18th🍁

2 1 0
                                    

First day of school.

Sa room na kami nagkita ni Paula at nakapag-usap. Parehas kaming di makapaniwala na buntis si Lia. Eh wala ngang kinikwentong boyfriend yun eh.

"Hindi kaya si Alex ang ama ng bata? Kaya siguro di na bumalik si Alex kasi di niya tanggap yun"
Diko alam kung seryoso siya sa pinagsasabi niya.

"Timang! Tingin mo papatusin ni Alex si Lia? Eh parehas nga sila ng type!" Natatawa kong sabi.

"Eh malay mo naman diba, lasenggera si Lia tapos nilasing niya si Alex. Tapos boom! Ayun na!"

Napailing na lang ako sa nabubuong kwento ni Paula. Kakabas niya ng mga libro yan eh.

Unti lang ang pumasok na teacher, syempre first day. Wala pang klase dahil puro pakilala lang, dapat nga di na ako papasok kung di lang dahil kay Cedric.

Tinext niya ako kung saan sila nagkaklase ngayon, ayaw niya kasi pumunta sa room namin kaya ako na lang pumunta. Napakatamad talaga ng lalaking yun.

"Hi!" Bati niya tsaka ako niyakap. Hmm buti na lang medyo malayo to sa college building.

"Kumain ka na?" tanong ko habang nakaakbay siya sa akin.

"Nope."

Since lunch break, kumaen kami sa canteen. Sasama ko sana si Paula kasi wala siyang kasama kaso may gagawin daw sa library. Study first!

"Babe alam mo ba ang balita kay Lia?" Tanong ko habang kumakaen siya ng pork steak sakin naman shawarma rice.

"Bakit? Anong meron?"

"Buntis siya..." Halos bulong yun para walang makarinig.

Dinaluhan ko agad siya nang bigla siya nabulunan kaya inabutan ko siya ng tubig ko. Tumanggi siya at kinuha ang tubigan niya sa bag. Jusko mamamatay na lang, napakaarte pa! Kung di ko lang 'to love eh.

"Okay ka na?" Hinagod ko ang likod niya. Tumango siya at umayos ng upo.

"Dahan dahan ka kasi sa pagkain babe." Bilin ko bago tinuloy ang pagkain.

Pagtapos kumaen naglakad na kami pabalik sa classroom ko, hahatid niya daw ako.

Malapit na kami sa room nang makita ko si kuya sa tapat ng classroom. Tae! Bat siya nandito?

"Babe! Nasa room si kuya, sige na! Balik ka na sa classroom nyo!" Mabilis kong nilayuan si Cedric at tumakbo na ako palapit kay kuya.

"K-kuya? Bat ka nandito sa tapat ng classroom ko?"

Lumigon siya sa paligid bago nilahad sa akin ang libro ko. "Naiwan mo kasi ung libro mo sa dining table kanina. Eh baka kailangan mo!"

Kinuha ko ang libro at papasok n sana sa room.

"Saan ka pala galing?" Bigla niyang tanong.

"Ah kumaen lang, kuya. Sige na! Papasok nako." Iniwan ko na siya dun para di niya na ako tanungin ng tanungin.

Ilang araw ang lumipas at medyo naging busy na ulit dahil sa school. Syempre graduating na kami.

"Sissy!!!" Sigaw ko tsaka naghalf-rub palapit kanila Berna.

Nakita ko kasi sila Berna at Miko na may kasamang dalawang lalaki sa hallway.

"Hi sissy! Miss you na!" Nagbeso ako kay Berna. Lumingon ako kay Miko na pinanlakihan ako ng mata.

Hmmm... asarin ko nga.

"Hi sissy!" Bineso ko den siya sa magkabilaang pisngi. Namula siya ng ginawa ko yun. Galit na ata! Hahahaha.

If I Fell...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon