14th🍁

2 1 0
                                    

Ilang araw ako di pinansin ni Cedric, nagpatulong pako kanila Lia at Paula pero wala den silbi.

Di siya makamove on sa nangyari. Hindi ko na alam gagawin ko sa kanya.

Halos araw-araw naman andito si Miko, minsan kasama si Ate Kelly o Berna. Pag alam kong darating sila nagkukulong na lang muna ako sa kwarto, di ko naman siya sinisisi. Di lang ako handa harapin sila.

"Mags, may strawberry milkshake sa ref, bigay ni Miko." Ani kuya

"Okay!" Sakto nagkecrave ako sa milkshake.

Sa kwarto ko na lang ininom, nagdadrawing kasi ako ng bahay. May note pa lang nakalagay sa ilalim ng milkshake, "sorry...".

Dun niya ata nilagay para di makita ni kuya. Tinabi ko muna ang note bago ko ininom.

Nagring bigla phone ko... si Cedric tumatawag.

"Hello..."

[Hello Magui?]

"Babe?" Bat feeling ko maiiyak na naman ako? I'm so OA!

[I'm sorry babe, sorry!]

"Babe naman... ako dapat magsorry! I'm sorry sa nagawa ko hmmm. Babawi ako!"

I feel relieved when we bacame okay. Thank you Lord!

He set another date for us, sa Tagaytay ang plano namin para maganda ang view.

"Hi kuya!...ay Hi Ate Kelly andyan ka pala"

Pagtapos namin mag-usap ni Cedric, bumaba na ako at naabutan ko si kuya kasama si Ate Kelly...

Hinaharana ni kuya si Ate! So cutie!

"Wow! Di na masungit kapatid ko... bati na kayo?" Nagulat ako sa sinabi ni kuya. Bati nino?

"Sabi ni Miks nagtampo ka daw nung last gala niyo kaya ba palagi ka nagkukulong?"

Ay weh? Sinabi ni Miko kay kuya yun? Hindi naman kami nag-away ha

"Huh? Okay naman kami ah! Di kami nag-away"

"Sus, kaya pala pag andito si Miko, di na baba!"

Pumunta na lang ako sa kusina para magtingin ng niluluto ni mommy, Sunday ngayon kaya andito sila ni daddy, nasa study room lang si dad.

"Margaretta! May gusto ka ba kay Miko?" Muntik ko ng madura ang iniinom kong tubig.

"The heck kuya? Di kami talo ni Miko no! Binabae yun eh"

"Ah so kung lalaki talaga siya? Magugustuhan mo?"

Inirapan ko na lang si kuya at sa garden na lang ako tumambay para magscroll sa IG. Nonsense pinagsasabi eh, kairita!

Nagpost pala si Cedric nung isang araw, isang larawan ng ano to? Ultra sound? Malabo kasi ang picture kaya diko sure kung ayun nga

CedricKho: happy kiddo.

Binasa ko ang comment at puro congrats. Chinat ko siya at sabi niya ultrasound nga yun ng pinsan niyang babae. Bat niya naman ipopost yun? Sobrang saya niya lang daw kasi close niya ung pinsan niyang yun.

Kinagabihan nagdinner kaming pamilya sa garden. Si kuya pa nagluto, Spare ribs and Steak ang sinerve niya.

"Wow!" Amoy pa lang natatakam nako. Magaling kasi talaga magluto si kuya.

Sobrang busog namin nung dinner.

"Oh, pwede na ba ako pumalit kay Chef Boy Logro?" Pagyayabng ni kuya.

Tinawanan lang namin siya!

Nagsimula na ako magligpit sa garden, ako na den naghugas ng plato.

If I Fell...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon