Ung sakit na naramdaman ko nung araw na yun, napalitan ng pagkamuhi sa kanilang dalawa. Ang kapal ng muka nila para gumawa ng kababalaghan sa likod ko!
Ngayon alam ko na!
Wala pang nangyayari samin ni Cedric, ang sabi niya nirerespeto niya desisyon ko. Pero putek! Kaibigan ko pa ang binuntis niya! Ano nabuo ba yun dahil sa l*bog o dahil mahal na nila isa't-isa? Hindi ako makapaniwalang pinagkatiwalaan ko sila.
Umuwi akong galit, naalala ko si kuya! Ung mga taong katulad niya! Pagpasok ko sa bahay, nakita ko siyang nakatulala sa garden. Nilingon niya ako pero hindi ko siya pinansin.
Kinabukasan, mag-isa akong sumugod sa condo ni Lia. Hindi ko na sinama si Miko, ayoko siyang madamay dito.
Malapit na ako sa entrance nang makita ko ang sasakyan ni Cedric na kakapark lang. Nagtago ako sa mga sasakyan. Pagkababa nila, buhat ni Lia ang kanilang baby. Nanganak na nga siya at hindi man lang sinabi sa amin, walang kwentang kaibigan!
May sinabi si Cedric na nagpangiti kay Lia at inakbayan niya pa. Susugod na sana ako. Sobrang gigil na ako sa galit ko sa kanila. Pero hindi ko pala kaya, nakita kong masaya sila. Masaya sila habang ako, eto, hindi pa den maisip kung bakit nila ginawa sakin yun. Ibang-iba ang ngiti ni Cedric nang siya na ang nagbuhat sa baby. Ngiting hindi ko kailanman nakita nung kami pa ang magkasama.
Umalis na lang ako, narealize ko bakit parang ako ang kontrabida sa kanila? Diba sila naman ang nagloko? Ako ang iniwan at tinraydor? Pero ako itong nakabaon sa lupa na hindi makaahon? Ako nga ata ang malaking harang sa kanilang pagmamahalan. Ako pala ang dahilan kung bakit nahihirapan sila sa sitwasyon nila noon. Wow naman!
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Napadaan ako bigla sa isang bar. Hindi ako umiinom pero naalala ko sabi nila Lia noon pag uminom ka makakalimot ka, mawawala ang sakit kahit panandalian. Ganun ang ginagawa niya kapag broken hearted siya.
Gusto ko ng makalimot.
Binili ko ang pinakamatapang na inumin. Ang pangit ng lasa pero ininom ko yun! Tumira pa ako ng pinakamahal na shot! Isang shot lang yun pero grabe ang tama. Parang may apoy na dumaan sa lalamunan ko. Medyo nahihilo na ako habang nagsasalin ng alak. May biglang familiar na boses akong narinig sa stage. Ang daming tumititili na babae.
Dahil nasa high chair ako kita ko kung sino ang kumakanta. Oh! Si Miko pala! Naggigitara siya. Napangiti tuloy ako ng marinig siyang kumakanta!
Kinakanta niya ang Best part by Daniel Caesar.
Ang lumanay talaga ng boses niya. Para siyang nagcoconcert sa daming tumitiling babae, kaya nakitili na den ako.
Wait? Baka hindi naman pala si Miko yan. Nahihilo na siguro ako kaya kung ano-ano na nakikita ko. Uminom ulit ako, feeling ko masusuka na ako ngayon.
"Hi miss, alone?" May biglang maputing lalaki ang tumabi sakin. Lumingon lingon ako. Muka ba akong may kasama? Tss.
"Yesh! Who you?" Uminom ulit ako, parang babagsak na talaga ulo ko sa counter. Omg! Ang bigat na ng ulo ko nasusuka pa ako, ganto pala yun?
"I'm Derick!" Binitawan niya ang basong hawak niya at nag alok sa akin ng shake hands.
What? Cedrick? Si Cedric ba'to? Tinitigan ko siya pero hindi ko mafocus ang paningin ko sa kanya. Anong ginagawa niya dito? Diba kanina kasama niya si Lia at yung baby nila?
"Cedric? Anong gi-"
May narinig akong tumili nang masukahan ko siya. Hindi ko natalaga napigilan.
"What the hell!" Napaatras siya dahil nasukahan ko damit niya, natawa ako sa nangyari. That is what you deserve, karma ish a bitch Cedric!
Iinom sana ulit ako ng hablutin ni Cedric kamay ko, shiz! Natapon sa damit ko ang alak. Amoy alak ba ako!
BINABASA MO ANG
If I Fell...
Teen FictionMiko the boy next door. He had a thing for Magui, he pretend to be a gay so he could get close to her. Magui's forbidden to talk to boys because of his brother's rules! Will Miko make Magui fall for him? Or they will stay as a friend? ♡