12th🍁

3 1 0
                                    

It's my 18th birthday!

Paggising ko pa lang dami ng notif sa IG at Facebook ko.

BeautyAlex: Frenny! Happy birthday! I miss you so much, enjoy your day! See you soon! Ily :*

Paulove: Happy birthday sa pasaway sa tropa. Love you always. Muaaah!

Miko_Navales: Happy birthday sissy. Enjoy your legality.

GorgeousBerna: Happy birthday sissy! Thank you for being a good friend, love ko kayo ng kuya mo. Muaaah

CedricKho: Happy Birthday babe! I love you so much. Have a great day babe.

Binati din ako ni Ate Kelly, Kuya Greg at mga classmate ko. Si Lia binati lang ako sa text at syempre papatalo ba si kuya Cyril? Nagpost pa ng epic kong muka sa IG. Nakakainis!

Humanda siya sa birthday niya! Gagantihan ko siya!

"Happy birthday Magui!" Pagbaba ko sinalubong ako ng yakap ni mommy, "you're still my baby!"

Sumimangot ako kaya natawa sila ni daddy. Akala ko naman sasabihin niya dalaga na ako hmp. Kiniss niya ako sa noo at ganun den si daddy.

Bago sila umalis binigyan nila ako ng regalo, signature bagpack! Ang ganda! Niyakap ko silang dalawa bago sila umalis para pumasok sa trabaho.

"Maligo ka na! Papunta na sila Berna dito para sunduin ka!" Ani kuya.

"Hindi ka sasama?"

"Pupunta kasi kami nila Greg sa QC may titignan kaming site para sa project namin."

"Bat sila Miko? Hindi sasama?"

"By group ang project namin. Ewan ko sa kanila kung may gawa na yung dalawa" sagot ni kuya sabay higop ng kape niya.

Masaya ako na malungkot sa sitwasyon na di siya sasama. Buti na lang di siya mamakasama kasi isasama ko si Cedric, atleast diba di na ako mag-iisip ng paraan.

May family dinner naman kami bukas sa garden kaya oks lang.

Sinuot ko ang dress na pinili ni Miko pati ang flatshoes na bili ko. Ginamit ko na den ang bag na bigay nila mommy, medyo maliit lang ang space niya pero keri naman. Sobrang ganda naman.

"Hi birthday girl!" Pagpasok ko pa lang sa frontseat binati na agad ako nila Berna.

"Happy birthday sissy!" Bati ni Miko. Binigyan niya pa ako ng boquet. Wow parang lalaking lalaki ah. Kikiligin na ba ako?

"Salamat!"

Nagchat na sila Cedric na sa EK na kami magkita. Libre ko ang entrance syempre birthday ko, sayang wala si Alex at Paula :(

Nagdrive thru pa kami sa mcdo at libre na naman ni Miko. Naalala ko tuloy yung pinahiya niya ako sa Christea.

Habang nakaen sa byahe, napaisip ako sa sitwasyon ngayon. Hindi ko akalain na magiging close ko tropa ni kuya, lalo na si Miko. Kung di naman kasi siya bakla di papayag si kuya syempre. Si Berna halata sa awra na beki siya, eh itong si Miko lalaking lalaki pa den awra, tapos magugulat ka na lang pag nagsalita na siya hahahaha mapapa 'hays' ka na lang.

Pagkarating namin dun, andun na den sila Lia. Nagvolunteer si Miko na siya na ang bibili ng Tickets pero syempre pera ko.

"Happy birthday babe!" Nikiss ako sa noo ni Cedric at inakbayan papasok. Inabot niya den sakin ang isang paper bag na mamahalin. Nakita ko sa loob na isang tshirt yun, puro talaga signature brand ang regalo sakin nitong si Cedric.

Pinagtitinginan agad ang grupo namin pagpasok, may dalawa kasi kaming kasamang gwapo.

Unang rides na sinakyan namin yung Rio Grande. Lahat kami sa isang parang bangka, buti na lang may kapote silang pinagamit dahil basang basa na kami.

If I Fell...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon