2nd 🍁

10 1 0
                                    


"Bes! Chinat ako ni Cedric Kho kagabi! Bes! Inaaya niya ako makigdate! Omaygaaaad! Am I dreaming? Sheeet!" Hinahampas hampas pa ng babae ung kasama niya.

Umagang-umaga! Makakarinig agad ako nang ganito sa harap ko!

Hindi ko na naitiis na pagsabihan sila kaya kinalabit ko ang balikat ng babae.

"Excuse me? Girlfriend ako ni Cedric! Wag ka ngang mag-assume diyan na ichachat ka niya! Di niyo kami masisirang dalawa! So fvck off!" Naiirita ako sa kanila.

Mukang hindi sila nagulat sa pagsulpot ko. Tinitigan pa nila ako from head-to-toe. Nanadya ata 'to eh, sa harap ko pa nagchichismisan.

"Totoo ang sinasabi ko noh? Wala akong paki kung girlfriend ka niya! Baka ikaw nag-aassume diyan! Di naman kayo bagay!" Nainis ako lalo nung inirapan niya ako.

Aba! Bruha 'to ah! Sasabunutan ko na sana siya eh, kung di lang hinila nung kasama niya. Aghhh!

"FRENNNNY!!"

Malayo pa lang ako sa room naririnig ko na ang ingay ni Alex.

Nilagpasan ko siya at umupo sa tabi ni Lia. Nababadtrip ako! Kainis!

"Ay! Snabera ang lola niyo!"

Hindi na lang din ako pinansin ni Alex at ayun lumabas, hahanap na naman pogi yun panigurado.

"Mukang bad morning ang kaibigan natin ah!" Sabi ni Lia.

Kanina pa ako di naimik sa kanila, kaya siguro napansin nila. Pagbadtrip ako, hindi ako namamansin kahit sila pa yan!

"Ano bang nangyare fren?" Tanong ni Paula.

"It's Cedric 'feeling' girls, again!"

"Magui, wag mo na lang pansinin, di naman totoo yun diba?" Ani Lia.

Yeah! Lia's right, lagi ko sinusumbong kay Cedric ang mga feelingerang babae tulad nun, lagi niya den dinedeny at sabi niya baka may gusto lang sa kanya ang mga yun kaya gusto kami sirain. Kaya lalo ako naiinis eh! Bakit ba nila ginagawa yun? Bitter siguro dahil di pinatulan ng boyfriend ko.

Perks of being heartthrob's girlfriend.

"Class! Sa Engineering building muna tayo! Para makagamit tayo ng projector, pumunta na kayo sa room 302. Prepare your presentations!" Announce ng President namin, kaya pala di pa nadating si mam.

"Yes! Makakakita ulit ako ng hottie! Andaming pogi dun mga frenny! Hindi pwedeng palagpasin to! Kailangan mag-ayos ako" kinikilig na sinabi ni Alex.

Puro na lang lalaki ang nasa isip!

Pumunta na kaming lahat sa Engineering building, medyo malayo mula sa building namen, kaya huggard kami lahat.

Pagpunta namin sa room, nagprepare na kami para sa presentation. Ngayon ko lang naramdaman ang kaba! Jusmiyo hindi na ako nakapag ayos kasi pangatlo ako sa magpepresent!

"Ikaw na sunod frenny! Goodluck!" Kinindatan ako ni Alex bago pumunta sa harapan.

Binati ko muna ang lahat bago ko pinakita ang presentation ko. Nawawala kaba ko kapag nagsisimula na ako magreport eh. Chill lang!

Sa kalagitnaan ng reporting ko, napatingin ako sa may bintana dahil sa mga nakatambay dun. Shet! Sila kuya at mga tropa niya, nanunuod sila sakin. Oo nga pala dito building nila! Bakit ba sila nanunuod? Is it a show?

Bigla tuloy bumalik ung kaba sa akin, paano ba naman kasi nakangiti pa si kuya sa labas, parang tanga!

Pero mas kinabahan ako nung nakita seryosong nakatingin sakin ung lalaki sa christea! Tae tropa nga pala siya ni kuya.

If I Fell...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon