"Frenny! Tanggapin mo na! Arte mo naman! Kuhanin ko yan!"
Hindi ko namalayan na bumalik si Alex sa table at may kasama pang lalaki."Ayos lang kung ayaw mo! Just accept this rose, para sayo kasi talaga to!"
Napansin niya ata na nag-aalangan akong sumagot sa kanya. Sino ba siya? Pwede bang magtanggal siya ng mask? Para di awkward!
Lumingon ako sa paligid at baka mamaya andyan na si kuya!
Hindi ko den mahanap si Cedric! Baka nasa dancefloor na yun, kung kailan naman kailangan ko siya!
Nilingon ko ulit yung lalaki. Tinanggap ko ang red rose na bigay niya, aalis na sana siya nung hinila ko ung coat niya sa braso."I will dance with you!" hindi ko alam kung bakit ako pumayag, eh hindi ko naman siya kilala! Siguro out of curiosity ko na den para malaman kung sino siya!
Nasa dancefloor na kami nilagay ko ang kamay ko sa balikat niya, hindi ko kayang ipulupot ang braso ko sa leeg niya noh!
"Maari ko bang, ilagay ang kamay ko sa bewang mo?" natawa ako bigla sa paraan ng pagtanong niya para kasing masyadong malalim siya magsalita.
"Sorry! Pwede naman!" pinigilan ko pagtawa ko baka kasi na-ooffend na siya.
Hinawakan niya ako sa bewang at tumaas ang balahibo ko sa ginawa niya.
Kinakabahan na ako ngayon! Ano? Tawa ka pa Margarette ha!
Siya ang first dance ko! At hindi ako sanay na may humahawak sa bewang ko, kahit pa si Cedric di yun ginagawa!
Hinanap ko si Cedric sa paligid, sobrang daming tao sa dancefloor at lahat nakamask, lalong di ko mahanap!
"Sobrang ganda mo ngayon, Magui!" nanlaki ang mata ko sa pagsabi niya ng pangalan ko.
Kilala niya ako? Ha? Baka kanina pa niya ako tinitignan! Assumera ko sa part na yun!
Pero imposible! Di ako nagtanggal ng mask, sinuot ko na ang mask pagpasok pa lang sa entrance! Teka siya nga pala yung sa entrance!
"Ano nga pangalan mo?" Tanong ko.
Ayokong maging rude sa kanya kaya pinanindigan ko na, kahit gusto ko na umalis dito sa dancefloor.
"Hoy! Anong ginagawa mo sa kapatid ko?" bigla na lang sumulpot si kuya at hinila ako sa hawak nung lalaki.
"Kuya! Wag ka ngang mag eskandalo!"
Hinatak ko si kuya kasi baka biglang sapakin ung lalaki.
"I'm sorry pre!" tinaas nung lalaki ung dalawa niyang kamay na parang sumusuko.
"Anong pre? Sino ka ba? Bat sinasayaw mo kapatid ko?"
"Cy! Si Miko to" nagulat ako sa likod ni kuya nung tanggalin ni Miko ang mask niya. Tumawa siya na parang malaking biro ang nangyayari.
"Gago ka Miko! Bat sinasayaw mo kapatid ko?" parang di nagulat si kuya kay Miko at ganun pa den siya kagalit.
"Sorry, akala ko kasi si Candice! Sorry pre!" Tinap niya ang balikat ni kuya. Huminahon naman si kuya.
"Ganun ba? Akala ko popormahan mo itong kapatid ko eh! Baka gusto mong mawala ng tropa pag ginawa mo yun" pagbabanta ni kuya.
Habang nag-uusap silang dalawa, nakatingin lang ako kay Miko. Ngayon ko lang naappreaciate ang muka niya lalo, ang gwapo talaga pero mukang fuckboy! Parang mahilig mang uto ng babae eh, sobrang lalaki ang awra niya!
"Ikaw namang babae ka! Sinabihan na kita ah! Makulit ka? Buti na lang tropa ko 'tong nagkamali na isayaw ka! Pero kahit tropa kong lalaki bawal ha!"
BINABASA MO ANG
If I Fell...
Dla nastolatkówMiko the boy next door. He had a thing for Magui, he pretend to be a gay so he could get close to her. Magui's forbidden to talk to boys because of his brother's rules! Will Miko make Magui fall for him? Or they will stay as a friend? ♡