17th🍁

1 1 0
                                    

"O-okay ka lang?"

Nataranta siya kaya binitawan niya ang gitara at hinawakan ang pisngi ko. Tumango ako at ngumiti.

"Ang lungkot kasi ng kanta mo sis!" Iniwas ko ang mukha ko sa pagkakahawak niya.

Para akong nanlalamig na diko maintindihan.

Ngumisi siya at tumango. Tumingin na ulit siya sa gitara at tumugtog ulit. This time masaya na ang intro.

"Magkatabi tayo sa duyan!

Sa ilalim ng buwan, buhangin sa ating mga paa

Ang dagat ay kumakanta..."

Nang marinig yun ng ibang tropa ni kuya, nakisali na den sila samin. Ung isa nagdadrum pa kunware sa upuan, si kuya sumabay den sa tugtog ni Miko.

"Matagal na din magkakilala,

Minahal na kita simula pa nung una,

Unang makita ang iyong mga mata..."

Kumanta silang lahat, ako niki- headbang na lang sabay sa beat. Humarap na ako sa bonfire pero si Miko medyo nakaharap pa den sakin. Nakangiti at nakatingin lang sakin. Ngumiti lang den ako at napaiwas ng tingin.

Bumibilis ang heartbeat ko pag nginingitian niya ako. Bakit ganito?

"Sana ay wag nang matapos to,

Pag-ibig na para lamang saiyo, wohoho

Gusto kong tumalon tumalon sa saya

Dahil ikaw ang kapiling

Saiyo- saiyo lamang ang puso ko!"

Nang lumalim ang gabi, kumuha na sila ng alak sa loob. Chichirya ang pulutan nila ngayon. Tawanan at asaran ang naririnig ko sa kanila bago sinimulan ang inuman.

"Okay ka lang?" Tanong ulit ni Miko sabay abot sakin ng strawberry juice.

Hindi ko namalayan na umalis pala siya sa tabi ko. At meron pa lang Strawberry Juice? Di ko nakita kanina.

"Andami mong masasaktang babae..." natawa ako ng bahagya habang tinitignan ang paa ko na natatabunan ng buhangin.

"Bakit naman?"

"Kung lalaki ka, ang daming mahulog sayo! Madaming mahuhumaling babae sayo."

"Bakit? Nahulog ka na ba sakin?"

Napalingon ako sa sinabi niya, what the heck! Napahawak agad ako sa dibdib ko. Bumibilis na naman ang pintig ng puso ko, hindi to pwede!

"Ang seryoso mo naman sissy! Hahahaha" ginamit niya na ang pang bakla niyang boses.

Tinitigan ko lang siya habang natawa. Womanizer ata itong baklang to eh! Akala mo sasaluhin ka pag nahulog, hindi pala! Tatawanan ka lang!

Kanina pa ako lamig na lamig kaya nagpasya na akong pumasok sa loob ng villa. Iniwan ko sila dun na nag-iinuman. Bago pumasok sa loob nakita ko pa si Berna sayaw ng sayaw! Lasing na ata.

Afterlunch kami umalis sa Batangas, kinabukasan. Bago umalis pumunta muna ako sa beach at pinicturan ko ang view!

What a beautiful nature! Mamimiss ko yung ganito kahit isang araw lang kami dito.

Sa frontseat ako ni Miko sumakay. Tulog kasi si Berna sa likod, nakahiga pa! Hangover pa more!

"Pwede bang hinaan ko ang aircon?" Sabi ko habang niyayakap ang sarili.

Nilingon ako bigla ni Miko habang nagdadrive. "Nilalamig ka?"

Tumango ako.

Siya na ang naghina ng aircon.  Nagulat ako nung tinabi niya sa gilid ang sasakyan. Bakit?

If I Fell...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon