Hindi na tumawag si Miko nung araw na yun, kahit pa sa mga sumunod na araw. Baka busy sa babae niya. Ano? Nagkabalikan na ba sila?
Gusto ko sana sabihin kay Paula yun pero naging busy kami dahil magki-christmas break na. Hindi ko na lang masyadong inisip at tinuon ko ang buong atensyon sa pag-aaral.
Hindi kami nagkakasalubong ni Miko sa school. Baka kasama niya na yung girlfriend niya. Rebound ba ako ha? Niligawan habang di pa bumabalik ang ex? Kapal nang muka niya kung ganun.
"Frenny! Sa susunod na araw na ang concert! Kasama ko si Charlie, ikaw? Kasama mo ba si Miko nun?" Tanong ni Paula habang inaayos ko ang essay ko na ipapasa na mamaya.
"Hindi..." hindi ko den alam kung pupunta ba ako dun.
"Ay! Bakit? Baka mainggit ka samin ni Charlie dun HAHAHA. Sila organizer dun ah!"
Wala na akong pake sa kanya Nakakainis siya! Ni hindi man lang ako kinamusta? Putangina!
Medyo late na ako nakauwi, nakakapagod magpasa ng essay. Hinanap pa namin yung teacher namin, ayun pala nakauwi na! Jusko naman!
Malapit na ako sa bahay nang natanaw ang nakapark na sasakyan ng tropa ni kuya. Andito na naman sila! Andito na naman siya.
Pagpasok ko lumingon agad sila sa akin. Nagtagpo ang mata namin pero umiwas siya. Guilty ka dude?
"Hi Magui! Tara sama ka samin dito!" Inaya ako ni ate Kelly.
Mariin ko siyang tinititigan at ramdam na ramdam ko ang pagpigil niyang lumingon sa banda ko.
"Tara sissy! Pwede ka naman daw uminom sabi ni papa Cy" narinig kong sabi ni Berna.
Hindi ko inalis ang tingin ko kay Miko, baka sakaling lumingon ulit siya. Sa huli, napangiwi na lang ako nang nahalatang umiiwas siya. Talaga? Nahihiya ka?
"Hindi na! Pagod na'ko..." pagod na ako sa lahat...
Nilapitan ako ni Berna para yakapin. Niyakap ko siya sandali kaya bumalik den agad siya sa pwesto kanina.
"Oo nga! Huggard mo na Margarette!" Nilingon ko si kuya sa sinabi niya. Inirapan ko siya tsaka tumalikod para umakyat.
Narinig ko na silang nagsayahan dun sa garden, puro hiyawan at sigawan. PNi hindi na ako kumaen at baka makita ko pa siya!
Umupo ako sa study table para makita sila, dun ko lang nakitang katabi niya pala si Jersey na tawa ng tawa sa kwentuhan nilang barkada.
Tahimik lang si Miko na nakayuko at nakatulala sa inumin.
I wonder, alam na kaya nila kuya na nagkabalikan na ang dalawa? Siguro hindi! Magagalit si kuya pagnagkataon, kaya siguro tahimik siya dahil nakokonsensya siya.
Nag-ayos muna ako ng gamit ko pati higaan. Naghalfbath na den ako dahil feeling ko huggard na nga ako kanina pa!
Pinatay ko na ang ilaw para humiga na, sinilip ko muna sila sa bintana.
Nanlaki ang mata ko nang makitang nagyayakapan sila Jersey at Miko dun, tumulo bigla ang luha ko. Nakita ko silang lahat nagtatawanan lang... pati si kuya.
Alam nilang niligawan ako ni Miko pero ano yun? Wala lang sa kanila ang lahat ng yun? Dahil tropa den nila si Jersey? Ganun? Dahil mas okay sila na magbalikan ang dalawa?
Hindi ko alam kung nakatulog ba talaga ako, maaga naman ako nagising para pumasok. Siguro tatlong oras lang tulog ko.
"Sissy! Hi!" Nakasalubong ko si Berna sa entrance ng University.
Bineso niya ako, hindi ko siya binati. Sabay lang kami naglakad papasok.
"Okay ka lang ba sis? Para kang hindi natulog ah!" Tumawa siya ng bahagya. Palibhasa fresh siya kaya inaasar ako eh!
BINABASA MO ANG
If I Fell...
Подростковая литератураMiko the boy next door. He had a thing for Magui, he pretend to be a gay so he could get close to her. Magui's forbidden to talk to boys because of his brother's rules! Will Miko make Magui fall for him? Or they will stay as a friend? ♡