"Pre, wala pa den ba dumadaan?" Paulit-ulit na tanong ni Grego.
Nakatambay kaming tropa sa quad. Nakahiligan na namin ito kapag vacant, naghahanap ng babae.
"Ano ba yan Greg, babae na naman?" Ani Bernardo.
"Uy! Uy! Ayun pre!" May tinuro si Cyrill. Babaeng maputi, mahaba ang buhok. Di'ko trip!
"Ayun ang maganda!" Tinuro ko naman yung babaeng may kasamang isa pang babae.
Morena, sakto lang ang buhok tapos ang ganda! Pasok sa type ko'to!
"Sino dyan? Yung nakapink na bag?" Tanong ni Cyril, napangiti ako habang nakatitig sa babae.
"Oo..." sagot ko.
"Gago! Kapatid ko yan!"
Nagulat ako nung kiniwelyuhan ako ni Cy. Sasapakin sana ako kaso pinigilan ni Greg. Bakit galit?
"Easy pre! Sinabi ko lang na maganda eh" inayos ko ang nagusot kong kwelyo.
"Wag ka magkakamali diyan! Pinagbabawal ko yan sa mga lalaki!"
Simula pa lang alam ko nang bawal siya makipaghalubilo sa mga lalaki, napakaselfish naman ni Cy. Sabagay, mukha namang hindi siya kung sino sino lang! Maganda at muka namang mabait at mahinhin! Dapat lang talaga sa kanya!
Palihim ko na lagi siyang tinatanaw pag kasama ko sila Cy, nalapitan ko lang siya nung panahong sumugod si Cy sa kanya dahil may kumausap lang na lalaki..
Nalaman ko den ang pangalan niya. Bagay na bagay sa kanya, hindi ako stalker! Talagang naikwekwento lang siya ni Cy.
Minsan nakikita ko pa siyang stress sa kakareview, kaya nag-iipit ako ng notes sa notebook niya kapag iniiwan niya ito sa upuan niya.
"Libre mo na kasi ako! Milktea lang eh!"
Napadaan kami sa Christea, kaya itong si Bernardo panay ang pilit na bumili dun.
Kapal nga eh ako na nanlibre ako pa pumipila dito. Habang tumitingin sa menu nagulat ako nung makitang nakatitig sakin si Magui na katabi ko. Fuck! Mukang natakot den siya sa naging reaksyon ko!
"Ang tagal mo naman dyan Miko! Oh! Para ka nakakita ng multo ah!" Dumating si Berna at natawa sa reaksyon ko.
Noong panahon na yun, dun ko lalo siya nagustuhan. I think it's fvcking love at first sight!
Nung umamin samin si Bernardo na bakla siya. Hindi na ako nagulat, halatang-halata naman kasi, inaantay ko na lang talaga umamin. Ang kinagulat ko lang ay nalapit siya kay Magui! Lalaki pa den siya ha! Dapat bawal!
"Pero ang mga bakla kaibigan lang ang hangad nila sa isang babae. I don't want to be more possessive!" Rason ni Cyril.
Naging mas malapit kami ni Berna kasi nakwekwento niya sakin ang ugali ni Magui.
"Bawal siya makipag-usap sa lalaki tapos may boyfriend?! Kailangan malaman to ni Cy!"
Galit na galit ako dahil nagrerebelde siya at lalo akong nagalit dahil may boyfriend siya. Hindi ko siya sinumbong, natakot ako na baka lalo siyang malayo sakin. Baka kung ano ang masabi at magawa ni Cy lalo sa kanya. Basta masaya siya okay na ako. Pero nung makita ko ang lalaking mahal ng babaeng gusto ko na may kasamang ibang babae, gusto ko siyang sapakin!
Okay sana kung usap lang eh, pero naghahalikan sila sa gilid ng kalsada! Paano niya yun nagawa? Ang tigas ng mukha niya, si Magui na sinuway ang kuya niya para sa kanya, tapos manloloko pala ang gagong yun!
Inalok ako ni Berna na magpanggap na bakla. The fuck I would do that?!
"Sige nga! Paano siya maniniwala sayo aber? Tingin mo sino ka para paniwalaan niya? Eh tropa ka lang naman ng kuya niya! Miski nga sila Paula hindi niya pinakikinggan eh. Kung papayag ka sa alok ko, magiging close kayo. Tutulungan kita para mapaghiwalay natin sila!"

BINABASA MO ANG
If I Fell...
Novela JuvenilMiko the boy next door. He had a thing for Magui, he pretend to be a gay so he could get close to her. Magui's forbidden to talk to boys because of his brother's rules! Will Miko make Magui fall for him? Or they will stay as a friend? ♡