Ilang araw mula ng birthday ko, tsaka lang nagparamdam si Cedric. Text ako ng text sa kanya pero unresponded siya. Nagsorry siya sakin, inexplain niya den naman na namatay ang phone niya at ilang araw niya yun hindi nagalaw dahil sa emergency na hindi niya masabi-sabi sa akin.
"Ayoko ng isipin mo pa ang problema ko babe. Okay na den naman yun." Aniya.
Magkausap kami ngayon sa tawag.
"Okay..."
Hindi siya satisfied sa pagsorry niya dahil akala niya hindi pa den ako okay. Wala naman ng kaso sa akin yun hindi ko lang talaga alam ang sasabihin ko. Kaya inaya niya ako sa date para lalong bumawi.
Nagsuot ako ng black n white na chekerd blouse terno with leather skirt tsaka white flatshoes.
Ayoko mag-heels kasi magcocomute lang ako papuntang MOA. Galing kasi si Cedric sa Batangas kaya out of way ako.
"Sissy?" Narinig kong kumakatok si Berna sa kwarto ko.
Pinagbuksan ko sila at nagulat ako kasi nakaporma sila, kasama niya si Miko.
"Oh! Anong ginagawa niyo dito?"
Bineso ako ni Berna sabay ngiti. Sumandal ako sa awang ng pinto. Nilingon ni Berna si Miko tapos nanlaki ang mata niya.
"Hindi mo dinala?" Tanong ni Berna kay Miko. Umiling lang si Miko.
"Sabi ko dalhin mo eh." Naiinis na sabi ni Berna tapos tumingin sa akin na nakangiti na. "Teka lang sis iniwan kasi nitong si Miko gift namin sayo!" Nilingon niya na ulit si Miko.
Inirapan pa niya si Miko pagkakuha ng susi ng kotse tsaka padabog na umalis.
Umiling si Miko sabay tawa. Napatitig ako sa kanya. Natigil ang tawa niya sabay tingin sa suot ko. Hindi ko alam kung bakit naconscious ako bigla dahil sa pagtitig niya.
"What gift? Tagal na ng birthday ko ah." Sabi ko.
"Ayos na ayos tayo sissy ah!" Nanunuya niyang sinabi. Binalewala sinabi ko.
Tinignan niya ulit ako mula ulo hanggang paa bago siya nagsmirked. Lumapit ako sa kanya unti sabay pinitik ang tenga niya, napa-aray pa siya kaya natawa ako.
"Shhhh wag ka nga maingay! May date kami mamaya ni Cedric" bulong ko na natatawa pa den.
Nagsalubong ang kilay niya na parang galit. Anong problema naman nito? Napakamoody.
Hinawakan ko ang kamay niya at hinila palapit tsaka ako lumingon sa hallway. Baka mamaya andyan si kuya naku yari talaga.
"Date? Saan naman date niyo?"
Tanong ni Miko gamit ang malalim niyang boses.Napangisi ako dahil dun, bilis magpalit ng mood.
"Hmmm... bakit? Gusto mo sumama?" Inaasar ko lang siya, para kasing galit talaga.
"Bakit naman ako sasama sainyo? Hello, may agenda kaya ako ngayon!" Nagiging normal na ulit ang mood niya.
"Ooohhh may date ka den? Ingat ka sa agenda mo na yan ha," tumawa ako lalo dahil naisip kong sa gay bar pala siya pupunta "hindi mo kasama si Berna?"
"Hindi! Nagpasama lang siya dito para ibigay ang regalo..." nilipat niya ang paningin niya sa loob ng kwarto ko.
Napaatras ako unti ng pumasok siya sa loob. Umupo siya sa vanity table ko at nag-ayos ng buhok. Nakapamewang ako sa gilid niya. Wow!
"Ano sinasabi mo kay Cy para payagan kang umalis?"
"Lagi ko kakonchaba sila Lia o Paula kaso ngayon alam ni kuya na out of town ang dalawa." Paliwanag ko.

BINABASA MO ANG
If I Fell...
Teen FictionMiko the boy next door. He had a thing for Magui, he pretend to be a gay so he could get close to her. Magui's forbidden to talk to boys because of his brother's rules! Will Miko make Magui fall for him? Or they will stay as a friend? ♡