20th🍁

5 2 0
                                    

"Kuya patulong naman ako ng assignment sa math."

Nasa garden kami ni kuya nakatambay, siya naggigitara ako gumagawa ng assignment.

"Ang basic naman nito Magui!"

Nilapag niya ang gitara tsaka kinuha ang notebook ko. Grabe! 5 minutes niya lang ata sinagutan ang assignment ko. Yabang talaga!

"Eh hindi ko makuha ung tamang sagot eh, sobrang layo sa nakuhang sagot ni Paula."

"Turuan na lang kita ng shortcut, para mas maintindihan mo. Pero bukas na lang ha, pupunta kasi sila Greg dito."

Pupunta sila dito? Pati ba si Miko?

"Sissy! Papa Cyril!"

"Uy andyan na pala kayo."

Tumayo na si kuya at sinalubong na ang tropa niya. Lumingon ako dun at nakitang andun den si Miko.

Nagmadali akong nag-ayos ng gamit, umakyat na agad ako sa kwarto. Dito na lang ako mag-aaral.

Buti na lang umalis ako kasi nasa  garden sila ngayon, may mga pagkain pa silang dala. Sinilip ko sila sa bintana. Puro sila lalaki except for Berna and Miko.

Nakita kong bumulong si Berna kay Miko tapos bigla nagtagpo ang mata namin. Tumawa pa si Berna pero hindi naman niya ako nakita. Sinarado ko bigla ang kurtina sa bintana.

Sumandal ako dingding tsaka tinakpan ang mukha ng palad ko. Bakit ba ganito nararamdaman ko? Habang tumatagal, bimibilis lalo pintig ng puso ko.

Napatalon ako bigla nang tumunog ang phone ko. Tumatawag si Cedric...

[Hello, babe!] May naririnig akong ingay ng mga tao. Baka nasa opisina siya nila tito.

"Hi! Nasan ka?" Tanong ko. Umupo na ako sa kama.

[Nasa opisina ako ni daddy. Pwede ka ba ngayon? Date tayo?]

"Hmm sige. Iisip lang ako ng ipapaalam kay kuya. Sige text na lang ako pag nakaalis na. Susunduin mo ba ako?"

[Oo naman. Wait you there! See you]

"Sige na, I love you!"

Binaba niya na ang phone. Ako naman naghanap na ng susuotin. Nagtube at pants na lang ako. May coat den akong dala. Baka di ako payagan ni kuya pag nakita ang suot ko.

Pumunta muna ako sa kusina para uminom ng tubig bago umalis. Muntik ko ng mabuga ang iniinom ko nung makita si Miko sa gilid ng lababo. Kanina pa ba siya diyan? Hindi ko siya napansin!

"Aalis ka?" Seryoso niya akong tinititigan kaya naiintinmidate ako. Hindi ko siya matignan ng matagal.

May hawak siyang baso na may tubig. Siguro kumuha den siya kanina.

"Oo" mabilis kong sinabi sabay lapag ng baso.

"May problema ba tayo?"

Shit! Bat may pag ganun? Napapansin ko ang pormal niya na palagi sakin. Kung kausapin hindi niya na ginagamit ang pangbakla niyang boses.

"Bakit naman tayo magkakaproblema? Baliw ka haha" awkward akong tumawa. Para naman hindi niya mapansing may something ako noh!

Seryoso pa den siya kahit dinaan ko na sa tawa ang nerbyos ko. Tinitigan niya ako lalo 

"You avoiding me!" Hindi yun tanong.

"Ano? Hindi mo ako pinapansin kaya di den kita pinapansin noh! Sige na nga sissy! Aalis na ako."

Lalagpasan ko na sana siya kaso hinawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako dun, akala ko bibitaw siya pero hinigpitan niya lalo ang hawak.

"Kaibigan...mo ako Magui. Kung may problema ka andito lang ako palagi sayo!"

If I Fell...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon