeling ko blinock na ang numero ko. Gusto ko sana sabihin kay kuya na kausapin si Miko pero busy sila dahil dito sa event na'to.
Organizer nga den pala sila Berna at Miko pati ang halos ng tropa nila. Sana makita ko siya mamaya para makausap ko na den siya nang maayos.Kumakaen ako ng Clover dahil nagugutom na talaga ako. Dapat pala tinapay na lang binaon ko. Hindi pala nakakabusog tong clover.
Mahigit dalawang oras kaming nag-aantay bago magsimula ang concert. Sobrang lakas na ng sigawan nang tumugtog na ang Itchiworms! Buti na lang talaga alam ko iba nilang kanta kaya nakakasabay ako.
Sunod na tumugtog ang This Band kaya naghype lalo ang mga tao. Medyo naiipit na nga ako kasi harap na harap kami.
"Thank you, guys!" Sigaw ng Spongecola bago umalis.
Solid ng mga kanta nila! Napaos ako sa kakasigaw ng mga kanta nila. Lalo na yung 'Jeepney'.
Kumuha pa sila ng tao sa crowd para sumabay sa kanila sa stage. Swerte naman niya nakaduet niya Spongecole sa stage.
Habang nag aantay sa next na kakanta, nakita ko pa si kuya sa backstage na seryosong may kinakausap. Lumingon siya sakin at kinawayan ako. Ngumiti lang ako sa kanya. Sila pala nag aassist sa mga banda! Wow! Sana all!
"Ready na ba kayo for our next performer?"
Wala na akong marinig dahil grabe na ang sigaw ng crowd dahil ang next na December Avenue.
Lumabas na sila at nag-ayos na nang intruments nila. Umuusog na ang railings sa harap namin dahil sa kakatulak mula sa likod.
Naka-dalawang kanta na sila at grabe ang sakit sa damdamin ng mga kinanta nila, ako yung natatamaan eh.
"This our last song, I want it to be special!" Sabi ng vocalist nila.
Buti masunurin den ang mga tao dahil sobrang tahimik na ngayon. Focus na focus ako sa sinasabi ng vocalista.
"Nakipagkwentuhan kami sa mga staff sa backstage, then we met this guy. Naikwento niya ang lovelife niya na hindi natuloy..."
Sabay-sabay nag- 'awwww' ang crowd.
BINABASA MO ANG
If I Fell...
Fiksi RemajaMiko the boy next door. He had a thing for Magui, he pretend to be a gay so he could get close to her. Magui's forbidden to talk to boys because of his brother's rules! Will Miko make Magui fall for him? Or they will stay as a friend? ♡