Si kuya Greg naman ang sumundo kay Ate Kelly, kunwari na lang na pinabilin ko. Sana lang wag niyang maisip na si kuya ang may pakana. Baka umatras yun, paktay!
"Andyan na sila!" Bulong ni Berna.
Pinatay na namin ang buong ilaw sa garden para di mahalata. Si kuya nakatayo na den at may boquet ng flowers. Kami pa bumili niyan. Nagising kasi siya nung saktong pagtapos ng preperasyon namin. Kinakabahan tuloy ako sa mangyayare!
"Ano ba 'to Greg? Si Cyrill ba may pakana nito?" Naririnig ko nang galit si Ate Kelly.
Tumingin ako kay kuya ng nakangiti. Kabadong kabado na siya. Ngumiti ako tsaka nagthumbs up sa kanya, para mabawasan ang kaba niya.
Tinanggal na ang piring ni Ate Kelly at in-on na namin ang ilaw. Nagpatugtog den si Bern ng acoustic bands. Favorite daw yun ni Ate.
"Ano na naman tong pakulo mo?"
Kinabahan ako nang hindi tanggapin ni Ate Kelly ang boquet. Aalis na sana si Ate nang hawakan siya sa braso ni kuya, may naalala ako bigla, kaso ako pala yung iniwan, ako yung pinabayaan sa lugar na yun.
Naiyak ako bigla, hindi dahil sa alaala, dahil lumuhod si kuya pagtapos siyang sampalin ni ate.
"Mahal kita Kelly..."
"Mahal mo ang ego mo!"
Hinarap ni ate si kuya na nakaluhod.
"Sa tingin mo may ego pa ba ako? Wala akong pakealam kung masira ang ego ko Kelly... wag ka lang mawala sakin...please."
Naiyak ako lalo nang umiyak na si kuya. Sana maging okay na sila.
Sabi nga nila love is sacrifice, kung may mali man sa umpisa, kaya mong itama yun basta totoo kang nagmamahal. Kaya mong gawing tuwid ang baluktot niyong nasimulan. Dahil kung totoong nagmamahalan kayo, kahit ano pang pagkakamali nang isa't-isa, mapapatawad mo. Mahal mo eh! Dapat tanggap mo ang pagkakamali niya at handa kang tulungan siyang itama yun. Dahil hindi lahat perpekto.
Pinagbigyan ni ate Kelly si kuya na magpaliwanag. Umalis muna kaming tatlo para mapag-isa sila.
"Inuman talaga pag nagbati na yang dalawa!" Ani Greg.
"Uhaw na uhaw palagi ah!" Pang-aasar ni Berna.
"Grabe kaya ang pinagdaanan ko sa dalawang yan noh! Sinusundan ko palagi si Kelly para malamang safe siya!"
"Eww stalker!"
"Hoy Bernardo! Hindi ako stalker no! Tulad mo pa ako sayo! Nakita ko nga facebook search mo puro Joshua Mariones. Panget panget nun!"
Naghahampasan na sila ng unan dito sa sala. Ako naman kinakabahan pa den, pero diko maiwasan maisip na ang kulit nilang magtotropa, solid nila! Kahit nag aasaran at nagpipikunan. Palaging may malasakit sila sa isa't-isa. Sarap nilang tropahin.
"Uy bati na sila! Nagyayakapan na!" Bulong ni Greg, sinisilip niya kasi sa kurtina ang dalawa.
Tama nga! Nagkaayos na sila kaya kinabukasan nun nag-inuman sila. Si kuya na den ang tumawag kay Miko para isama. Kailangan daw kumpleto ang barkada. Syempre pinayagan na ako ni kuya makijoin! No alcohol lang!
"Salamat sainyo talaga! Hindi dahil sainyo matagal pa kami magkakaayos!" Masayang sinabi ni kuya. Magkaholding hands pa silang dalawa.
Nagcheers kami pero juice ang akin. Nakikipag-usap na den ako sa mga lalaki nilang kaibigan.
"Buti di nagagalit kuya mo?" Sabi ni kuya Greg nang makta niya akong kausap si Ian, kaibigan ni kuya Greg.
Alam kasi nila na no talk to boys ako, kahit sa tropa nila.
BINABASA MO ANG
If I Fell...
Підліткова літератураMiko the boy next door. He had a thing for Magui, he pretend to be a gay so he could get close to her. Magui's forbidden to talk to boys because of his brother's rules! Will Miko make Magui fall for him? Or they will stay as a friend? ♡