6th🍁

3 1 0
                                    

Naghanda na ako ng mga pagkain namin para mamaya, sa sala na lang kami tatambay para maluwag. Medyo masikip kasi sa kwarto ko at ayoko ng makalat dun.

"Mags, andyan na kaibigan mo!" Sabi ni kuya pero siya na ang tumayo at pinagbuksan sila, siya na den nagpatuloy sa bahay.

"Mga frenny! Tara! Lagay niyo na lang gamit niyo sa kwarto ko"

Pagkalagay nila ng bag nila sa taas, tumulong na den sila sakin sa pagluto ng dinner namin.
Sakto wala si mommy at daddy, bumisita sila sa friend nila sa Novaliches, baka nga bukas na sila makauwe kasi ang layo ng byahe!

"Grabe, frenny! Ang laki ng bahay niyo!" tinitignan ni Lia ang bawat sulok ng bahay namin, manghang-mangha.

Sakto lang naman ang bahay namin para sa pamumuhay namin.

"Andami nating foods ah! Mauubos ba natin to?" sabi ni Paula.

"May bisita den kasi si kuya mamaya, mag-iinuman sila sa garden"

"At mamaya madaming papable sa labas!" Tuwang-tuwang sabi ni Alex.

Natapos na namin lutuin ang Carbonara. Hindi naman talaga ako nagluto, taga-abot lang ako ng rekados hehe. Nagluto den kami ng menudo para sa gustong magkanin. Nilabas ko na den ang popcorn at nachos para sa movie marathon.

"Wala bang inumin, diyan?" Si Lia.

"Eh ikaw lang naman ang mahilig uminom satin eh! Dun ka na lang kela kuya Cy mamaya kung gusto mo!" Maarteng sabi ni Alex.

Dumating na den ang mga tropa ni kuya, sila sila den ung last na pumunta dito. Buti na lang tapos na kami mag-dinner.

Nakaset up na den mga inumin nila dun. Nagpatulong ako kela Alex, para ihatid ang mga pagkain nila.

"Hi sissy!" Binati ako ni Berna.

Hindi ko alam kung papakilala ko na ba si Alex o mamaya na lang.

"Hello Berna!" nginitian ko siya.

Sa tabi ni Berna si Miko, nahuli ko siyang tinitignan ako kumunot ang noo niya tapos lumingon kay kuya. Busy naman si kuya sa pakikipagtawanan sa babaeng kausap niya.

"Ah Berna si Alex nga pala kaibigan ko, eto si Lia at Paula naman. Si Berna tropa ni kuya"

"Ano pangalan nung katabi niya?" bulong sakin ni Lia.

Dapat ko bang ipakilala sila sa lahat?

"Ahm si Miko nga pala! Tapos ayun si Ate Kelly naman, tapos si Kuya Greg. Di ko na kilala ung iba" tinuro turo ko lang ung mga kilala ko.

"Wow! JD! Buti pa kayo iinom!" parinig ni Lia. Pinandilatan ko siya pero hindi siya natinag. Nahiya ako sa sinabi niya.

Wala naman sa usapan namin na iinom kami. Nagpapapansin!

"You want to join us girls?" Nakangising sabi ni kuya Greg.

Napafacepalm tuloy ako dahil narinig niya ang sinabi ni Lia.

"Pwede? Sige! Di ako tatanggi dyan." Ang haliparot, siya na kusang umupo sa bakanteng upuan.

"Bawal si Magui dito!" sabat ni kuya. Hindi naman ako sasama dito eh!

"Possesive brother!" sigaw ni Lia habang nagsasalin na ng inumin.

"Pasok na kami sa loob kuya" iniwan ko na sila dun at umupo na sa sala.

"Ang bruha! Pinilit pa si Paula na makijoin dun"  sumunod sakin si Alex. Buti na lang loyal sakin to, kung hindi ako lang mag-isa dito.

Since kaming dalawa lang ni Alex dito. Nagpatugtog na lang kami ng Going South playlist. Ang baklita tili ng tili.

If I Fell...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon