LjRoses: fren, may pasok pa kasi si Cedric sa opsina nila. Pwedeng next day?
MjeanCordel: sure! Saan ba gusto niyo?
LjRoses: sa MOA seaside na lang, okay sayo un?
Since wala naman akong lakad ngayong araw, gumawa na lang ako ng strawberry cheesecake. Tatry ko lang. Sobrang nagccrave na kasi ako.
"Wooow! Ang bango niyan ah! Baka mas masarap pa yan kaysa sa palagi mong binibili" puri ni kuya sa gawa ko pero alam kong asar yun.
Malapit na ako matapos at itong si kuya bida-bida. Pinapanuod niya akong gumagawa eh hindi ako makapagconcentrate.
"Dun ka nga kuya! Bobolahin mo pa ako eh!"
"Sungit! Para ba kay Miko yan?"
"Baliw! Kanino ba tong favorite? Diba sakin? Bawal gawan ang sarili?"
"Ohhh easy!" Tumatawa pa siya habang papalayo sa kusina. "Sungit naman talaga oh!"
Prinepare ko na ang lagayan at okay na. Taste test na lang. Nanunuod si kuya ng TV nang ipatikim ko sa kanya ang gawa ko.
"Hmmm masarap! Galing ah!"
Natuwa ako sa sinabi niya pero di ko pa rin maiwasang irapan siya.
Tuwang tuwa den sila mommy at daddy nang matikman ang gawa ko. Nilagay ko muna sa ref para mas masarap pag malamig.
"Pupunta ba si Miko dito?" Tanong bigla ni kuya.
"Wala naman siyang nasabi na pupunta siya" sagot ko habang naglilinis ng kalat ko sa kusina.
"Kayo na ba?"
"Hindi pa..."
"Kailan mo sasagutin?"
"Kapag okay na ang lahat!"
Napatingin ako sa kanya sa bigla niyang pagpanic.
"Ha? Bakit? May problema ba?"
Lumapit siya sa akin, nag-aalala. Ngumiti ako at umiling. OA niya talaga!
"Wag OA kuya! May kailangan lang ako ayusin bago ko siya sasagutin..."
"Dami mong alam Margarette! Di nalang sagutin eh!" Mahinahon niyang sinabi bago bumalik sa sala.
Tumambay ako sa kusina namin at kumaen ng gawa kong cheesecake. Pumunta aka sa garden dala ang pagkain tsaka pinicturan at inistory. Nagreply agad si Miko.
Miko_Navales: patikim naman niyan! Sure masarap yan!
Sus bolero den tong isang to eh.
Habang nagscoscroll sa newsfeed. Nakita ko nagpost si Cedric, picture nilang tatlo.
CedricKho: Family ♡
Napangiti ako sa post niya. Walang halong kaplastika pero masaya ako para sa kanila.
Mas sasaya ako kung makakapag-usap na kami, para maayos ko na ang lahat. Para wala na kaming samaan ng loob tutal mahalaga naman silang dalawa sakin. Tapos ni hindi ko pa pala nakikita ang inaanak ko :(
Nang gabi, nag-usap kami ni Miko sa telepono.
"Tinirhan mo ba ako ng gawa mo?" Nararamdamana kong nakangiti siya sa kabilang linya.
"Oo naman nakareserve na yung sayo noh!" Tumawa ako ng mahina.
"Kelan next date natin?" Habol ko.
Pagtapos kasi nung date namin, gusto ko na agad masundan. Sobrang saya kasi kasama ni Miko kahit saan mo dalhin.
"Eh hindi pa nga tayo date date ka na dyan! Kelan mo ba ako sasagutin?"
BINABASA MO ANG
If I Fell...
Teen FictionMiko the boy next door. He had a thing for Magui, he pretend to be a gay so he could get close to her. Magui's forbidden to talk to boys because of his brother's rules! Will Miko make Magui fall for him? Or they will stay as a friend? ♡